Pilit na hinabol ni Dana ang lalaking kahawig ni Claude, pero dahil sa hindi siya makakilos ng mabilis dahil sa nahihirapan siya sa katawan niya kaya hindi niya ito naabutan.
“Claude, ikaw ba iyan? Claude!” nangi-nginig ang kamay niya habang paulit-ulit niyang sinasambit ang pangalan ng lalaki. Hindi niya malaman kung ano ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.
Tulala siya ng makauwi, kaya nag-alalang sumalubong ang kang Mama.
“Anak! Anong nangyari sa iyo? Bakit ganyang ang itsura mo?” sabi nito na lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.
“Ma, Nakita ko si Claude!” naiiyak niyang sabi dito. “Ma, buhay siya… Ma, buhay s’ya.” At tuluyan na siyang napaiyak.
“Anak ano ba ang sinasabi mo? Alam kong na saktan ka sa nangyari, pero anak, kailangan mong tanggapin na wala na ang kaibigan mo.” Malungkot itong tumingin sa kanya.
“Hindi Ma, Nakita ko s’ya… nakita ko mismo s’ya. Nandon siya sa puntod niya mismo nakatayo.” Pilit niyang pinapaliwanag sa kanyang ina.
“Anak, pagod ka lang. Ang Mabuti pa ay magpahinga ka na muna, maglinis ka na muna ng katawan mo ang ipaghahain na kita.” Anang kanyang ina na hindi na niniwala sa sainasabi niya.
Wala na siyang nagawa kundi ang umakyat na lang sa kwarto niya, ayaw din naman siya nitong paniwalaan. Akala siguro ng Mama niya ay nababaliw na siya.
“Babalik ako ulit doon, sisiguraduhin ko na hindi ako namamalik-mata, na buhay ka.” Aniya na may nabubuong pag-asa sa kanyang puso.
Hindi na siya bumaba upang kumain, kaya naman pinuntahan siya ng kanyang Mama.
“Anak, buksan mo itong pinto. Hindi ka ba baba at kakain?” tanong nito habang kumakatok sa pinto ng kwarto niya.
Lumakad siya palapit sa pinto at pinagbuksan ang Mama niya.
“Hindi pa po ako gutom, Ma. Mauna na lang kayong kumain, busog pa po ako.” Sabi niya, pero sa halip na sumagot ang kanyang ina ay niyakap na lang siya nito.
“Anak, naiintindihan ko kung ano ang pinagdadaan mo ngayon.” hinawakan nito ang magkabilang balikat niya sa humarap ito sa kanya “Alam kong malungkot ka, pero kailangan mo pa ding alagaan ang katawan mo. Hindi siya matutwang pinapabayaan mo ang sarili mo.” Bahagya itong ngumiti at hinaplos ang kanyang pisngi.
“Ma, siguro ay iniisip mo na nababaliw na ako. Pero totoo ang sinasanbi ko, buhay siya at papatunayan ko iyan sa inyo.” Determinado niyang sabi sa Ina.
“Hindi... walang nag-iisip na baliw ka, saan mo nakuha ang ideya na iyan. Anak ka namin, anak kita, kaya bakit ko iisipin na baliw ka?” medyo tumaas na ang boses nito pero mahahalata mo pa din ang pag-aalala sa tono nito.
Napayuko na lang siya, alam kasi niya na kahit anong sabihin niya ay hindi siya nito papaniwalaan. Ngumiti siya sa ina niya nang magtaas siya ng tingi dito.
“Sige na Ma, kumain na kayo. Hindi pa ako gutom.” Pagtataboy niya sa Ina.
“Hindi, halika na sumabay ka na sa amin. Hindi puwedeng mag palipas ka na gutom, may trabaho ka pa bukas.” Sa huli ay bumaba na rin siya dahil sa pamimilit ng kanyang Mama.
“Kamusta naman sa unang buwan mo sa trabaho?” masiglang tanong ng Papa niya.
“Ayun, noong una nahihirapan ako kasi masikip yung mga pagitan sa kusina, lagi akong napapagalitan dahil lagi ako na kakabasag ng mga gamit doon.” Kibit balikta niyang sagot.
“E ngayon, kamusta naman na?”
“Medyo maayos na rin naman, Pa. kaya lang hindi pa rin maiwasan na hindi mapagalitan dahil sa hindi ko pa rin talaga maiwasan ang hindi makabasag, kung hindi dahil kay kuya baka simula pa lang natanggal doon.” Matagal na siyang nagbabalak na ituloy ang pag-da-diet niya, per laging hindi na tutuloy, tinatawanan na lang tuloy siya ng kapatid na bunso.
Sous chef dapat talaga ang kaniyang position, kaya lang mas pinili niya sa mababang position dahil ayaw niyang mapag-isipan na kaya siya nasa ganoong level ay dahil sa kapatid niya. Kaya kahit assistant chef muna siya dahil mas gusto niya na ang sariling kakayahan niya ay maglagay sa posisyon na iyon at hindi dahil sa kapatid niya. Kaya kahit mahirap para sa kanya ay tinitiis niya.
******
Kinabukasan halos maligo na sa pawsi si Dana dahil sa tinanghali siya ng gising kakaisip sa lalaking kahawig ni Claude. Halos mapalingon lahat ng kasamahan niya sa kusina ng bigla siyang pumasok sa loob.
