Lulan ng DS Airlines ay dumating ng Pilipinas sina Juan Miguel at Alex. Kasama din nila si Dimitri Villegas at si Tita Guada. Sa buong panahon ng kanilang biyahe ay halos si Alex at Dimitri lang ang nag-uusap. Si Tita Guada ay nananatiling tahimik, ilang oras din na iyak ng iyak ang ginang nang ibalita nila ni Alex ang kalagayan ni Calleigh. Kasalukuyang tinatahak nila ang daan pauwi ng Hacienda De Silva. Ang isipan ni Juan Miguel ay nasa asawa. Tinawagan siya ng kapatid na si DJ. Ayon dito ay may ulat ang taong tinalaga ni Roy para magmanman kay Azon. Nadiskubre nitong madalas magpunta sa mansyon ng mga Almazan ang ginang. Kaya nakakasigurado siyang tama lang na di niya pinaalam na nanganak ang kanyang asawa. “Are you okay?” bakas ang pag-aalala sa mukha ni Alex, inabutan siya nito ng s

