Chapter 35

1449 Words
Claude’s POV Nararamdaman na ni Claude ang pangangatal ng kanyang binti dahil sa tagal ng kanyang pagkakatayo, ang tagal din kasing umalis ni Dana sa Museleo kaya hindi din siya kaagad nakalabas sa pinagtataguan niya. Iniisip niya ang dahilan kung bakit siya nagtatago sa pagdating ng dalaga? Bakit ba siya biglang nataranta? Pero gano’n pa man ay hindi niya makuhang ilabas ang sarili sa kanyang pagkaka-kubli. “Hay Clyde!” narinig niyang sabi ni Dana sabay buntong hininga, “Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na tawagin ka sa pangalan na iyan. Bakit kasi nilihim mo pa? wala namang masama sa pangalang Clyde, ayan tuloy nalilito ako sa inyong dalawa, kahit alam ko na kung sino ka at kung sino s’ya, pero hindi ko pa rin maiwasang isipin na ikaw at s’ya ay iisa pa rin.” Sabi nito saka muling napahugot ng malalim na hininga. “Nalilito ako na—“ sandali itong tumigil sa pagsasalita, “basta, saka ko na lang sasabihin sa ‘yo sa susunod na balik ko dito, medyo gabi na rin kasi kaya mabuti pa na mauna na ako, babalik na lang ulit ako.” Paalam nito sa kanyang kapatid na akala mo’y kaharap nito at saka hinaplos nito ang nitso ng kapatid niya. Hindi na rin nagtagal ay umalis na ang dalaga, nakahinga naman siya ng maluwag dahil kung magtatagal pa ito ay baka mapaluhod na lang siya at magulat ito dahil sa hindi nito inaasahan ang paglabas niya kung saan. Medyo na nginginig pa ang tuhod niya pero pinilit niya na makarating sa kanyang sasakyan. Mahina niyang tinapik-tapik ang kanyang binti upang mawala ang pamamanhid nito at napapailing na sinundan ng tanaw ang dalagang papalayo. ****** Kinabukasan, hapon na din siyang naka-punta sa restaurant dahil sa dami niyang ginawa. Nakita niya ang dalaga kasama ang ibang empleyado na nagtatawanan habang nagkakainan ng kanilang pananghalian. Napansin niya ang masayang ngiti nito at paghalakhak dahil sa jokes ng mga kasamahan, nakakahawa ang pag-ngiti nito na hindi niya namalayan na mapapangiti na din siya kasabay ng pagtawa nito. Nang mapansin na ngumingiti na din siya ay agad niyang sinaway ang sarili at nagmamadaling pumasok sa sariling opisina. Pilit niyang winaglit ang imahe ng masayang dalaga sa kanyang isipan, at inabala ang sarili sa trabaho. Hanggang sa tuluyan na nga niyang nakalimutan ang kaninang iniisip niya, bumalik na lang siyang muli ng reyalidad ng tumunog ang kanyang cellphone. Napakamot na lang siya ng ulo ng mabasa ang message sa kanya, isa itong invitation mula sa head office para sa lahat ng empleyado sa gaganaping ika 20th anniversary ng kanilang company. “May email na, may text message pa,” naiiling niyang usal. Natapos ang maghapon, at bago mag-uwian ang lahat ay tinipon niya para ipaalam sa mga ito ang tungkol sa gaganaping event. Two days and one night ang event at dahil ang branch lang nila ang malayo kaya isasara ito ng dalawang araw at bibigyan ng pagkakataon ang employee doon na magsaya ng dalawang araw kasama ng iba pang empleyado. “Isa sa mga event— syempre, ano pa ba? Cooking competition dahil restaurant tayo ay hindi iyan mawawala sa ganitong event, kaya kung sino ang gustong sumali mag-sign up na dito,” sabi niya sabay abot sa listahan. Walang gustong magsulat, at mukhang mga nag-aalanganin ang mga ito. “Wala bang may gustong sumali sa inyo?” tanong niya. “Baka mga naduduwag na, iniisip siguro na mailampaso lang sila doon.” Ani Trish na kinainis ng ilan at ang ilan naman ay mukhang isa iyon sa mga dahilan, hanggang madako ang paningin niya kay Dana. Na hindi mo maintindihan kung ano ang gusto nitong mangyari, dahil makikita mo sa mata nito ang kagustuhan na magsulat, pero halata din dito na pinipigilan nito ang sarili. “Dana, kung gusto mong mag-sign up, isulat mo na ang pangalan mo.” Sabi niya na mukhang iyon lang ang inaantay nito para sumali. Pagka-sulat nito ay may ilan din ang naglista para sumali. “Sigurado ka, Dana? Sasali ka? Kahit nga mahuhugas ng plato hindi mo maayos e, tapos sasali ka sa compition?” mapanuyang tanong ni Trish. “Trish,” saway niya dito, hindi niya maintidihan kung bakit ba galit na galit ito kay Dana. “Bakit naman po hindi? Saka hindi naman ako tutungtong sa big stage ng malaking competiton, company event lang naman po iyon para hindi ako sumali at para iyon sa lahat ng employee, at empleyado din ako kaya pwede po akong sumali” Sagot nito na mukhang hindi inaasahan ng kasamahan dahil madalas ay tahimik lang ito at hindi sumasagot puro ngiti lang ang ginagawa. Habang nagbubulungan ang mga ito ay napatitig siya kay Dana, na ngayon ay malapit sa kanya. Dati kasi ay hindi niya ito gaanong pinagkakabalahang titigan. Madalas din na sa tuwing lalapit ito sa kanya ay inuunahan na niya at mabilis na lalayo. Ngayon na lang ulit niya ito na pagmasdan. Ibang-iba na ang itsura nito maliban sa size, masasabi mo na nag-matured na ito, at may itsura din kung ikukumpara noong nasa high school pa sila. “Hey! Mr. Ros mukhang ang lalim ng iniisip, kanino ka ba nakatingin,” biglang lapit ni Trish sa kanya at sinundan kung kanino siya nakatingin. “So anong meron sa kanya at bakit mo siya pinag-mamasdan?” tanong nito na halos ibulong na lang sa kanya. Hindi niya ito pinansin at binaling na lang sa iba ang tingin. Matapos ang kanilang meeting ay agad siyang umuwi, wala na rin naman siyang ibang pinuntahan pa. Pagkarating sa bahay ay agad siyang dumiretso sa kaniyang kwarto. Sobrang lagkit ng pakiramdam niya kay dumiretso siya sa shower para naman mapreskuhan siya. Nakapikit ang kanyang mata habang nakatapat ang katawan sa shower, ng bigla ang kanyang pagdilat dahil parang narinig niya ang boses ni Dana, at naalala niya ang imahe nito habang tumatawa, pinilig niya ang kanyang ulo upang mawala ang imahe nito na bigla na lang pumasok sa kanyang isipan. Mabilis siyang naligo at lumabas ng banyo, paglabas ay hindi niya sinasadya na masagi ng kanyang paa ang isang karton na nasa ilalim ng kanyang lamesa sa loob ng kanyang kwarto. Hinayaan muna niyang nakatali ang tuwalya sa kanyang beywang at pinunasan ang buhok niyang tumutulo pa ng tubig gamit ang maliit na towel, saka pinatong sa balikat bago yumuko at kinuha ang karton na iyon. Lumakad siya palapit kama at doon na upo, malungkot niyang hinaplos ang karton dahil iyon ang mga gamit na naiwan ng kaniyang kapatid na hinabilin sa kanya. “Grabe ka kuya, napaka sentimental mo tagal.” Natatawa at naiiling na lang siya, “Pati ba naman itong balat ng kendi tinabi mo pa.” aniya habang iniisa isa ang mga gamit nito. Ngayon na lang kasi niya mas na pagtuunan ng pasin ang mga iyon, basta na lang kasi niyang nilagay sa ilalim ng table niya ang mga iyon. Kinuha niya ang larawan nilang tatlo, ng kuya niya at ni Dana. Kuha iyon sa kanilang school noong Parent and children’s day. Ito rin ang unang pagkakataon, na magkagusto ang kanyang kapatid kay Dana ng ipagtanggol sila nito sa mga bully nilang kaklase. Kaya simula nga noon ay lagi na lang silang lihim na sumusunod sa batang Dana noon dahil gusto ng kuya niya na sumunod dito at hindi naman niya ito maiwan. Minsan na rin siyang napaaway dahil sa mahilig pumatol si Dana sa ibang bata na walang ibang gawin kundi asarin siya dahil mataba s’ya. Siya naman ay tinutulak ng kuya niya upang tulungan nito, pero dahil sa ginawa nito ay sa kanya na baling ang inis ng mga ito. bugbog sarado siyang umuwi sa kanila. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit s’ya na iinis kay Dana dahil sa nadamay siya at nabugbog, kabaliktaran naman ng nararamdaman ng kapatid niya. Pero ngayon alam naman na niya sa sarili na nag-matured na siya. Naiiling na muli niyang binalik ang gamit ng kapatid. At iyon na din ang huli nilang makita si Dana, nabalitaan na lang nila itong nag-transfer ng school. At wala silang bailta kung saan. At muli na lang niya itong nakita noong high school sila, pero dahil sa kakulitan nito kaya siya naiinis dito. Napabuntong hininga siya, “Bakit ko ba pinag-aaksayahan ng oras na isipin siya,” aniya dahil wala na rin naman talaga siyang paki-alam dito kung hindi lang dahil sa kapatid niya. “Hayy! Kuya bakit ba mula noon, at hanggang ngayon lagi mo na lang akong dinadawit sa kahibangan mo sa kanya.” Na iiling na basta na lang hinagis ang sarili sa kama at hindi man lang nag-abala na magbihis at takpan ang hubad niyang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD