Maagang gumising at nag-asikaso si Dana, dahil tumawag kasi si Chef Siri sa kanya na dumaan muna sa suki nila sa palengke dahil may pi-pick up-in siya na hindi na kuha ng kanilang boy dahil sa puno na rin ang kanilang van.
“Ma, aalis na po ako,” sigaw niya sa kaniyang ina na kasalukuyang nagluluto.
“Aalis ka na? hindi ka pa kumakain ah,” anito na sumilip sa kanya.
“Sa labas na lang po ako kakain, kailangan ko kasing makuha ang naiwan ingredients sa palengke.” Paliwanag niya dito.
“Kung ganoon e, mag-iingat ka at magdahan-dahan ka sa pagtawid mo, ikaw nga iyang lapitin ng disgrasya.” Paalala ng ina sa kanya.
“Oo Ma, natuto na ako hindi ko na hahayaan mangyari iyon sa akin, baka hindi ko na kayanin ang mga mawawala sa akin ‘pag nagkataon.” At mapait siyang ngumiti ng maalala si Clyde.
“Ang drama mo ate, umalis ka na nga,” ani ng kapatid na bunso na pinatong ang gamit sa umupan at humarap na sa hapag.
Pero bago siya lumabas ng pinto at binatukan muna niya ito, sabay takbo palabas. Na miss na rin kasi niyang asarin ito dahil na busy siya sa trabaho.
“Bye Ma!” sigaw niya, natawa naman siya ng marinig ang pagmamaktol ng kapatid dahil hindi ito nakaganti sa kanya.
Naglalakad lang siya papuntang kanto dahil doon ang sakayan papuntang bayan, medyo malayo lang kaya kung minasan ay sumasakay siya sa trayk.
“Ma’am, sakay ka na?” sigaw ng nagta-tribike, suki niya ito dahil ito lang ang nag-iisang hindi tumanggi sa kanya tuwing pumapara siya. Kahit hirap na hirap itong pumadyak ay diretso lang siyang nito hinahatid kahit saan siya magpunta.
Simula kasi ng maaksidente siya ay hindi na siya nagmaneho pa ng sasakyan.
“Oh! Manong ang aga natin ah!” pabirong bungad niya.
“Oo Mam kailangan nating kumita para sa pamilya. Saan po ba ang punta n’yo?”
“Sa palengke sana, kaya mo ba hanggang doon?” alanganin niyang tanong.
“Ma’am naman ako pa ba ang tatanungin mo? Malakas pa ito sa kalabaw.” Natatawa ito na labas ang one sit apart nitong ngipin.
Kahit na matanda na ito ay nakikipagsabayan pa ito sa iba, siya nga nakaya pa nito, sa timbang niyang 172kg e kundi lumawit ang dila nito sa hingal. Pero ito talagang kinakaya pa siya.
Kaya madalas ang tuksuhan ng mga tao pagnakikita sila, na kesyo nagsakay daw ito ng elepante at kumakapit pa ang sidecar ng bike nito dahil siya ang nakasakay. At buti daw ay nagkas’ya siya sa bike na ito.
Pero lahat ng iyon ay tinatawanan lang nilang dalawa, tuwing maririnig nila. Kaya tuloy ‘pag ito ang nasasakyan niya ay higit pa sa pamasahe nito ang binibigay niya. Tuwang-tuwa naman ito, kaya kahit hirap itong iahon ang gamit nitong bike tuwing sakay siya nito at pinipilit nito maihatid lang siya.
Pagdating niya sa palengke ay sarado pa din ang tindahan na sanang pagkukuhanan niya ng ingredients na naiwan . kaya pinasya niya maglibot muna sa palengke.
Natutuwa naman siya sa mga nakikita, at ang daming stall na nagaalok ng free taste.
“Ma’am, try n’yo po ito tinda namin.” Sigaw ng dizer nito.
Lumapit siya sa tinda nitong cookies at agad din umalis pagkatikim sa tinda nito. Ang daming stall na pwedeng puntahan, sakto pa naman na hindi siya nag-almusal.
“Mukhang makakalibre ata ako ahh!” aniya na hindi napansin ang ibang tao na nakatingin sa kanya dahil lahat at ng food stall na nagaalok ng free taste pinuntahan niya.
“Ma’am, try n’yo po itong coco shake namin.” Tawag ng sales lady sa kanya, tutal sarado pa ang tindahan ng sinadiya niya kaya lumapit siya dito.
Binigyan siya nito sa maliit na plastic cup, “Hmmp, masarapa ah!” aniya sa tindera, natuwa naman ito sa kumento niya.
Maya-maya pa ay parami na ng parami ang mga nagaalok sa kanya ng free taste.
“Ang sasarap naman ng mga tinda niyo, saan ba ako makakabili niyan?” tanong niya.
“Pwede na po kayong bumili sa amin ngayon Ma’am, kung gusto n’yo?” alok ng isang tindera.
“Naku hindi pwede kasi may kukunin ako diyan, inaantay ko lang magbukas baka hindi ko mabitbit yan.” aniya.
“Ah, ganon ba Ma’am, meron naman po kame sa mga supermarket kaya pwede po kayong bumili doon.” Sagot ng sales lady na nakangiti.
Matapos niyang matikman lahat sakto naman nagbukas na ang tindahan na kanina pa niya inaantay. Matapos makuha ang kaniyang pinunta doon sa palengke ay dumiretso na siya sa sakayan.
Habang naghihintay ng masasakyan ay may babaeng lumapit sa kanya.
“Hi Ma’am, pwede bang makahingi ng konting time mo, gusto ko lang ipaliwanag itong items namin.” Masiglang bungad nito sa kanya.
“Naku sorry ate, nagmamadali na kasi ako e.” tanggi niya.
“Saglit lang Ma’am, baka lang kasi gusto mong subukan itong slimming tea namin. Makakatulong ito sa iyo para pumayat ka.” Parang gusto niyang bigwasan itong kaharap niya, pero napa-isip din siya.
Ito na ata ang sign para magsimula na siyang magpapayat ah! Kay pinagbigyan niya ito sa pagpapaliwanag ng tinda nito.
At sa huli at nakumbinsi siya nito at bumili ng tinda nito. Pero bago pa man siya makasakay ay may mga nagalok sa muli kanya ng mga free taste, siya naman kahit busog na ay hindi pa rin ito tinantanan. Kaya naman ay hindi niya namalayan ang oras.
Lakad takbo tuloy ang ginawa niya makahabol lang sa oras ng pagbubukas ng kanilang restaurant. Pagdating niya ay umuusok na naman ang tenga ng chef nila sa inis sa kanya, na aliw kasi siya sa mga free taste kaya hindi niya namalayan ang oras buti na lang talaga at nakahabol siya, dahil kung hindi ay gisang-gisa na naman siya.
“Hoy, babae ka.” ani Jessie na hinampas pa siya sa balikat, “Alam mo namang mainit ang dugo sayo ni chef e, nakuha mo pa talagang maglaboy.”
“Hehe, na aliw kasi ako ang daming free taste at ang sasarap pa.” nahihiya niyang pag-amin sa dito. Naiiling na lang iton bumaik sa trabaho.
Nang oras na ng kanilang break ay naalala niya ang juice na pang papayat daw, kaya hinuha niya ito at nagtimpla ng isang sachet.
“Ano iyan?” sabay nguso ni Jessie sa juice na tinitimpla niya.
“Juice na bili ko kanina, pampapayat daw. Gusto mo?” alok niya.
Napangiwi ito umiling-iling, “naniniwala ka sa mga ganyan, hindi ka naman papayat diyan kung hindi ka mag-e-exercise e.” dagdag pa nito, habang pinapanuod siya sa pag-inom.
“Wala namang masasama kung susubukan ko, diba?”
“Anong lasa?” anito na tila ba nandidiri sa iniinom niya.
“Uhmp, sakto lang. hindi matamis, hindi maasim, tapos may something akong nalalasahan, hindi ko lang ma-discribe.” Sabay ngisi niya dito.
“Naku ikaw huh!, mag ingat-ingat ka mga sinusubukan mo,” paalala nito sa kanya.
“Opo, nanay. Saka ngayon pa lang naman ako nag-try ng mga ganito e.”
“Sige ka, ikaw din. Kung ako sa ‘yo mag-exercise ka na lang kasi, effective na mas healthy pa kesa diyan sa pinag-iinom mo.” Saka siya nito hinampas sa puwitan.
Matapos maubos ang iniinom ay bumalik na siya sa trabaho dahil sakto tapos na din ang kanilang breaktime.
Halos matagtag ang buong katawan ni Dana dahil sa sobrang dami ng utos ni chef Siri sa kanya. Ramdam niya ang paggalawan ng mga kinain niya dahil wala siyang ginawa kundi lakad dito, laka doon, buhat dito buhat doon.
Kaya talagang ramdam na niya ang pagkulo ng kanyang tiyan dahil sa walang tigil niyang pag-ikot sa buong kusina.
Butil-butil ang mga pawis na lumalabas sa kanyang noo.
“Oh, anong nangyari sa ‘yo?” tanong ng isa niyang kasamahan.
“Wala, ang pagod lang kasi ang daming utos ni chef.” Dahilan niya dito.
“Bilisan mo na diyan at mapalit na tayong mag-uwian.”
Tumango lang siya dito dahil ayaw na niyang magsalita dahil sa naka-focus siya sa pagpipigil sa nag-aalburuto niyang tiyan.
Hindi na niya matiis at hirap na siyang magpigil sa sakit ng kanyang tiyan. Papasok na sana siya sa restroom ng tawagin siya ni Jessie.
“Dana, hindi ka pa ba uuwi?” tanong nito na nakasukbit na ang sling bag nito sa katawan, halatang uwing-uwi na ito.
“Mamaya na ako, mauna ka na!” aniya na pigil-pigil ang sarili.
“Sige,” anito na nakatitig sa kanya bago tumalikod.
Hindi niya malaman kung anong gagawin, dahil sa sobrang pagkulo ng kaniya tiyan. Lumabas siya sa likod ng kusina dahil nandoon ang kanilang restroom, pero pag tingin niya ay naka-lock na ito.
Lumabas siya para sa customer restroom siya pumunta pero naka-sara na din. Mukhang mabilis kumilos ang janitor nila ah! At sa oras pa talaga na iyon.
Hindi na niya malaman ang gagawin, dahil hirap na siyang magpigil. Nilibot niya ang bawat pinto sa building na iyon, nagbabakasakaling may bukas pa na pwede niyang magamit.
Nang akala niya ay nakasara na lahat, sakto nakita niya si Claude na paalis na at isasara na nito ang pinto opisina nito. Patakbo niya nito pinigilan at hinawi para lang hindi nito masara ang pinto, hindi na niya alam kung gaano kalakas ang nagawa niya para maitulak ito. Patakbo siyang pumasok sa CR nito, nakarinig na lang siya ng pagkalabog sa sahig.
Pero hindi na niya ito pinansin dahil sa hindi na talaga niya mapigilan at sasabog na kapag pinatagal pa niya ang pagtitiis niya.
Nang sa wakas ay nailabas na niya ang lahat ng sama ng loob niya, lumabas na siya inaayos pa ang kaniyang uniform. Napahinto siya ng biglang humarang si Claude sa harap niya na punit ang suot nitong coat.
“Anong kalokohan naman iyong ginawa mo?!” galit nitong bungad sa kanya na bahagya pa siyang nagulat dahil sa lakas ng boses nito.
“S-sorry S-sir!” hingi niya ng paumanhin, “hindi ko sinasadya, sobrang tinatawag na kasi ako ng kalikasan e, hindi na pwedeng ipagpaliban pa, baka sumabog ang bulkan,” sabay ngisi dito na lalong nagpa-pula sa mukha nito sa galit.
Halos malamukos nito ang hawak na papel na pinulot nito dahil mukha nabitawan nito nang hawiin niya kanina.
“Hmmp!” tikom ang bibig na tinuro siya nito saka biglang talikod sa kanya at naglakad palayo. Habang hinihimas nito ang balakang na mukhang nasaktan dahil na palakas ang pagbagsak dahil sa ginawa niyang paghawi dito na hindi nito inaasahan.
Napapakamot na lang siya ng ulo na sumunod na lang din dito, dahil siya na lang ata ang maiiwan ‘pag hindi pa siya umalis, baka mapag-sarahan pa siya at maiwan sa loob ng restaurant.