Hacienda De Silva, Hawak-hawak ni Dimitri ang kamay ni Calleigh. Halos hindi siya makahinga sa nakikita niyang kalagayan ng babaeng labis niyang minamahal. “Mapapatawad mo pa kaya ako at ang pamilya ko?” mahinang bulong niya. Naramdaman niya ang pagbukas ng pinto, nilingon niya ang pagpasok ni Alex. “What happened to her?” tanong niya rito. Lumapit ito sa kabilang bahagi ng kama at masuyong inayos nito ang buhok ni Calleigh na nakatabing sa pisngi nito. Bumuntong-hininga ito bago sumagot, “After what happened to your brother, dinala siya ni Jackson sa private island ng pamilya namin para doon magtago.” “Jackson? You mean, Jackson Almazan!” nangalit ang pangang usal niya. “Yes, si Jackson ang tumulong kay Calleigh upang mailayo siya kay Don Simon at kay Governor Almazan. He is a good

