Nadatnan ni Juan Miguel na natutulog ang kanyang mag-ina. Naupo siya sa tabi ni Calleigh at masuyong hinagkan niya ang mga labi nito. Napabuntong-hininga siya, pinahid niya ang mga bakas ng luha sa pisngi ng kanyang asawa. Hinalikan niya din sa noo si Calix. Inayos niya ang pagkakalagay ng mga unan sa tabi nito. Tumunog ang kanyang cellphone, dahan-dahan siyang tumayo at sinagot niya ang tawag. “Hello!” “Mr. De Silva, it’s me,” wika ng estranghera sa kabilang linya. “Any update?” tanong niya rito, binuksan niya ang sliding door at lumabas siya sa balkonahe. “I’m on my way to the port. They have a big shipment coming in tonight,” tugon nito sa kanya. “Why you didn’t inform me sooner so I can call someone to get them,” kunot-noong wika niya rito. “This particular shipment is part of a

