Chapter 32

1598 Words
DANA's POV Tahimik akong nagpunta sa likod ng restaurant, para takasan ang pagkapahiya ko dahil sa ginawang pagpapagalit sa akin ni Chef Trish, lahat ng kasamahan niya ay nasaksihan kung paano siya ipahiya nito. At higit pa sa kinakasama ng loob niya ay nang biglang pumasok si Claude, sa kusina akala niya ay kakapihan siya nito hindi pala. “Ano ba naman itong buhay na ito, ito ba talaga ang taguan ko? Dito sa gilid ng basurahan?” aniya na isiniksik ang sarili na makipot na ispasyo na meron sa likod ng restaurant na malapit sa basurahan. Ayaw niyang maiyak sa loob dahil sa sama ng loob at baka matukso na naman siya. “Hay Clyde! Bakit ba kasi iniwan mo na ako agad.” Bulong niya “Siguro bibisita na lang ulit ako sayo Clyde, mamayang uwian.” Aniya na isinandal ang ulo sa pader at tumingala sa langit, at inunat ang kanyang mga paa para na rin ma-relax siya sa maghapon pagtayo at palakad-lakad niya sa loob, dahil na rin sa mga utos ng mga ito sa kanya. Tapos na ang oras ng shift nila, pero ayaw niyang sumabay sa paglabas ng iba. Nahihiya kasi siya dahil na rin sa nangyari kanina ng pagalitan siya ni Chef Trish dahil sa nagkalat muling basura na nilinis niya. Tumingin siya sa basurahan, “Hoy! Anong ginawa mo kanina, bakit mo kinalat yung mga nilinis ko huh?” aniya na natawa na lang sa kalokohan niya, kausapin ba naman ang basurahan. Nang sa tingin niya ay wala ng tao sa kusina ay saka siya tumayo at kinuha na ang mga gamit saka lumabas na ng restaurant. Sakto naman paglabas niya ay may taxi na dumaan kaya nakasakay siya agad. “Manong sa cemetery po tayo,” instruct niya sa driver. “Okay po Ma’am,” sagot naman nito sa kanya. Habang nasa byahe ay nakatanaw lang siya sa labas ng binta ng taxi na sinasakyan niya. At saka napahugot ng malalim na paghinga. Nakatulala lang siya at walang kahit na anong maisip, para bang tamad na tamad na siya kahit na mag-isip lang, pati iyon ay kinatatamaran niya. Hanggang sa dumating siya sa cemetery ay wala pa din siyang sigla. “Hi Clyde, kamusta? Maayos na ba ang kinaroroonan mo ngayon?” aniya na kinakausap ang puntod nito. Malungkot siyang tumingin sa larawan nitong nakasabit, “Ang daya-daya mo kasi, umalis ka nalang bigla ng hindi ka nagpapaalam. Walang sinasabi na kahit ano sa akin, ilan na nga lang kayong kakampi ko tapos iniwan mo na lang ako basta-basta.” Na ngingilid na ang luha niya. “Alam mo, pinipilit ko na lang ang sarili ko para lumaban para sa pamilya ko. Kahit gaanon kasakit ang mga panlalait ng ibang tao sa akin pinipilit ko para sa pamilya ko.” “Pero kung lagi na lang ganito, nakakasawa na din pala... na kakasawa na lagi mong sanasabi sa sarili mo na, kaya mo yan Dana! kaya mo yan. konting exercise lang palayo sa kusina at papayat ka din.” “Iyon at ‘yon na lang ang palagi kong sinasabi sa sarili ko, ‘wag lang mawala ang konti pang pag-asa sa sarili ko.” Aniya na tuluyan nang pumatak ang luha sa pisngi niya. “Minsan na papatanong na rin ako kung malaking kasalanan ba talaga ang pagiging mataba ng isang tao?” “Alam mo kasalanan ko din naman talaga, kung noon pa lang nag-diet na ako. Hindi sana ako ganitong nahihirapan.” Napatingin siya sa tiyan niya na pagyumuko siya ay hindi na niya makita ang dulo ng paa niya. Dinaig pa niya ang buntis, “Sinubukan ko naman kaso sa laki kong ito, siguradong matagal na panahon ang gugulin ko. Sana nandito ka ngayon sa tabi ko.” Marami pa siyang sinabi dito para kahit papa-ano ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Mamaya-maya ay napatingin siya sa kanyang cellphone na tumunog, dumating na ang grab na binook niya, gabi na din kasi at mahirap ng sumakay kaya nag booked na lang siya ng masasakya niya. “Oh! Clyde paano ba iyan, mauuna na ako nandyan na kasi yung sasakyan na binooked ko. Sa susunod ko ulit na pagdalaw sa iyo.” bago lumabas ay muli niyang sinulyapan ang larawan ng kaibigan na nakasabit. “Ibang-iba talaga kayong magkapatid, ugali pa lang sobrang laki na ng lamang. Napaka-sungit at suplado ng kapatid mo.” Aniya sa isip saka tuluyan ng umalis Tinawagan niya ang grab driver niya, habang naglalakad palabas ay napansin niya ang isang sasakyan na pamilyar. Sinulyapan niya ito pero hindi pinahalata nang maaninag niya ang tao sa loob ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Si Claude ang nasa loob ng sasakyan, siguro ay bibisita din ito sa kanyang kapatid. Nagtuloy-tuloy na lang siya sa paglalakad at hindi na ito pinansin pa, saka