Hindi mapakali si Calleigh habang hinihintay ang pagdating ni Ambassador Villegas. Pumayag itong makipag-usap sa kanya. Sa isang private villa na pagmamay-ari ng pamilya nito sila magkikita. Napatayo siya nang matanaw na papalapit ito sa kinaroroonan niya. “Have a seat,” walang paligoy-ligoy na bungad nito sa kanya. Nanginginig ang tuhod na muling umupo siya. May inilabas itong folder, inaasahan na niyang hindi ito mag-aaksaya ng oras. Inabot nito sa kanya ang mga dokumento na siya namang tinanggap niya. Bumuntong-hininga muna siya bago niya inilabas ang laman ng folder. Pigil hiningang nilagdaan niya ang mga papeles. Naluluhang inabot niya kay Ambassador Villegas ang pirmadong dokumento. Inabot nito sa kanya ang isang maliit na kahon na naglalaman ito ng safe deposit key na nakapangal

