Chapter 33

1927 Words
Dana's POV Ngawit na ngawit na si Dana dahil sa dami ng kanyang ginawa, buong maghapon na lang siyang naghugas ng mga pinag-kainan dahil sa dagsa ang kanilang customer sa araw na iyon. Hindi na nga rin siya nakatulong sa pag-prepare ng mga ingredients dahil sa dami ng hugasin. “Ano girl kaya pa?” natatawang tanong sa kanya ni Jessie dahil sa itsura niyang hulas na hulas, bukod sa tubig na tumitilansik sa kanya ay basang-basa na din siya ng pawis. Mainit kasi ang singaw sa kusina dahil na din sa mga niluluto nila. “Kahit hindi na kaya, kakayanin pa rin.” Pabirong sagot niya sa kaibigan. “Hahaha, ‘wag kang mag-alaala at malapit na rin naman ang uwian, kaya kaunting tiis na lang.” ganting sagot nito. Malapit na siyang matapos sa mga hinuhugasan niya, nang pumasok si chef Trish at tinawag siya. “Dana, halika kunin mo ito.” Paglapit niya ay inabot sa kanya ang mga listahan ng pagkain sa restaurant nila. “Ano po ang gagawin ko dito chef?” tanong niya na nagtataka bakit siya binigyan siya nito ng listahan. “Ano ba yan Dana? Hindi mo ba nababasa? Baka pwedeng basahin mo muna bago ka magtanong.” Naiiritang sagot nito. “Nakita ko naman po Chef, listahan ng mga pagkain.” “Oh, nakita mo naman pala. Bakit kailangan mo pang magtanong?” sarkastikong sagot nito “Saka kapag naluto na deliver mo ‘yan sa address na ito.” “Sino chef, ako?” aniya na nagulat sa sinabi nito. “Oh! Sino gusto mong gumawa? Ako?” na pinanlakihan pa siya ng mata. “Pero chef— hindi naman tayo tumatanggap ng order sa labas, pwede silang mag-take out at dine-in, kasi wala naman tayong boy na pwedeng magdeliver.” Paliwanag niya dito. “Kaya nga ikaw ang inutusan ko. Kaya bilisan mo na at ipaluto muna ‘yan, walang ibang mag-dedeliver n’yan kundi ikaw lang.” sabay talikod nito. “Pero chef—“ “Wala nang pero... pero... gawin mo na lang,” sabay labas ng kusina. Wala nang nagawa si Dana kundi asikasuhin ang binigay nitong gawain. Kung kailan naman alanganin na sa oras saka siya magbibigay ng trabaho na hindi na sakop ng gawain niya, naging tagahugas na nga siya ng pinagkainan kahit nagtapos siya ng culinary, pero hinayaan na niya dahil makakatulong din iyon sa kanya, pero ang pagde-deliver? Alanganing tanong niya sa sarili. Wala ng nagawa si Dana kundi sundin ang utos nito, nagbihis muna siya bago tumuloy sa pupuntahan. May tatlumpong minuto na lang bago ang uwian nila, pero ayun siya at magtatrabaho sa labas. Bitbit ang mga orders na binigay sa kanya ay lumabas na siya ng restaurant, medyo madami din iyon kaya hirap na hirap siya sa pagdala ng orders. Habang nagaantay ng taxi, sakto namang pagtapat ng sasakyan ni Claude sa harap niya. Pero hindi man lang siya nito pinansin kahit nakita na siya nito. “Siguro kung si Clyde ang nakakita sa akin malamang nagmamadali na iyon sa pagtulong, hindi tulad ng isang iyon! Hmmp...” bulong niya sa sarili. Pagkaalis nito sakto naman dumaan ang isang taxi kaya nakasakay siya agad. Medyo malayo din ang address na pagdadalan niya ng orders, at dahil traffic din kaya medyo na delay ng five minutes ang dating niya. Nagmadali siyang lumapit sa guard dahil mukhang may party din sa loob ng malaking bahay na iyon. “Manong, excuse me! Dito ba ang bahay ni Mrs. Adeline?” tanong niya sa guard na mukhang hindi mapakali. “Iyan ba ‘ung galing sa Vien Roast Resto?” tanong nito na hindi siya sinagot sa tanong niya. Iyon ang pangalan ng restaurant bago mabili ng Suarez group. “Naku bakit ngayon ka lang? kanina pa iyan hinhintay?” anito na kita sa