ganoon din naman hindi siya nito papasinin. Kailangan na rin kasi niyang umuwi dahil gusto niyang magpahinga ng maaga kasi gusto na niyang simulan ang dapat ay matagal na niyang ginawa at iyon ay ang magbawas ng timbang Gusto niyang magkaroon ng pagbabago para sa sarili niya, hindi para sumeksi kundi para magkaroon siya ng respeto at confident sa sarili niyang pagkatao. Kasi kaya siguro hindi siya nirerespeto ng ibang tao dahil siya mismo ay hindi magawang irespeto ang sariling katawan. Hinayaan niya ang katawan na maging ganoon kalaki kaya ang ibang tao wala na ring respoto sa kanya. Bukod sa pamilya at kaibigan niya, tanging si Clyde lang ang tumanggap sa kung ano siya at kahit double ang laki niya dito ay pinakitaan pa rin siya nito ng kabutihan at may paggalang sa kanya. Kaya nga siguro mas lumalim ang pag-hanga niya dito. Kinabukasan..... Alas-kwatro pa lang ng madaling araw ay gising na si Dana at nakahanda na ang kanyang gagamitin sa pagtakbo. Maliwanag naman ang dadaanan niya kahit walang gaanong nag-jo-jjonging ay kampate siya. Sa umpisa ay mabagal lang ang ginawa niya pagtakbo, para nga lang nag lalakad siya, hanggang sa madaanan niya ang lumang bookstore na madalas nila ni Clyde na puntahan. Ngayon ay sarado na ito dahil hindi na rin kasi gaanong uso ang mga pocketbook, ngayon kahit cellphone na lang ay okay na. At habang patuloy ang ginagawa niya pag-ja-jogging ay may ilang tao na din siyang napapansin na nag-ja-jogging kaya medyo lumakas na din ang kanyang loob na lumayo pa, hanggang sa makarating siya sa park kung saan siya umasa sa pangakong binitawan sa kanya ni Clyde. Pangako na napako at tanging alaala na lang para sa kanya, na kahit kailan ay hindi na mangayayari pa, na lungkot siya sa alaala na iyon. Napahinto siya sa pagtakbo at umupo sa mismong pwesto kung saan sila noon na-upo at nangako sa isa’t isa. “Hayyy!! Clyde hindi ko talaga maiwasan ang hindi magtampo sa iyo,” bulong niya habang nakatingala at mapait na ngumiti. “Alam mo bang umasa ako, na excite ako sa pangako mo, dahil matagal ko ng pinangarap na makasama ka ng higit pa sa pagiging kaibigan.” “Nagtatampo talaga ako sa ‘yo dahil ang tagal kong naghintay sa pagbalik mo, bumalik ka nga pero saglit lang,” muli siyang napatingala upang pigilan ang nagbabadya niyang luha na tumulo. “At sa muling pag-alis mo wala ng balikan at wala na rin akong aasahan.” Natawa siya ng pilit. Ilang sandali pa ay tumayo na rin siya dahil lumalabas na din si haring araw at lumiliwanag na, kailangan na din niyang bumalik dahil may pasok pa siya. At kailangan din niyang ihanda ang sarili dahil sa pabago-bagong mood ng bago niya head chef. Pagdating niya sa bahay ay agad na bumungad ang kuya niya na nakaupo sa veranda at humihigop ng kape. “Oh, ang aga mong nagising ah, saan ka nagpunta?” tanong nito. “Nag-jogging lang.” tipid niyang tugon. “Seryoso ka na ba dyan?” anito na may halong pang-aasar. “Naku, kuya tigilan mo ako. S’ya nga pala kailan ang balik mo sa Manila?” “Hindi ko pa alam e, gusto kasi ni chairman na dumito muna at maglibot-libot na din.” “Napansin ko parang ang close n’yo sa isa’t isa ni chairman kuaya?” “Ganoon lang talaga ang matanda na iyon, mabait h’wag lang siya talagang gagalitin dahil iba iyon magalit.” Anito. Matapos ang usapan nila nga kuya niya ay umalis na din si’ya para pumasok, pero pagdating pa lang niya ay agad nang bumugad ang galit nilang head chef nila dahil may pinapagalitan ito sa isa niyang kasamahan, wala na din kasi doon si chef Siri dahil lumuwas na ito ng Manila, kaya mas lalo ito naging prima dona. “At ikaw?” biglan baling nito sa kanya na nagpahinto sa kanya sa paglalakad. “Bakit ngayon ka lang? hindi mo ba alam ang oras ng pasok mo?” sunod-sunod nitong tanong. “Alam ko po chef, saka hindi naman po ako late.” Sagot niya na mukhang nagpainis dito lalo. “At talagang nag dahilan ka pa, hindi mo ba nakikita na nandito na silang lahat tapos ikaw, sasabihin mo hindi ka late.” Hindi na lang siya sumagot dahil alam niya na kung sasagot pa siya ay baka humaba lang ang usapan.. Ibinaling na lang niya ang kanyang tingin sa labas ng pinto na sakto lumabas si Claude, nagulat pa siya na nandoon na ito. tumingin lang ito sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad. “Hmmp... sungit!” mahinang sabi niya habang nakatingin sa binata, pero mukhang iba tenga ang nakarinig dahil lalong nagalit sa kanya si Chef Trish.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD