Chapter 8

1219 Words
Nakatulugan na ni Dana ang maghapon pagba-browse sa computer, naghahanap kasi siya ng partime job na pwede niyang pasukan, para naman kahit papaano makatulong siya sa magulang. Nagising siya sa patuloy na pagtunog ng kan’yang phone, basag ang boses na sinagot ang tumatawag sa kanya. “Hello! Hmmp,” aniya na nilinis ang bara sa lalamunan. “Nagising ba kita?” biglang bangon niya ng marinig ang boses ng binata. “Ah— eh... hehehe, hindi naman. Napatawag ka?” tanong niya na pilit ginigising ang sarili. “Itatanong ko lang sana kung tuloy tayo ngayon?” anito na alanganin sa tanong. “Hala! Sorry nakalimutan ko, sandali maliligo lang ako,” sabi niya sa binata, sa pagmamadali ay hindi na niya naantay ang sagot nito at agad na pinutol ang linya. Papasok nasa na siya sa banyo ng mapahinto siya, “Tsk, dapat ba akong magsaya ngayon?” aniya na nagalangain kung tutuloy o hindi dahil naisip niya ang kasalukuyan nilang sitwasyon, “Hayy, bahala na,” sabay pasok sa banyo. Pagkabihis ay agad siyang dumiretso sa bookstore kung saan sila magkikita, alangain pa siyang nag-paalam sa magulang bago umalis. Pagdating sa bookstore ay nandoon na ang lalaki. Nakangiti ito ng lumapit sa kanya, s’ya naman ay parang nahihiya dahil pinagtitnginan sila, paano naman isang prince charming at isang balyena ang magkasama. At mukhang nahalata ng binata ang kan’yang pagkabalisa, at luminga-linga pa ito. “Tsk, hayaan mo sila, ‘wag mo silang pansinin,” sabay akay sa kan’ya palabas ng bookstore. “Hindi ka ba nahihiya na kasama mo ako?” alanganing tanong niya. “Huh? Bakit naman ako mahihiya? Killer ka ba?” tanong nito sa kanya. “Hindi.” “Magnanakaw, rapist— o kriminal ka ba?” na huminto ito sa paglalakad at tumungin sa kanya. “Hindi!” “Oh! Hindi naman pala e, bakit ako mahihiya na kasama ka?” anito na ngumiti sa kan’ya. “Kasi—“ aniya na hindi maituloy ang sasabihin. “Kasi mataba ka?” “Oo, kasi mukha akong balyena” saka nahihiyang napayuko. “Ano ba ‘yang sinasabi mo? Anong balyena, malusog ka lang dahil masustanya ang mga kinakain mo at hindi kriminal ang pagiging malusog. Saka maganda ka, kaya wala kang dapat na ikahiya, hmp.” Saka siya hinawakan sa balikat. Napangiti naman siya sa sinabi nito, bakit ba lagi s’yang pinakikilig ng binata? “Salamat,” aniya na nahihiyang ngumiti. “Kung gusto mo, mag-enrol tayo sa gym, para naman mabawasan ang timbang mo, kung iyon ang ikinahihiya mo sasamahan kita?” “Hindi na siguro, sayang lang sa pera,” alanganin niyang sagot at saka inaalala din niya ang sitwasyon na merong ang kan’ya pamilya. “Walang problema, mag-jogging na lang tayo,” ngumiti lang siya dito at hindi na sumagot. “Huwag mo sanang isip na kaya kita pinipilit mag-exercise dahil nahihiya akong kasama ka. Gusto ko lang na maging healthy ka, makakatulong din ‘yon para ma boost ang confidence mo sa sarili, hindi ‘yung ikinahihiya mo ang sarili mo dahil lang sa sasabihin ng iba!” “Hindi, ano ka ba bakit ko naman iisipin ‘yon” pilit siyang ngumiti. “Kung ganon settle na, i-chat kita ulit next week may alam ako kung saan tayo pupunta.” Excited itong timingin sa kanya. “Kung gano’n, magkikita pa ulit tayo next week?” kinikilig n’yang tanong. “Oo naman, bakit ayaw mo ba?” malamlam ang mata nitong tumingin sa kan’ya. Gosh! Bakit ka ba ganyan, bigyan mo naman ng kahimikan ang puso, sa isip niya bago ito sinagot. “Hindi naman sinisigurado ko lang, hehe.”  Habang naglalakad ay hindi maiwasan ni Dana na maisip ang kung ano ang p’wede niyang gawin para makatulong sa pamilya, nang mapalingon siya sa papasara nang shop at nakita ang nakadikit sa dingding na salamin nito “Hiring, Partime Worker” agad naman siyang lumapit dito. “Sandali saan ka pupunta?” takang tanong ni Claude at sumunod sa kan’ya. “Saglit lang” aniya dito. “Excuse me po, available pa po ba ito?” tanong niya sa naka-uniform na lalaki. “Sorry Miss, may na hired na kanina lang. Hindi lang siguro na tanggal,” anito sabay alis ng papel na nakadikit. Dismayado namang lumapit sa kasamang binata. “May problema ka ba?” nag-aalalang tanong nito. “Ano’ng problema mo, kanina pa kasi kita nakikitang matamlay at tahimik e!” Kinuwento naman niya kung anong naging problema nang kanilang pamilya. “Gano’n ba kaya pala kanina ko pa napapansin na ang tamlay mo, kawawa naman pala ang mama’t papa mo!” anito na nakikisimpatya sa kan’ya. “Kaya naghahanap ako ng p’wedeng mapasukan.” “Paano ang pag-aaral mo kung magtatrabaho ka?” nagaalalang tanong nito. “Hindi... kahit magpartime ako, sisiguraduhin ko pa rin na mamakaka-pagtapos ako.” Determinadong sagot niya dito. “Huwag kang mag-alala, may-awa ang maykapal. Malalampasan n’yo din yan.” nakangiting baling nito sa kan’ya. Sana laging ganito na kasama niya ang lalaki at ang pagiging maalalahanin nito, ‘yong hindi s’ya binubuli, ‘yong ganitong pakiramdam na masaya lang at hindi s’ya sinasaktan at sinasabihan ng masasakit na salita. **** Lumipas ang mga araw at gano’n pa din wala pa rin nahahanap na investor ang kan’yang mga magulang, maging s’ya ay wala pa rin mahanap na partime job. “Mga anak, sana maunawaan n’yo ang sitwasyon natin ngayon. Kung hindi pa rin makakahanap ng investors maaaring isara na natin ang restaurant,” malungkot na wika ng kanyang ama, ang mama naman nila ay tahimik lang. “Ano na po ang mangyayari sa atin ngayon,” naiiyak na tanong ng bunsong kapatid. “Ayos lang po kung huminto muna ako sa pag-aaral, maghahanap na rin ako ng partime job. Para makatulong kahit papaano!” aniya na hindi pinapahalata ang lungkot sa pamilya. “Hindi, walang hihinto sa inyo. Ililipat na lang namin kayo sa public kung hihingin talaga ng pagkakataon!” malungkot na wika ng ama. Iniisip pa lang ni Dana na maiiwan niya ang mga kaibigan nalulungkot na s’ya. Higit sa lahat si Claude, hindi na niya madalas makikita ang binata. Nabasag lang ang katahimikan na namamagitan sa kanila nang tumunog ang telepono ng kanyang ama. “Hello?” saka ito tumayo nang sagutin ang telepono. Maya-maya pa ay rumehistro sa mukha nito ang pagkagulat habang nakikinig sa sinasabi ng nasa kabilang linya. “Pa, anong problema?” nag-aalalang tanong ng Mama n’ya. “Alright... okay— sige pupunta na ako agad d’yan.” anito na halos umabot na sa tenga ang labi dahil pagkakangiti nito. “Bakit Pa?” nag-aalala din niyang tanong. “May nahanap na tayo!” tuwang-tuwa ang kanyang ama na niyakap ang mama nila. “Ano’ng nahanap?” hindi maintindihang tanong ng ina. “May investor na tayo!” anito na halos walang paglagyan ang tuwa sa mukha. “Talaga?” tuwang-tuwa din tanong ng ina, “Pero paano?” anito na hindi maiwasan mag-tanong. “Hindi ko din alam, tumawag na lang ito sa opisina at sinabing gusto nitong mag-invest.” Anito na hindi mapakali. “Bilisan mo magbihis ka na dahil aalis na tayo at papunta na din ang investor,” Utos sa ina. Tuwang-tuwa naman sila dahil hindi sila pinababayan ng maykapal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD