Dana’s POV
Habang busy si Dana sa ginagawa sa kusina ay siya namang dating ng kanyang Ina galing sa mapapalengke.
“Oh! Anak bising-busy ka, ano ba iyang pinagkaka-abalahan mo?” tanong nito at nilapag na ang mga pinamili.
“Nagpa-practice lang po ako ng baking ko Ma, next week kasi ay anivesary ng Company at sumali ako sa pakumpetisyon nila. Ako ang sa dessert at yung dalawa kong kasama ang bahala sa main dishes namin as a team.”
“Ayoko namang maiwan dahil mga batikan na sila, kaya ito nagpa-practice po ako.” Aniya sa ina at nginitian ito.
“Tama ‘yan anak, saka para malaman din nila ang tunay mong kakayahan. Hindi dahil may kakilala ka jan sa trabaho mo, iyong makikilala ka dahil sa tunay mo galing, kaya naman sinuportahan ko kayo ng kuya mo.” Sabi nitong naka-ngiti habang inaayos isa-isa ang mga pinamili.
“Oo Ma, saka para na rin makatulong ako sa inyo ni Papa. Alam ko naman kasing hindi sapat ang pera na meron tayo para mabayaran ang mga naging utang natin dahil sa akin.” Malungkot niyang sabi sa ina.
“Anak, anong walang pera? May pera tayo, meron pa nga tayong share sa restaurant diba? Alam mo mag focus ka na lang jan sa ginagawa mo, at kung may utang man tayo kame na ng Papa mo ang bahala doon.” Anito saka siya hinaplos sa braso.
“Ma naman ano ba’ng akala mo sa akin bata pa na hindi naiintindihan ang sitwasyon natin, alam ko na maliit lang ang share natin doon. Saka parang hindi naman matatawag iyong share yung ilang percent na iyon, feeling ko nga naawa lang yung may-ari kaya binigyan tayo kahit papaano ng share e.” naiiling niya sabi.
“Ay grabe naman sa naawa, mukha na ba tayong kaawa-awa?” Pabiro pa nito.
“Hindi naman po sa ganoon, ang sa akin lang po kasi kung hindi ako naaksidente dahil sa pagiging pabaya ko, hindi tayo aabot sa ganito.” Nakanguso niyang sagot.
“Anak, ‘wag mong sabihin iyan, hindi dahil sa iyo kaya natin naibenta ang restaurant. Matagal ng hindi maayos ang negosyo natin na iyon, nagkataon lang noong time na iyon ay naaksidente ka.” Anito na para pampalubag lob sa kanya, alam din niya iyon. Saka isa pa din sa dahil ay nang lokohin sila ng kanilangpinagkatiwalaan.
“Matagal na naming iniisip ng Papa mo na ibenta iyon, dahil mababaon tayo sa utang kung hindi namin iyon bibitawan, at maswerte tayo dahil ang mga Suarez ang nakabili at binigyan pa tao ng share. Diba ang babait nila,” masigla nitong sabi.
Tahimik na lang siyang ngumiti sa Ina, tumitig siya sa Ina niya at sinabi sa sarili na, Ma ‘wag kang mag-alala, hindi ko man mabawi ang restaurant natin, sisiguraduhin ko naman na magkakaroon tayo ng bago.
Lumapit ang kanyang Mama at pinanood ang ginagawa niya.
“Ano ba iyang ginagawa mo?” tanong nito na sinipat-sipat pa ang paggawa niya.
Natawa siya sa ginawa nito, “Ma, baka naman dumikit yan ilong mo jan sa ginagawa ko.” Naka-ngiti siyang napa-iling.
“E ano ba ang tawag mo dito?”
“Hindi pa tapos ang pagde-design ko jan pero cake ‘yan Ma, at ang tawag ko jan double-love pondant cake.”
“Hmmp, bakit iyon ang tinawag mo jan sa cake mo?”
“Uhmp... Iyon lang kasi ang naisip ko e, about of love kasi ang theme na napili ng ka-grupo ko. Ma, tikman mo nga para mahusgahan mo na din.” Natatawa niyang sabi sa ina.
“Sige nga, abutan mo ang ng platito para mahusgahan na itong ginawa mo. Kaso nanghihinayang naman ako sa design, mukha hindi naman cake ang itsura nito.” Anito na tinigil ang pagkuha ng cake.
“Ayos lang iyan Ma, saka na picturan ko na rin yan at na send ko na sa team ko.” Pagkasabi niya ay agad namang tinikman ng Mama niya ang kanyang gawa.
“Uhmmm! Uhmm... anak napaka sarap naman nito, kaka-iba sa mga natikman ko nang cake natutunaw siya sa bibig ko.” Anito na hindi na tinigilan ang pagkuha.
“Ma, awat na.. hahaha— papatikimin ko din kasi mga ka-team ko.” Saka siya nagtabi para matikman ng kasamahan niya, kasi kung hindi siya magtatabi ay baka maubos ng Mama niya.
Matapos isinop ang mga kalat niya sa pagba-bake ay ang kanila namang pagkain ang inasikaso niya katulong ang Mama niya.
At habang kumakain sila ng hapunan ay pinatikin din niya ang kanyang Papa at bunsong kapatid, at natutuwa naman siya dahil tulad ng kayang Ina ay nasarapan din ang dalawa.
Kinabukasan ay excited siyang pumasok dala ang cake na ginawa niya upang ipatikim sa mga kasamahan niya.
“Oh, ang saya natin ah,” bungad na bati sa kanya ni Jessie.
“Girl may ipapatikim ako sa ‘yo ah! I-rate mo.”
“Oo ba, basta libre hindi natin yan aatrasan.” Saka malakas itong tumawa.
“Okay, sige mamaya na lang sa breaktime natin para matikman na rin ng iba.”
“Iyan na ba ang gagawin mo sa dessert mo sa event?” tanong ni Jessie.
“Oo sana kaso nag-aalanganin pa din ako e, hindi ako confident e.”
“Huh? bakit naman tingin ko pa lang sa picture mukhang marasap na. hayaan mo mamaya ay sisintensyahan na namin iyan.” Anito at tumawa bago tinuloy ang ginagawa.
Ang lahat ay busy at hindi magkaumaway sa kani-kanilang ginagawa, tumulong na rin si Dana sa nag served na din dahil may katulong na rin naman siyang maghugas ng mga plato, minsan ay nauutusan na din siyang maghiwa ng mga ingredients na gagamitin sa menu nila.
Kaya naman natutuwa siya sa mga bagong task na binibigay sa kanya, maganda rin kasi iyong expirience e. kaya kahit ano ay ginagawa niya para lalo siyang mahasa sa larangang pinasok niya.
Dahil nga sa busy siya ay hindi niya na pansin si Claude sa papunta sa kusina kaya na atrasan niya ito ng hindi sinasadya.
Nagulat na lang siya ng mahigpit itong humawak sa dalawang braso niya sa likod kaya napa-unat siya ng tayo at hindi kaagad nakakilos, nahigit niya ang kanyang paghinga dahil sa mabango nitong amoy.
“Sh*t, ano ba ang ginagawa nito bakit ayaw niya akong bitawan?” aniya sa sarili.
Gusto niyang kastiguhin ang sarili dahil sa kung bakit siya nakakaramdam na kakaibang kaba sa tuwing nalalapit siya dito, nang hawakan siya nito na lalo lang siya sa pagdiretso ng tayo.
Bahagya siyang kumilos, nang biga din ang pagyuko nito, tumama pa nga ang nuo nito sa likod ng kanyang ulo. Maya-maya pa ay yumuko ito sa kanya sa bandang balikat.
Para namang umaykat ang dugo sa mukha niya, lalo na ng bumulong ito sa kanya.
“Masaya ba?” anito na hindi niya maintindihan, “Mukhang enjoy ka natapakan ang paa ko ah, kung wala lang tao baka kanina pa kita tinulak.” Pagkasabi nito ay agad siyang napa-hakbang, sabay tulak nito sa kanya dahil mas lalo lang niyang nadiinan ang pagkakatapak dito.
“Sorry!” aniya na agad lumapit dito pero hinawakan lang siya nito sa barso niya para pigilan siyang makalapit.
Nasa ganoong posisyon sila ng biglang labas ni Chef Trish sa kusina at nagulat sa nakita saka masama ang tingin ang pinukol sa kanya. Agad itong lumapit sa binata pero hinawi lang ito saka iika-ikang bumalik sa opisina nito.
“Ano iyon, imbis na magtrabaho ka ay nakuha mo pang lumandi?” tiim ang bagang na sabi nito sa kanya.
“Chef mali po ang iniisip n’yo, na—“
“P’wede bang itigil mo na ‘yang kahibangan mo, ano bang akala mo sa sarili mo? Tingnan mo nga iyang itsura mo!” pinag-cross nito ang kamay saka siya nito tiningnan muna ulo hanggang paa.
“Ano sa tingin mo, papatulan ka ni Claude?” anito na halos lumagpas na ang kilay sa ulo nito dahil sa sobrang pagtaas niya dito. “Gumising ka sa kahibangan mo Dana, sa tingin mo ba ay hindi ko na papansin ang mga palihim mong tinginan mo kay Claude. Hindi ang tulad mo ang papatulan n’ya.” Pagkasabi nito ay iniwan siyang napatulala saka sumunod sa opisina ni Claude.
Feeling niya ay hindi nag-function ng maayos ang utak niya, kaya hindi siya nakasagot sa mga paratang nito sa kanya, at napatulala na lang.
Nagulat na lang siya ng may biglang yumakap sa kanya mula sa likod.
“Beshy!” sibi ng nakayakap sa likod niya, pagpihit niya ay ang kaibigan niyang si Rona kasama ang Canadian boyfriend nito.
“Bakla! Anong ginagawa mo dito?” aniya sabay tukop ng bibig dahil medyo napalakas ang boses niya.
“Kamusta?” tanong nito.
“Ito, wala namang pagbabago e. ako pa rin ang kaibigan mo na dating pound for pound queen.” Biro niya dito. “Ikaw kamusta? Kailan ka pa bumalik sa Pinas?” tanong niya dahil pagka-graduate nila ay nag-punta na ito sa L.A dahil doon ito nakahanap ng trabaho, doon din niya nakilala ang boyfriend nito.
“Naku beshy, noong isang araw lang.” anito na tuwang-tuwa sa pagkikita nila.
Makiki-pag kwentuhan pa sana siya ng lumabas si Chef Trish mula sa opisina ni Claude na hindi maipinta ang mukha na tumingin sa kanya.
“Naku beshy, mamaya na lang tayo mag-usap ah. Tawagan mo ako mamaya, kasi may dragon na lumabas,” Paalam niya dito. Bago bumalik sa kusina.
Break time na din kasi kaya kailangan na rin niyang bumaik sa loob ng kusina, para ipatikim ang ginawa niyang cake.
“Bakit pala cake itong na isip mong isali?” tanong ng isa niyang kasamahan habang kumukuha ng cake.
“Oo nga curiuous din ako bakit cake ang naisip mo? Diba limited lang ang time at maraming oras ang kailangan sa paggawa ng cake?” tanong pa ng isang chef.
Natawa na lang siya sa mga tanong nila, “Tama po na limeted lang ang oras, pero na paghandaan ko na din iyon.” Saka siya ngumiti sa mga ito habang naghihintay sa reaction nila.
“Hay naku, tikman n’yo na lang kasi at husgahan para kung sakaling may suggestion kayo, sabihin n’yo na para naman makapaghanda pa siya. Kaya ‘wag n’yong kakalimutan na irerepresent nila ang resturant natin.” Ani Jessie.
Nagsimula naman na ang mga itong tikman ang ginawa niya, iba-iba pa ang reaction na nakikita niya sa mukha nila.
“Bakit naman ganito itong cake mo—“ anito na hindi tinuloy ang sasabihin at muling tumikim sa hawak na cake.
Siya naman ay parang kinabahan dahil sobrang kunot ng noo nito.
“Bakit anong lasa, hindi ba masarap?” Kinakabahan niyang tanong, “Okay lang kung hindi n’yo magustuhan, ang gusto ko lang malaman ang inyo saggest.” Sabi na lang niya.
“Ikaw talaga Chef Glen, tinatakot mo si Dana e.” anito na panay ang subo ng cake. “Alam mo Dana, masarap itong cake na ginawa mo.”
Habang nagtatawanan siya ay saka naman pumasok si Chef Trish. Inalok niya ito ng cake. Kinuhaka niya ito, pero maya-maya lang pagka-subo nito ay bigla itong nag-uubo.
“Ano ba itong ginawa mong ito Dana, anong klaseng dessert ’yan, iyan ba ang isasali mo?” anito sabay pabagsak na binaba ang plato at kumuha ng tissue at niluwa ang naisubo na cake saka tinapo sa barusahan.
Iniwan sila nito ng walang nasabi at tiningnan na lang ito sa paglabas ng kusina.