“I’m sorry, Mrs. Romero,” wika ng receptionist kay Azon. “Tignan mo uli!” mariing sabi niya sa empleyado ng resort. “Wala pong Calleigh Romero ang nagpunta o nag-stay dito sa resort for the last few months.” “Hindi ako naniniwala sa sinasabi ninyo! Nagpunta ang anak ko dito, nakakasigurado ako,” muling giit niya. “Mrs. Romero, kung gusto po ninyo ay magtanong-tanong kayo sa lahat ng nandito. May larawan ho ba kayo ng anak ninyo? Pwede po namin kayong tulungan na gumawa ng flyers.” “Ah? H-hindi! Hindi na kailangan,” nauutal niyang sagot. “May maitutulong pa ho ba ako sa inyo?” tanong ng receptionist sa kanya. “Wala na! Magtatanong na lang ako sa iba,” mariing tugon niya. “Sa labas po nitong resort ay madaming locals na pwede ninyong pagtanungan, baka may nakakita sa anak ninyo.” “S