mukha nito ang pagkabalisa. “Pasensya na manong kasi sobrang traffic eh! Saka niluto pa namin ito kaya medyo na tagalan.” Paliwanag niya. “Hala sige ipasok mo na iyan, kasi kanina pa nagagalit si Ma’am,” sabi nito sa kanya, pero bago siya pumasok ay lumapit siya sa taxi driver. “Manong pakihintay ako, sa ‘yo na din ako sasakay dahil saglit lang naman ito,” aniya dito saka nagpatulong sa guard na ipabuhat ng mga pagkain niyang dala-dala. Nagtatawanan ang mga tao sa loob bago siya pumasok pero bigla ang pagtahimik ng mga ito ng makita siya, at ang mukha ng matandang babae ay biglang dumilim na timingin sa kanya. “Magandang hapon po! Ito na po ang order n’yo,” nakangiting bungad niya. “Oh well! Dumating ka din sa wakas, sa ilang oras namin paghihintay. Buti at naisip pa ninyo na ideliver ang in-order namin pagkain? And take note, ala-una pa namin iyan tinawag pero anong oras na?” sabi nito sabay tingin sa relo nitong suot sa braso. “Pasensya na po kayo sobrang traffic po kasi. Saka tatlumpong minuto bago mag-five lang po namin na tanggap ang order n’yo kaya ngayon lang din po namin na deliver.” Mahinahon niyang paliwanag. “Anong pinagsasabi mo? Ala-una namin iyang inorder, kaya ‘wag mo akong gawin sinungaling,” anito na tumaas na ang boses ng ginang. “Pasensya na po kayo Ma’am, siguro ay nagkaroon lang nang hindi pagkakaunawaan, hindi na po ito mauulit... pasensya na po ulit.” Sabi na lang niya para hindi na lumala, kasi kahit ang pilit lang niya sa dahilan niya ay hindi pa rin siya mananalo dito dahil customer pa rin nila ito. “Pasalamat kayo at doon nagta-trabaho ang pamangkin ko, dahil kung hindi baka nireklamo ko na kayo at hindi ko ito bayarad.” Anito at inutusan ang isang kasambahay nito na ayusin ang mga pagkain na dala niya. “Pasensya na po ulit, aayusin po namin ang serbisyo namin para hindi na ito maulit pa.” hingi ulit niya ng paumanhin. “Dapat lang dahil kung mauulit pa ito ay magrereklamo na talaga ako,” anito na masama ang pagkakatingin sa kanya. Iaabot na sana nito ang bayad ng marinig niya ang pamilyar na boses ng babae, paglingon niya ay si Chef Trish. “Tita Happy birthday!” masayang bati nito sabay beso sa ginang. “Oh! Hija buti at nakarating ka, akala ko hindi ka na makakaabot gaya ng mga pagkaing inorder namin e.” anito na parang nagtampo kunwari ang tono nito. “Huh? Bakit hindi ba dumating ang mga foods?” tanong nito na hindi siya pinapansin na para bang wala siya doon. “Ay naku hija! Ngayon lang siya dumating.” Sabay turo sa kanya. “Dana?” anito na parang gulat na gulat ang itsura nito. “Bakit ngayon mo lang ito dineliver? Kanina ko pang tanghali iyan binigay sa ‘yo ah?” anito na kingulat niya. “Chaf Trish, kanina mo lang sa akin ito binigay, 30 minutes before five pm!” aniya na hindi makapaniwala sa sinabi nito. “So ibig sabihin, tanghali palang ng binigay mo ito, bakit ngayon lang ito dumating?” anang ginang na tumaas na ang boses. “Hindi ko po alam tita, siya ang inutusan ko at ang alam ko kanina pa dapat iyan dumating,” anito na para maamong tupa ang itsura. Galit na tumingin sa kanya ang ginang, “Ipaliwanag mo ito,” sabay duro nito sa kanya “gagawin mo pang sinungaling ang pamangkin ko, para lang pagtakpan iyang pagkakamali mo.” Anito na mataas na ang boses. “Chef, sabihin mo naman ang totoo. Talaga naman na kanina mo lang ito binigay sa akin.” Aniya dito na pilit niyang pinaamin. “Dana, alam ko naman na hindi ka maayos magtrabaho at hinahayan na lang kita at hindi sinusumbong sa taas, pero h’wag mo naman akong