“A-anong ibig sabihin nito?” nauutal na tanong ni Don Simon sa kanyang abogado. Hindi siya makapaniwala sa mga hawak niyang dokumento. “As you can see, Don Simon. Sixty-seven percent of Romero Holdings is owned by DS Global Wealth and Investment Management. Another percent is added to their shares when five of our minor stockholders sold their shares,” paliwanag sa kanya ng kanyang abogado. “Ngayon Simon, paano mo ipapaliwanag sa akin ang kapabayaan mong ito?” tiim ang bagang na wika ni Governor Almazan sa kanya. Kasama ito ng abogado na dumating sa kanyang opisina. “Magagawan pa ito ng paraan, Ramon,” wika niya sa gobernador. “Aber! Paanong paraan pa ang magagawa mo kung lumalabas na sa susunod na mga araw ay hindi na ikaw ang nagmamay-ari ng kompanya,” tugon nito sa kontroladong gali

