Nasa entertainment room sila ni Juan Miguel, pinapanood nila ang mga home videos ng pamilya De Silva. Kumabog ang kanyang dibdib, titig na titig siya sa nag-iisang babaeng nagbubukas ng mga regalo. Sa tansya niya ay mas bata ito ng sampung taon nang kunan ang video. Hindi siya maaaring magkamali na ang nakikita niya ngayon ay ang kasintahan ni Dr. Luke at kaibigan niyang si Marie. “Are you okay?” tanong ni Juan Miguel sa kanya, hinaplos nito ang kanyang pisngi. “Huh?” baling niya sa asawa. “I was talking to you but it seems your not your usual self. Namumutla ka sweetheart, may problema ba?” bakas ang pag-aalala nito sa kanya. “May naalala lang ako, what were you saying?” pilit ang ngiting binigay niya rito. “Sabi ko birthday celebration ni Ate Sofia ang araw na yan. Inis na inis s

