“Saan ba talaga tayo pupunta?” pangungulit na tanong ni Calleigh kay Juan Miguel. “Sweetheart, hindi na sopresa ‘yon kung sasabihin ko sa iyo,” naiiling na tugon ng asawa sa kanya. Pagkagaling nito sa opisina ay sinabihan siya nitong may importante silang pupuntahan. Hanggang sa makasakay sila ng sasakyan ay pangiti-ngiti lang si Juan Miguel sa kanya. Kahit anong pilit niya rito ay ayaw talagang sabihin kung saan sila pupunta. Piniringan pa siya ng asawa. Naramdaman niyang huminto ang sasakyan, masuyo siyang inalalayan ni Juan Miguel. “We’re almost there, sweetheart,” wika nito sa kanya. “JM, para naman akong bibitayin nito,” natatawang komento niya na kinahalakhak nito. “Sweetheart, magugustuhan mo itong sopresa ko para sa iyo,” bakas ang saya sa tinig ni Juan Miguel. “Okay!” naiil

