Chapter 24

1963 Words
Dahil sa hindi maawat na pag-iyak niya sa nalaman ay binalik siya sa ospital dahil namaga ang kanyang mata, muli na naman itong nilagyan ng benda pero manipis na lang iyon at pinasuot siya ng salamin, bukod kasi sa hindi niya mapigilan ang pag-iyak, ay na iritate ang kanyang mata. Kaya ngayon, dalawang linggo siyang may bendang muli sa mata. Pinagbawalan siyang umiyak ng sobra, at pakiramdam din niya ay parang sasabong ang kanyang puso dahil sa pinipigilan niya ang kanyang pag-iyak, sobrang bigat ng pakiramdam niya... Bukod sa ayaw na niyang ma-iritate itong muli ay kailangan niya itong alagaan ng sobra, dahil kung totoo man ang nalaman niyang iyon ang mata ng lalaking pinaka-mamahal niya. Hindi niya alam kung bakit naging donor niya ang binata samantalang nakausap pa lang niya ito sa ospital, kaya paanong ito ang naging donor niya hinatid pa nga siya nito sa kwarto niya noon e, kaya paano? Paanong nangyari iyon? Mga tanong niya sa sarili na hindi niya alam kung paano sasagutin. Kung dati ay masayahin si Dana ngayon ay sobrang tahimik niya at ayaw makipag-usap kahit na kanino. Sasagot lang siya kapag tinatanong o kung kinakailangan. Kailangan niyang magpakatatag, kailangan hindi na siya umiyak dahil importante ang mata niya na iyon, at bawal na itong mairitang muli. At pati ata ang puso niya ay tumigil na rin sa pag-iyak dahil kailangan din nitong maging matapang. Matapos ang halos isang buwan ay tulunyan nang natanggal ang benda sa kanyang mata, pero nanatili pa rin ang kanyang salamin. “Ma, lalabas lang ako. Kukuhanin ko lang ang salamin na pinagawa ko.” Paalam niya sa ina. “Sinong kasama mo? Gusto mo bang samahan na kita?” tanong nito. “Hindi na po, kaya ko nang mag-isa. Saka baka magkita din kame ng mga kaibigan ko.” “Kung ganoon ay mag-ingat ka.” Paalala nito sa kanya. “Sige Ma, aalis na ako.” Tumang na lang ang kanyang ina. Ayaw na rin naman niyang magpasama pa sa Mama niya kasi naman, tuwing kasama niya ito ay ginagawa siyang bata, akala siguro ng kanyang ina ay hindi pa rin siya nakaka-kita kaya sobra kung alalayan siyo nito. Nang makarating sa mall ay agad siyang dumiretso sa shops, at habang nasa loob ay hindi mapakali ang kanya tingin, halos ikutin na ng mata niya ang loob ng shop dahil sa naiinip siya, marami din kasing customer kaya pagdating niya doon ay pumila muna siya. Hanbang nagtitingin-tingin ay napadako ang kanyang tingin sa isang lalaki na medyo malayo sa kinaroroonan niya. Bigla siyang napa-tayo at lumabas ng shop. Si Claude ba iyon? Bulong niya sa sarili. Hindi pa siya nakuntento sa paglabas sa shop, akmang lalakad siya upang lapitan ito ng tawagin siya ng Sales lady sa shop. “Excuse me Ma’am, ito na po ang salamin ninyo,” naka-ngiti pa ito sa kaniya. “Diyan na muna iyan, may pupuntahan lang ako saglit,” aniya pero pagbaling niya ng tingin sa lalaking nakita niya kanina ay wala na ito. Nagmadali siyang sundan ito kung saan niya ito nakita, nang matanaw niya ang damit ng kaninang lalaki, hinabol niya ito. “Claude?” tawag niya na hinawakan pa sa balikat, pero pagharap nito ay ibang tao. Nanlumo siyang bumalik sa shop, “Baka namalik mata lang ako, siguro dahil sa kakaisip ko sa kanya kaya kahit ibang tao napagkakamalan kong siya.” Sabay buntong hininga. Matapos makuha ang salamin na pinagawa niya ay nagtungo na siya kung saan sila magkikita-kitang magkakaibigan. “Dana!” tili ni Rose nang matanaw siyang naka-upo sa isang bench sa mall at nakaharap sa fountain na nasa loob din ng mall na iyon. Kumaway siya sa mga ito na nagmamadaling makalapit sa kanya. “Kanina ka pa?” tanong ni April.                  “Oo, kinuha ko pa din kasi itong salamin na pinagawa ko e, kaya maaga akong nagpunta dito.” Paliwanag niya ng mapansing wala ang nagiisang babae sa kanila. “Si Rona pala?” tanong niya. “Ah, nanjan lang iyon, at may binili lang,” ani April.                                   “Ano naman ang binili ng isang iyon?” taas ang kilay niyang tanong. “Hmmp, bumili lang iyon nang dadalin natin sa kanya.” Ani Rose. “Oh, ayan na pala siya e,” aniya ng makita ang isa pang kaibigan na papalapit na sa kanila, napansin niya ang hawak nito. “Friend, kamusta ka?” ani Rona ng makalapit sa kanila, hindi niya ito nasagot dahil nakatingin siya sa dala nitong bulaklak. “Oh, binili ko iyan para diretso na tayo doon.” Anito nang mapansin ang pagtitig niya sa dala nitong bulaklak. Bigla tuloy na parang lumaki ang ulo niya, at bahagyang nanikip ang kanyang dibdib. Ngayon kasi na parang nag si-sink in na totoo na wala na ang lalaking minahal niya, ang lalaking at nagiisang pinakitunghan siya ng maayos kahit sa labas lang ng school nila noon bukod sa pamilya at kaibigan niya, ang lalaking nangako sa kanya na hindi na matutupad dahil tuluyan na siyang iniwan. “Dana, alam namin na masakit para sa iyo ang nangyari sa kanya, kaya lang wala na tayong magagawa pa. nangyari na ang nangyari, wala na siya.” Lumapit at inakbayan siya ni Rona. “Tama si Rona, kahit kame nagulat at nalungkot ng malaman namin iyon, hindi kasi namin akalain na may sakit pala siya. Sa lakas ng pangangatawan niya sinong mag-aakala na may malala siyang sakit sa puso.” Ani Rose na ikinagulat niya. “Anong sakit sa puso, wala naman siyang sakit sa puso, hindi iyon ang sakit niya.” Nagulat naman sa kanya ang mga kaibigan sa sinabi niya. “Girl, may mas alaman ka pa ata kesa sa amin ah. The way you talk— hmmp... mukhang may alam ka na hindi namin alam?” makahulugang namang tumingin si Rona sa kanya. Napaisip naman siya, bakit iba ang alam ng mga kaibigan niya sa sinabi sa kanya ni Claude, mukhang hindi pinaalam ng mga ito ang tunay na sakit ng binata. Sa naisip ay minabuti na lang ni Dana na huwag nang mag kwento sa mga kaibigan. Respeto na lang din niya sa lalaking mahal niya. Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay at paa ni Dana habang papalapit siya sa museleo ng binata, natatanaw na din niya ang malaking larawan nito na nakadikit sa dingding na nakatapat sa himlayan nito. Napahinto siya sa paglapit, naninikip kasi ang dibdib niya. Gusto niyang umiyak ngunit pinipigilan niya ang sarili, pero sa loob niya ay halos sumigaw na siya sa lungkot at sakit na nararamdaman niya natanaw pa lang niya ang larawan ng binata, iyon kasi ang unang pagkakataon na bumisita siya doon. Inalalayan siya ng mga kaibigan niya na makalapit sa nitso ng binata. At doon tuluyan nang bumuhos ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan, hindi na niya kinaya ang bigat ng pakiramdam niya. Inalalayan siya ng mga kabigan niya hanggang sa medyo huminahon na siya. “Dana, dito lang kame sa labas. Maiwan ka muna namin dito.” Paalam ni Rona sa kanya. “Tawagin mo lang kame kung may kailangan ka.” Humihikbing tumango na lang siya, hindi kasi niya magawang magsalita, kasi baka umiyak lang siyang muli. Pinipigilan niyang huwag umiyak ng sobra dahil natatakot siyang mairitate muli ang mata niya. Naka-tingala lang siya sa larawang ng binata, nang muling naglandas ang mga luha sa kanya mga mata. Tahimik ang naging pagiyak niya hanggang sa wala nang luha ang tumulo mula sa mga mata niya, tanging paghikbi na lang niya ang maririnig sa loob ng museleo. “Ang daya mo, sabi mo liligawan mo pa ako kapag gumaling ka na. bakit naman ganoon, iniwan mo na lang ako basta at wala ka pang pasabi.” Aniya na hinawakan ang kanang mata niya habang nakatingin din sa larawan nito na nakasabit. “Alam mo bang ang saya-saya ko nang lapitan mo ako noon sa bookstore. Alam mo bang gustong-gusto na kitang yakapin noon, tapos isilid sa bag ko at iuwi na sa bahay,” bahagya pa siyang natawa pero may luhang patuloy na naglalandas sa kanyang mata. “Alam, may problema ata itong mata mo e, sabi ko hindi ako iiyak kasi baka mairitate, pero ang kulit niya. Tingnan mo,” saka niya tinuro ang mga luha ni pumapatak sa pingi niya, “ tulo siya ng tulo,” nakangiti niyang sabi at kinakausap ang lawaran ng binata. Saglit siyang natahimik, pero sa tuwing tumatahimik ang paligid niya ay hindi niya maiwasang hindi mapaiyak. “Ang daya mo Claude, ang daya-daya mo, iniwan mo na lang ako basta. Ang sabi mo tutulungan mo akong pumayat. Ilang kilo pa lang ang nabawas sa akin pero iniwan mo na agad ako.” At hindi na niya napigilan pa ang sarili at muli siyang napa-hagulgol ng pag-iyak. Napatigil siya sa pagiyak nang biglang may gumalaw sa likod na bahagi ng museleo, tumayo siya upang alamin kung ano iyon, naglalakad siya papalapit dito habang pinupunasan ang pisngi na may luha na patuloy pa rin ang pagtulo. Pero pagtingin niya ay wala namang tao, napalingon siya ng tawagin siya ng mga kaibigan at yayain ng umuwi. Bago siya tuluyang lumabas ng museleo at mataman muna niyang pinagmasdan ang larawan nitong nakasabit. “Babalik ako, bibisitahin kita. Kahit iniwan mo ako basta, hindi ko gagawin iyon sa iyo.” pilit siyang ngumiti bago tuluyang lumabas. Hanggang sa maka-uwi ay tahimik lang si Dana, hindi na rin nagtangka pa ang mga kaibigan niya na magsalita. Dahil mukhang naiinitindihan naman ng mga ito ang pinagdadaanan niya, at iginalang ito ng kaibigan niya. Halos dalawang beses kada linggo kung bumisita si Dana sa puntod nang binata. hanggang sa dumalang at maging isang beses na lang sa isang linggo dahil sa naging busy siya sa trabaho, inabala niya ang sarili para hindi malungkot at laging isipin ang binata, pumasok kasi siya sa dating nilang restaurant biglang assistant head chef. Sa tulong na rin kuya niya na ngayon ay nasa head office sa Manila ng  Suarez Food Corporation, binigyan ito ng mataas na position doon at masaya siya para sa kapatid niya, pero hindi pa rin nawawala ang lungkot dahil wala na sa kanila ang restaurant na pinaghirapan ng magulang niya. Kaya kahit bilang isang assitant ay masaya na siya dahil kahit papaano, ay mananatili pa rin sa lugar kung saan maaalala niya ang masasaya nilang bonding sa tuwing magluluto kasama ang buo niyang pamilya. Kakatapos lang ng duty niya, pero bago siya umuwi ay dumaan muna siya sa bilihan ng bulaklak, balak kasi muna niyang dumaan sa puntod ng binata. Pagabi na rin pero maliwanag naman sa lugar, habang papalapit siya sa puntod ni Claude na tanaw niya ang nakata-likod na bulto ng isang lalaki. Dahan-dahan ang ginawa niyang paglapit, habang lumalapit siya ay napapaisip siya kung saan niya ito nakita, kasi parang pamilyar ito.  Papasok na siya sa museleo ng bigla itong humarap sa gawi niya, dahil sa palabas na ito at papasok naman siya. pareho pa silang nakagulatan ng makita ang isa’t isa. Kung ang lalaki at agad na naka-bawi sa pagkagulat, siya naman ay hindi malaman ang gagawin dahil sa hindi niya inaasan na maabutan niya sa museleo ng binata. Palipat-lipat ang tingin na ginawa niya sa lalaking kaharap at sa larawan na nakasabit sa dingding ng museleo na iyon. Masama ang tingin ng lalaking nakatayo sa harap niya sa kanya, at agad siyang hinawi nito para maka-daan ito sa pinto na hinarangan niya, hindi na niya kasi naisip pa nakumilos dahil sa pagkabigla at naharangan niya ang daan nito palabas. Hanggang sa umalis na ang lalaki ang hindi pa rin matanggal ang tingin sa lalaking palayo na sa lugar. Nang magising sa pagkabigla ay hinabol niya ito pero huli na dahil nakalayo na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD