Chapter 34

1896 Words
Claude’s POV Napabuntong hininga na lang si Claude matapos ibaba ang telepono, kakatapos lang niya makipag-usap ang tiyahin ni Trish, ilang beses na niya itong tinanggihan pero mukhang wala itong planong tumigil, kaya pinagbigyan na lang niya. Kaarawan nito, kaya matapos ang oras ng trabaho ay agad siyang umalis para bumili na din ng ireregalo niya dito, dumaan muna siya sa isang mall bago dumiretso sa bahay nito. Pagka-babang pakababa pa lang niya sa kanyang sasakyan ay rinig niya agad ang malakas na tinig ng ginang. “Umalis ka na, gagawa ka pa ng eksena dito!” kasama nito ay narinig niya ang pagdaing nito. Pagpasok niya sa bakuran ay nakita niya ang isang babae na may pinupulot na pera na nakakalat sa simento. Pamilyar ito sa kanya, kaya nang matitigan ay laking gulat niya ng makilala ito. “Anong ginagawa mo dito?” agad niyang tanong dito dahil sa pagka-bigla. Oo at naiinis siya dito lalo na sa tuwing lapit ito ng lapit sa kanya, pero parang hindi tama ang nakikita niya ginawa ng tiyahin ni Trish. At kahit anong baliktad pa niya ng sitwasyon ng dalaga, ito pa rin ang babaeng minahal ng kapatid niya. Nakaramdam siya ng inis sa sitwasyon nito, ganon din sa sarili niya dahil sa ganito din ang ginawa niya noon, na pinag-sisihan din niya at para na din sa kuya niya. Hindi na niya ito natulungan pang tumayo dahil sa hinila na siya ng ginang papasok sa loob ng bahay. “Buong akala ko talaga hijo ay hindi mo na ako pagbibigyan e,” anitong nakapulupot pa din ang kamay nito sa kanyang braso. Binitawan lang nito ang kanyang braso ng maupo siya sa sofa, “kamusta naman kayo nitong si Trish sa trabaho?” tanong nito na parang wala na sa isip ang ginawang pagtulak kay Dana. Hindi siya agad nakasagot, dahil sa totoo lang ay wala siyang pakialam sa dalaga, ito lang naman ang sunod ng sunod sa kanya. Wala naman kasi sa isip niya na pumasok sa isang relasyon kaya kahit anong gawin ng mga ito para lang makuha ang loob niya at ireto kay Trish ay walang epekto sa kanya. “Medyo busy po kasi ako Tita, kaya hindi po kame madalas mag-usap ni Trish.” Sagot niya para hindi na din siya nito masyadong tanungin. “Baka naman hijo, masyado mong inaabuso ang sarili mo sa pagtatrabaho.” Paalala nito sa kanya. “Hindi naman po Tita.” Maiksi niyang sagot, maya-maya pa ay narinig na niya ang paalis na sasakyan, pagtingin niya sa binta nakita niya ang taxi na sinakyan ni Dana. “Claude, ‘wag mo nang pag-aksayahan pa ng pansin ang babae na iyon.” Sangit ni Trish. “Tama itong pamangkin ko, bakit ba hindi ninyo sinala ng mabuti ang mga empleyado na kukunin ninyo, kayo rin ang mahihirapan, tulad nang kwento nitong si Trish,” anito. “Bakit ano po ba ang sinabi sa inyo ni Trish?” Tanong niya sabay lingon sa dalaga na parang nahuli sa akto at nag-iwas ng tingin. “Iyong babae na iyon, dahil sa laki niya ay ang dami ng nasisirang gamit n’yo doon.” “Huh! Wala po akong idea, saka natural lang naman ang may mabasag ng pinagkainan dahil sa kailangan na maging mabilis sa kanilang kilos, kung kaya’t hindi maiiwasan ang makabasag sila.” Sabi na lang niya saka muling tumingin sa labas. Pero wala na ang taxi sa labas at ang Dana. Hindi naman niya sinasabing ok lang na makabasag ito, pero dahil sa naiinis siya ay wala na siyang naisip pa na rason. Napatingin na lang siya kay Trish habang napapailing na lang dahil sa mga sinasabi nito tungkol kay Dana na wala naman ginawang masama sa kanya. Mukhang nag-matured na rin talaga siyang mag-isip, niinis na rin kasi siya sa imature na kilos ni Trish. Natapos ang gabi na iyon na puro pagpipilit sa kanya para pansinin niya ng ang pamangkin nito na kahit kaunti ay hindi siya interesado. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na din siyang aalis na, wala din naman kasi siya sa mood na para pag-usapan ang pesonal niyang buhay. Dumiresto siya sa puntod ng kuya niya bago umuwi, simula kasi ng mawala ito ay pakiramdam niya ay mag-isa na lang siya, ang magulang kasi niya ay madalas umaalis dahil katulad niya ay hirap pa din maka-move on sa pag-kawala ng kapatid. Kung hindi naman aalis ay ginagawa nilang busy ang mga sarili kaya madalas ay hindi na nila naabutan ang isa’t isa sa loob ng kanilang bahay. Ngayon na nag-iisang anak na lang siya, wala ng makulit na kuya ang laging umaabala sa kanya, madalas magpasundo pag-umaatake ang sakit nito. Taga-sundo sa tuwing matatapos na ang date nito. Sentimental masyado ang kapatid niyang iyon. Dahil talagang nakatago ang mga ala-ala nito kay Dana noong mga bata pa sila na mukhang hindi na maalala ng dalaga. Siguro dahil sa matagal na din naman. Madali nilang nakilala ito dahil hindi naman nagbago ang itsura nito pati na rin ang laki nito, pero pagdating sa kanila ng kuya niya ay siguradong mahihirapan na makilala sila, dahil kahit siya ay hindi niya akalain na lalaki silang dalawa ng kapatid niya. “Ano kuya kamusta?” aniya ng makarating sa puntod nito. “Hindi ko alam kung makakaya kong gawin ang hiling mo sa akin, magkamukha nga tayo pero magkaiba naman tayo ng ugali. Ngayon pa lang mag-so-sorry na ako sa ‘yo.” Aniya na malungkot na ngumiti. -Flashback- “Pwede ba akong humingi nang pabor sa iyo, huli na talaga ito.” aniya ng kaniyang kapatid na nanghihina pa rin kaya medyo mahina din ang pagkakasabi nito sa kanya, siguro ay napansin nito na hindi niya naintindihan ang sinabi kaya lumapit siya ng kaunti pa. “Gusto ko kasing mag-record ng video para kaya Dana,” anito at naintindihan na niya kung ano ang gusto nito. “Saglit lang at kukunin ko lang, dyan ka lang huwag kang aalis,” kaya lumabas siya para humiram ng video record sa ospital dahil wala naman siyang dala, buti na lang din at meron ang isang staff doon. “Maaari ba na lumabas ka muna?” anang kapatid niya matapos niyang ibigay dito ang gagamitin nito at naayos na din niya para hindi na ito mahirapan pa. Naglibot-libot muna siya sa labas ng hospital dahil hindi siya komportable sa loob. Buti na lang din at may mini indoor-garden doon, kaya doon muna siya namalagi habang hinihintay niyang tawagin siya ng kapatid. Hintay siya ng hintay sa tawag nito, nakailang tingin na din siya sa cellphone niya pero walang tawag sa kanya. “Hmmpp, maya-maya na siguro at baka hindi pa iyon tapos, mukhang mala-telenovela na ata ang ginagawa noon ah!” natatawang sabi niya sa sarili. Pero makalipas pa ang ilang oras ay wala pa rin itong tawag, kaya nagpasya na siyang bumalik sa kwarto nito. Kumatok muna siya pero hindi ito sumagot, kaya pagbukas niya ng pinto ay nakita niya itong nakahiga. “Ano kuya, napagod ka na?” natatawa at naiiling pa siya ng biruin niya ito. Lumapit siya sa ginamit nito para patayin dahil na iwan pa nitong bukas. “Kuya na save mo ba ito?” tanong pa niya pero hindi na ito nagsasalita. Hayyss.. napabuntong hininga na lang siya dahil mukhang nakatulog na ang kapatid niya. Inayos niya ang kumot nito dahil pumulupot na ito sa katawan nito, siguro ay sobrang pagod na kaya basta na lang nagkumot. Pagka-ayos niya ng kumot nito at nahatak din ang ginamit nitong video recorder, at mukhang napindot ang power button kaya kusa itong bumukas. Papatayin sana niya ang recorder ng bigla itong nag-play. “Claude! Pagpasensyahan mo na ang kuya mo huh! Kung madalas kong gamitin ang pangalan mo at magpanggap bilang ikaw. Sana hindi ka mahirapan dahil marami na din akong nakilala gamit ang katauhan mo, ikaw na lang ang magpaliwanag sa kanila. “Alam ko at nararamdaman ko kasi hindi na ako aabot para mag-paliwanag pa sa kanila. Saka may isa pa akong hiling sa’yo sana pagbigyan mo ako, ikaw na ang bahala sa kanya ah! Hindi ko na kasi magagawa pang alagaan siya e, hindi ko na din magagawa ang mga plano na sinabi ko sa’yo noon.” Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit biglang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Binitawan niya ang recorder na patuloy pa rin sa pag-play at lumapit siya sa kuya niya na nakahiga. “Kuya—kuya!” tawag niya sa kapatid habang niyuyugyog niya ito sa magkabilang balikat. “Hoy... kuya, ano ba?!” galit na siyang napasigaw. “Hindi ka na nakakatawa, kuya!” napaupo na lang siya sa gilid nito at tulala na nakatingin sa wala na pa lang buhay na kapatid. Patuloy pa din ang pag-play ng recorder, “Claude, alam mo kung gaano ko kayo kamahal nila Mama at Papa, pasensya na kung sa’yo ko iiwan ang reponsibilidad ko sa kanila. Ako ang kuya pero lahat ng gawaing pang kuya ikaw ang gumagawa, sorry kasi ang hina ng kuya mo eh!” anito sa recorder na nirecord nito. Pagak ang naging pagtawa nito. “Kalabisan man pero pwede ko din bang ihabilin si Dana sa’yo, Sana ‘wag mong hayaan na saktan siya ng ibang tao, at ‘wag mo din hayaan na kaawaan niya ang sarili niya. Nagtatapang-tapangan lang ang isang iyon pero sa totoo lang madali lang din iyong masaktan.” Hawak niya ang kamay nito na unti-unti nang nagiging malamig, ang init nito ay unti-unti na ring nawawala. Kasabay ng pag-init ng kaniyang mga mata, hanggang sa wala ng humpay ang mga luha niya sa pagpatak. “H’wag mo sana siyang hayaang umiyak, dahil sa sinasabi ng ibang tao dahil lang sa sukat niya, sa timbang niya. Alam kong kalabisan na ang hinihiling ko sa’yo, pero sana kahit hanggang sa makaya na niyang tanggapin kung gaano na siya kaimportante ano man ang maging sukat niya. Pinapa-ubaya ko na siya s’yo— bro.” Anito na ngumiti pero halata na din dito ang hirap nito sa paghinga, makikita pa sa video kung paano hirap na lumapit ito sa camera at pinatay ito, pero screen lang ang na-off nito kaya patuloy pa ring ang pag-rerecord nito. Makikita kung anong hirap nito makahiga lang, dahil sa hirap na hirap na talagang kumilos ang kapatid niya, lalong bumuhos ng kanyang luha ng makita ang hirap nito sa paghinga hanggang sa tumigil na ito ng tuluyan. Doon na siya napahagulgol ng iyak, sakto naman na dumating ang kanyang mga magulang kasunod ng mga doctor, at iyon na nga ang aras na tuluyan nang hindi nila ito makakasama ng matagal, kung dati ay biruan lang nilang dalawa na magkapatid, pero ngayon at totohanan na. -End flashback- Napapikit at napa-tingala na lang si Claude upang pigilan ang luha na hindi niya tuluyang napigilan na umagos sa mga alaala ng kuya niya na kusang bumalik sa kanya isipan. Bahagya pa siyang nagulat ng napansin siyang may papalapit sa lugar. “Si Dana.” Aniya na nagmamadaling makahanap ng pagkukublihan niya ‘wag lang siyang makita nito. “Sh*t, bakit ba ako nagtatago?” inis na tanong niya sa sarili pero hindi naman magawang ilabas ang sarili sa pagkakasiksik sa gilid, kahit hirap na at pilit pa ring nagtatago sa masikip na bahaging iyon ng museleo nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD