“Good morning JM!” mahinang bulong ni Calleigh sa asawa. Masuyong hinaplos niya ang buhok nito. “What time is it?” inaantok na tanong nito. “It’s seven in the morning,” tugon niya. “Ten more minutes, sweetheart,” muling sinubsob nito ang mukha sa unan. Natatawang hinaplos niya ang pisngi nito, “Okay! Go back to sleep!” bulong niya kay Juan Miguel. Bago siya magluto ng kanilang agahan ay inihanda muna niya ang susuotin ni Juan Miguel para sa araw na iyon. Masuyong tinitigan muna ni Calleigh ang mukha nito bago siya tuluyang lumabas. Saktong naihanda niya ang mesa nang bumungad si Juan Miguel. “Hmmm! Smells delecious,” nakangiting wika nito. “Mister, huwag kang masyadong bolero,” natatawang aniya. Sinalinan niya ng sinangag ang pinggan nito. Naghanda siya ng salted egg with tomato,