Naka-pamewang na tumingin ang mataray nilang Head Chef na si Chef Siri o Serano tunay nitong pangalan.
“Dana, pangalawang beses mo na yan, isa pang late na pagpasok mo. Pag sisihan mo, ‘wag mong sabihin na nasa mataas na posisyon ang kapatid mo para pagbigyan ka sa ganyang gawain mo, kabago-bago mo pa lang ganyan na ang pinapakita mo. Isang beses pa Dana, ito na ang huling warning mo.” Mataray nitong sabi sabay alis at nagpunta sa opisina nito.
Pagkalabas nito ay siya namang lapit ni Jessie, ang sabayan niyang pumasok. Single Mom ito, pero na kakaya pa rin nito maitaguyog ang tatlong anak at mamuhay ng maayos. Pero siya na dalaga pa nga lang, hirap na.
“Dana, bakit ba kasi ngayon ka lang kanina ka pa hinahanap ni chef natin na iyon.” Bulong nito.
“Nasobrahan kasi ako ng tulog, kaya medyo late na ako.” Napapakamot na lang siya ng ulo.
“Bilisan mo nang magpait, para maka pag simula na tayo at baka umusok na naman ang ilong ng bakla na iyon.” Babala nito sa kanya at nag simula na sa trabaho nito. Malapit na rin kasi magbusak ang restaurant kaya nagmamadali na din sila.
Pahuhugas ng pinggan ang tokang trabaho ngayon ni Dana, kaya sobrang pagod siya, bikod sa hirap ang kayang pagkilos dahil sa madalian ang gawain sa kusina, kaya madalas ay nagkakabanggaan sila dahil sa sikip sa loob ng kusina. Lalo na kapag siya ang nakakasalubong.
“Tsk... Dana ano ba, pwede bang pagnakita mo na kaming dadaan lumihis ka na, alam mo naman siguro na sa atin dito ikaw ang malaking harang. Huwag mong abalahin ang trabaho namin, tumabi ka.” Pasigaw ng station chef nila.
Napayuko na lang siyang tumabi sa gilid para makadaan ito, at para hindi na lumaki ang gulo ay hindi na lang niya pinansin.
Haganggang sa mag-oras na ng uwian, nanatili pa din si Dana sa kusina dahil madami pa siyang hugasin. Kahit pagod na pagod na siya ay hndi pa rin siya makakauwi dahil sa pending na hugasin niya.
Makakauwi lang siya pag natapos na niya ang kanyang gawain. Pabagsak na naupo siya dahil makakauwi na rin siya.
Napalingon siya sa paligid, mukhang mag-isa na lang doon sa kusina. Si Jessie kasi nag sasabi na mauuna na dahil kailangan na nitong makauwi sa nga ito.
Sandali siyang pumikit ng bigla siyang napadilat dahil sa pagkaluskos na narinig niya. Nang mahagip ng mata niya ang bulto ng isang lalaki.
Nakatalikod ito, pinakatitigan niya ito pero napa-laki na lang siya ng mata ng mapagsino ang lalaki.
“Claude?” sabay lakad/takbo ang ginawa niya, mahabol lang ito, pero hanggang sa mawala na naman ito sa paningin niya, dahil hindi niya magawan ng paraan.
Hanap siya nang hanap hanggang sa makabungguan niya si Chef Siri, mukhang nagulat din ito ng makita siya.
“Dana ano pa ang ginagawa mo dito bakit hindi ka pa umalis.” Nang akma na siyang aais ng muli siya nitong tawagin.
“Dana... siguraduhin mo maging maaga ka bukas. Dahil bukas din dadating ang bago Executive chef, dahil kung malate ka pa ulit kaahit na may kapatid kang may kapit. Gagawa ako ng way para malipat ka,” banta nito sa kanya.
Ngumiti lang siya, “Yes, Chef.”
“Sige huwag mong resyosohin ang sinasabi ko sayo, huwag mo akong subukan Dana.” Masungit nito babala sa kanya at basta na lang siyang tinalikuran.
“Sungit, hmmp!” bulong niya nang maalala na may hinahabol pala siya, ngunit nawala na naman sa paningin niya.
Hindi na naman niya na abutan, napapa-isip na tuloy siya kung talagang na mamalik-mata lang ba talaga siya?
Hanggang sa pagtulog ay ang lalaking nakita pa rin niya ang nasa isip niya.
“Dana, matulog ka na kapag na late ka pa ulit siguradong lagot ka na talaga kay Chef sungit.” Sabi niya sa sarili na gising na gising pa din ang diwa kakaisip sa lalaking yon.
Kaya ayun, kinabukasan ay naghahabol na naman siya para makaabot sa oras ng pasok niya. Masasabon na talaga siya.
Pagdating niya sa kusina ay may nakita siyang lalaki na nakatayo, nakatalikod sa pintong pinagku-kubbilhan niya.
“Nag-ka emergency ang executive chef na sana ang makakasama ninyo, pero dahil nga wala siya ako muna pansamantala ang magmamanage dito.” Pagkarinig pa lang niya ng boses nito ay kaagad niyang na itulak ang pinto na pinakukublihan niya.
“Claude!” biglang tawag niya dito.
Gulat naman tumingin ang mga kasama niya sa kanya, maging si chef Siri ay masama ang tingin dahil sa bigla niyang pasok at paggawa niya ng eksena.
Gulat na napa-tingin din ang lalaki sa kanya.