gawing sinungaling sa harap ng tita ko,” Pagkasabi nito ay parang ito pa ang naaapi. “Hoy ikaw, mabait itong pamangkin ko at ‘wag mo siyang siraan . ano ba sa tingin mo mas paniniwalaan kita kesa dito sa sarili kong pamangkin. Tingnan mo nga iyang itsura mo,” sabay tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na may panunuya. “Pero nagsasabi ako ng totoo!” pagpupumilit niya, ngunit balewala lang iyon. “Umalis ka na, gagawa ka pa dito ng eksena.” Sabay tulak sa kanya dahilan para mapa-upo siya, saka nito tinapon ang pera sa mukha niya na sana ay pambayad nito sa order nito na dineliver niya. Pinulot niya iyon, dahil wala siyang pang-abono sa mga norder nito, kaya kahit nakakahiya dahil pinagtitinginan siya ng mga bisita nito ay hindi na lang niya pinansin. Masama ang loob niya dahil wala naman siyang ginagawang masama sa mga ito bakit ganoon na lang ang trato nila sa kanya. Habang pinupulot niya ang mga pera na nagkalat ay biglang nagsalita ang ginang. “Hijo, buti at nakarating ka, kala ko ay tatanggihan mo na naman ang imbitasyon ko sa iyo eh!” anito saka lang niya na pansin ang sapatos na nakahinto sa tapat niya. Busy kasi siya sa pagpulot ng pera kaya hindi na niya napansin pa ang lalaking nakatayo sa harapan niya. Pagtaas niya ng tingin ay nakita niya si Claude na ang dilim ng tingin sa kanya. Nagulat siya dahil hindi niya inaasahan na makikita niya ito dito, ganon din si Chef Trish, pero mas nagulat siya ng makita ang binata. “Anong ginagawa mo?!” mahina pero ramdam mo ang galit sa tinig nito. Hindi na niya ito nasagot pa dahil biglang lumapit dito ang ginang, hindi na rin ito nakapagtanong pa dahil hinila na ito papasok ng bahay. Madilim at kunot-noo itong nakatingin sa kanya. Pagkapulot sa mga pera ay umalis na dn siya sa lugar, dahil hindi na niya matiis ang tingin ng mga mapanuring mga mata na nakatingin at humuhusga sa kanya. Nagmamadali siyang lumabas at sumakay ng taxi na naghihintay sa kanya. “Manong tayo na po.” Aniya na medyo na ngingilid na ang luha na hindi niya pinahalata sa driver. Pagdating sa bahay nila ay hindi muna siya pumasok, kinalma muna niya ang sarili para hindi mahalata ng pamila niya ang nangyari sa kanya kanina. Pilit siyang ngumiti upang makita ng mga ito na ayos lang siya at hindi mag-alala sa kanya. “Oh, ang saya mo ngayon ate ah!” ang bunso nila na kasalukuyang nanonood ng TV. “May nangyari bang maganda at ang ganda ng mood mo ngayon, anak?” ngaka-ngitig tanong ng kanyang Mama. “Wala naman po, naalala ko lang po yung pinapanood ko kanina sa taxi bago makarating dito, kaya po ako naka-ngiti.” Pagsisinungaing niya. “Naku, ikaw nga ay limitahan mo ang pagbabasa habang nasa sasakyan ka at baka magkaproblema ka na naman dyan sa mata mo.” Paalala nito sa kanya. “Hindi naman po, kanina lang dahil traffic nakakainip lang kaya ako nagbasa.” “Mabuti kung ganoon, mahirap na pabayaan mo mata mo.” “Hindi Ma, inaalagaan ko po itong mabuti. Sige Ma. Maliligo lang ako dahil ang lagkit nang pakiramdam ko.” Paalam niya dito. Pagka-akyat niya sa kwarto niya ay agad siyang nagtungo sa CR para maka-ligo na siya. At habang naliligo ay muling bumalik sa ala-ala niya ang nangyari sa kanya kanina, ramdam niya ang galit ni Claude ng tumingin ito sa kanya, naiinis siya sa sarili na hindi manlang niya magawang ipagtanggol sarili niya sa mga ito. Bukod sa malamig na tubig na naggagaling sa shower ay ramdam din niya ang medo mainit na likodong tumutulo sa kanyang pisngi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD