Buong akala ni Dana na may pupuntahan silang dalawa ni Claude, sobrang excited pa naman siya habang nakasakay sa kotse ng binata.
Wala din itong kaimik-imik habang patungo sila sa kung saan, na wala man lang siyang ka ide-ideya, basta na lang din kasi siyang sumama dito at hindi na nag-tanong pa dahil nga sa sobrang excited niya dahil niyaya siya nito.
Naguguluhan pa din siya, sa mga nangyayari at sa mga sinasabi ng tao sa paligid niya tungkol sa binata, at alam niyang hindi multo ang kasama niya ngayon.
Kaya lang gusto lang din niyang maka-siguro kaya kinurot niya ito sa pisngi.
“Ouch!” galit itong bumaling sa kanya, “What are you doing?” tanong nito na halos magsalubong na ang kilay nito sa sobrang pagkunot-noo nito.
“A-ah, hehe sinisuguro ko lang na hindi ka multo,” aniya na parang napahiya sa ginawa niya.
“Hindi ako multo, kaya itigil mo na rin iyang pagtitig mo, dahil kung hindi baka bumaba ka ng sasakyan.” Inis pa din nitong babala sa kanya.
“Sorry!” aniya na bahagyang napayuko dahil sa pagkapahiya.
Pero hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na hindi sulyapan ang binata at palihim na mapangiti. Nang mapansin niya kung saan tumigil ang sasakyan nito.
“Anong ginagawa natin dito sa simenteryo?” kabado niyang tanong.
Hindi ito sumagot at lumabas na nang sasakyan, wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lang dito. Dahil sa bilis nitong maglakad ay halos tumakbo na siya makasunod lang dito nang bigla ito huminto kaya na ngudngod siya sa likod nito.
Binuksan nito ang gate ng museleo at pumasok doon, kita niya ang lungkot sa mata nitong nakatitig sa nitso at sa larawan nakasabit na kahawig nito.
“Sigurado ka bang hindi ka multo?” tanong niya na medyo kinakabahan na, ramdam niya ang paglakas ng t***k ng puso niya.
Makahulugan itong tumingin sa kanya, sabay kuha nito ng wallet at may kinuha itong larawan saka inabot sa kanya.
Napangiti naman siya nang makita niya ang dalawang batang lalaki na ang cute-cute, magkamukhang magka-mukha.
“Identical twins?” naka-ngiti niyang tanong pero kunot-noo lang itong tumingin sa kanya.
“Hindi mo s’ya matandaan?” sabay turo sa isang bata na naka-short na khaki at polo shirt na color green, todo ngiti ang bata na nasa larawan.
Pero hindi talaga niya ito matandaan.
Naiilingin itong tumingin sa kanya at lumipat sa larawan na nakasabit sa museleo.
“He’s Clyde, my twin brother. And you know him as Claude,” sabi nito na ikinagulat niya.
Nakatingin lang siya sa binata, “Alam kong marami kang tanong ngayon, at lahat ng tanong mo masasagot diyan sa flash drive na binigay ko sa iyo.” lumakad ito palapit sa puntod ni Clyde. Saka nito iyon hinaplos, kita niya nag pait ng ngiti nito.
“Mas nauna siyang pina-nganak sa akin, kaya siya dapat ang kuya sa aming dalawa, pero sabi niya mas gusto niya na siya ang bunso kaya kuya ang madalas niyang tawag sa akin hanggang sa nakasanayan na lang namin.” Pagak itong tumawa, at tinuloy ang kwento.
“Mahilig pa siyang magpanggap bilang ako, hindi ko alam ang dahilan niya pero hinayaan ko na lang siya.” At tahimik itong tumitig sa larawan ng kapatid.
Siya naman ay pilit na ina-absorb ang mga sinasabi nito, “Ibig mong sabihin –“ aniya na hindi matuloy ang gustong itanong.
Tumango ito na para bang naiintindihan nito ang gusto niyang sabihin, “Oo, siya ang madalas mong makasama at makausap, hindi ako kaya nakikiusap ako sa iyo na kung pwede ay tigilan mo na ang paglapit sa akin, dahil hindi ako si kuya Clyde. Hindi ako ang Claude na nakasama mo.” Iyon lang at lumabas na ng museleo ang binata, sinundan lang niya ito ng tingin.
Hindi niya alam ang mararamdaman niya, “Bakit ka nagsinungaling sa akin, ano naman kung ikaw si Clyde o si Claude? Bakit?” tulala siya na nakatingin sa larawan nito habang ang mga luha niya ay masaganang naglalandas sa kanyang pingi.
Hindi niya alam kung sino ang papaniwalaan niya, kung ang alam niyang kwento o ang kakasabi lang ng binatang kakaalis lang? Muli niyang tinitigan ang hawak na larawan ng dalawang bata, pero wala talaga siyang matandaan na nakasama niya ang mga ito noon.
Nanatili lang siya sa loob ng museleo, wala na siyang pakialam kung iwanan na siyang ng binata dahil sa tagal niyang nanatili doon.
Ang tagal niyang hinihintay ang binata, naghihintay pala siya sa wala, pinaniwala pa siya nitong may multiple disoder ito, noon pala ay kakambal lang pala nito ang madalas magsungit sa kanya.
“Ano iyon trip mo lang? pagkatapos mawawala ka na lang bigla kasi sawa ka na sa trip mo, ano iyon? Katulad ka rin pala ng iba e, walang ibang alam kung magkatuwaan ako, dahil mataba ako?” hindi na niya mabigilan ang sarili at tuluyan na siyang umiyak ng malakas.
“Napaka sinungaling mo!” umiiyak siya at hinahampas ang nitso nito. “Ang sama mo, basta ka na lang uwalis ng hindi nagpaalam at nagpapaliwanag sa akin.” Hihikbi-hikbi siyang napa-upo na lang, dumukdok siya sa kanyang tuhod, saka niya tinuloy ang pag-iyak.
Pero bigla siyang na pasalampak dahil hindi niya maipit ang kanyang tiyan, na lalong nag-painit ng ulo niya, inunat na lang niya ang kanyang paa at mas lumakas ang kanyang paghagulgol, hindi na dahil kay Clyde at sa pagsisinungling nito, kundi dahil sa awa niya sa kanyang sarili.
“Bakit ba kasi hinayaan kong maging ganito ako?” nasapo na lang nang kanyang kamay ang mukha niya.
Punong-puno ng luha ang kanyang mukha, pinahid muna niya iyon bago lumabas sa museleo na iyon.
Paglabas niya ay wala na ang binata, pati ang sasakyan nito kung saan sila pumarada kanina ay wala na rin, siguro nga ay iniwan na siya nito. Kaya tuloy mas lalo siyang naawa sa sarili niya.
Pagtanaw niya sa labasan ay kinikilabutan siya, dahil malayo pa ang labasan mula sa museleo ni Clyde. Madilim na rin kaya, kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya habang naglalakad siya palabas.
Hindi pa niya mabilisan ang paglalakad niya dahil medyo namamanhid pa ang paa niya dahil sa tagal ng pagsalampak niya kanina.
“Oh yeah! Oh yeah... yeah... yeah!” aniya na pakanta-kanta na lang ng kung anong maisip niya para lang hindi siya kabahan.
“Paro-paro G.... papa-paro paro G...” sabay palakpak para may ingay habang naglalakad siya palabas, nang biglang sumulpot ang care taker sa lugar.
“Ma’am ang galing nating kumanta ah!”
“Aaahhhh!” napasigaw siya sa gulat.
“Sorry Mam, sorry po, nagulat ko po ba kayo?”
“Manong, hindi po ba halata. Mukha po bang natuwa akong nakita ko kayo kaya ako sumigaw” sabi niya na hawak ang dibdib dahil sa lakas ng t***k ng puso niya.
“Hehe sorry mam, kanina pa po kasi ako dito sa tabi hindi n’yo lang ako pinapansin e,” anito na pinipigil ang pagtawa.
“Sige manong mauna na ako sa iyo dahil baka gabihin na ako ng sobra.”aniya na nagmamadaling makaalis sa lugar na iyon.
Napabuntong hininga na lang siya ng makalabas ng cemetery, pero bigla din siyang nanamlay dahil malayo pa din ang lalakarin niya papuntang sakayan, dahil wala naman bumabyahe papasok sa simenteryo na iyon, kaya kailangan mo talagang maglakad kung wala kang service o sariling sasakyan.
Habang naglalakd ng biglang may bumisina mula sa kanyang likuran, pagtingin niya ay isang kotse, hindi niya alam kung si Claude iyon dahil hindi niya matandaan ang sasakyan nito. Hindi niya ito pinansin dahil sa kinakabahan siya baka kung ano ang gawin nito sa kanya na hindi maganda lalo na at madilim sa lugar, kaya mas binilisan niya ang paglalakad.
“Sakay na,” pasigaw nitong sabi pero hindi niya ito pinansin, dahil na papraning na din siya, dala na rin ng medyo madilim na sa lugar, hindi na nga niya napansin kung sino ang driver e, dahil sa pagmamadali niyang makalayo dito.
Muli itong bumusina, sakto naman na malapit na siya sa sakayan at may dumaan na taxi kaya agad niya itong pinara at sumakay dito. Hindi na niya nilingon pa ang tumatawag sa kanya, dahil wala na rin siya sa mood na alamin kung sino man iyong tumatawag na iyon.
Habang nasa taxi ay kusang tumulo ang kanyang luha, hindi niya kasi maiwasan na hindi maalala si Clyde. Naalala niya ang flash drive na binigay sa kanya kanina ni Claude.
Kaya pagkarating pa lang niya sa bahay ay agad na siyang pumasok sa kanyang kwarto at hindi na pinansin ang pagtawag ng kanyang Mama sa kanya.
Hindi pa man siya nakaka bihis ay agad na niyang binuksan ang kanyang laptop at tiningnan ang laman ng flash drive na iyon.
Pag-play niya ng video ay bumungad agad sa kanya si Clyde, na sobrang payat at putla ang kulay ng mukha, may mga suwero din na kakabit dito. Kahit naka-ngiti ito sa camera ay kitang-kita ang hirap nito sa paghinga.
“Hi Dana!” bungad nitong sabi, hindi pa man ay naiiyak na siya sa nakitang sitwasyon nito.
“Kamusta ka, pasensya na at wala ako diyan sa tabi mo! Gustuhin ko man pero mukhang ayaw nang katawan ko,” anito na napapalunok dahil sa hirap mag salita.
“Marami akong gustong sabihin sa iyo, kaya sana tapusin mo itong video na ito, ‘wag ka sanang mainip. Gusto ko sana na sa personal ko ito sabihin kaso nararamdaman ko na hindi na ako aabot pa, kaya ganito na lang ang ginawa ko. S-sana—“ naputol ang sasabihin nito dahil inihit ito ng ubo.
“S-sorry, may pumasok kasing lamok, pero nilunok ko na haha. Una sa lahat gusto kong humingi sa iyo ng paumanhin dahil, wala ako ngayon sa tabi mo.” ini-stop muna niya ang video pansamantala.
“Gusto mo pang alagaan ako e, ikaw nga diyan na mukhang mahihirapan buhatin braso ko pa lang.” naka-ngiti pero patuloy ang luha na tumutulo sa mata niya.
Muli niya pin-lay ang ang video, “Alam kong kung pinapanood mo na ito, nagkita na kayo ni Claude, sorry kung nagsinungaling ako sa iyo.” kitang-kita na niya ang hirap nito sa pagsasalita, sobrang hilam na rin sa luha ang kanyang mga mata.
Hindi na siya makapag-focus sa pinapanood niya dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman niya.
“—ito,” hindi na niya na intindihan ang iba pa nitong sinabi, basta nakita na lang niya na nakahawak ito sa mata nito. “Inalagaan ko ito, kasi gusto kong ibigay ito sa iyo. hindi ako nag pupuyat para hindi ito lumabo, kumakain din ako ng kalabasa para mas luminaw siya, para sa iyo!” hindi na niya kinakaya ang napapanood niya. Kaya ini-stop na niya ang panonood.
Sobrang sakit, parang dinudurog ang puso niya sa nakikita niyang kalagayan nito. Wala siya ka-ide-ideya na ganito na pala ang sitwasyon nito, samantalang siya nawalan lang ng paningin, pakiramdam niya wala na siyang silbi. Pero ito patuloy na lumalaban sa sakit nito, na hindi niya alam dahil wala naman itong sinasabi sa kanya. Iyak siya ng iyak, para kasing ang hirap tanggapin na ang lalaking minahal mo, hinihintay mo... wala na pala! Ang sakit!
masuyo niyang hinawakan ang kanyang mga mata at tahimik na muling umiyak.