Chapter 29

2058 Words
Kinabukasan pagpasok ni Dana nakita niya ang mga staff na nagkakagulo at nakasilip sa pinto at nakatanaw sa opisina ni Claude. Siya naman ay naki-usiyoso din at nang hahaba ang leeg na tumanaw na rin sa tinitingnan ng mga ito. “Ano ba yang sinisilip n'yo?” tanong niya dahil hindi niya makita kung ano ang tinitingnan ng mga ito. “May bagong dating kasi galing sa head office, mukhang dito na siya maa-assign makakasama ni Sir Claude.” Anito na ngiting-ngiti. “Oh, e bakit ganyan mga reaksyon ninyo kung may bagong dating?” nagtakang tanong niya. “Maganda lang naman kasi ang bagong dating, at mukhang may ugnayan sila ni Sir Claude. Pagdating pa lang kasi e para ng ahas kung makalingkis dun sa isa.” Singit ni Jessie at nginuso ang papalabas na babae na nakalingkis nga kay Claude. Nang makita ang mga ito ay parang may kakaibang siyang naramdaman, at hindi niya gusto iyon, malungkot siyang umalis sa umpukan at nag-ayos na nag sarili para mag start na siyang maghugas ng mga kakailangan sa pagluluto. Ayaw na niyang bigyan ng ibang kahulugan ang nararamdaman niya. Dahil si Clyde lang dapat ang iniisip niya at hindi ang kakambal nito. “Siguro ay na mimiss lang kita, dadaan na lang ako mamaya d’yan.” bulong niya sa sarili. Dahil sa kakaisip niya kay Clyde ay hindi niya na pansin na nakapasok ng pala ang dalawa sa kusina, nagulat na lang siya ng mag-ingay ang mga kasamahan para i-welcome ang bagong dating. “Welcome, Ma’am.” Masayang bati ng mga kasamahan niya. Maarteng kumiti naman ang babae sa mga kasamahan niya, nakayuko lang siya at hindi siya tumitingin dito, dahil ayaw din niya makita si Claude. Napa-angat siya ng ulo ng magsalita ang babae, “Is she part of your team?” maarteng tanong nito na nakataas pa ang kilay at labi nito na tinuro siya na pinatikwas pa ang mga daliri nito. “Yes she is Dana, assistant chef siya dito.” Singit ni Claude, para naman may lumukso sa dibdib niya ng banggitin nito ang pangalan niya. Lihim siyang napangiti. “Sh*t Dana hindi siya si Claude na kilala mo, hindi siya si Clyde,” lihim niyang sita sa sarili. Pagtaas niya ng tingin, sakto na pa tingin siya sa babae, na nakataas ang kilay sa kanya at pailalim siya nito kung tinitigan, saka saka sarkastik itong mgumisi. Hindi na lang niya ito pinansin, “Baka may dalaw,” bulong pa niya sa sarili. “Okay, makinig kayo.” Malakas na sabi ni Claude, “Sa isang lingo ay kailangan ni Chef Siri na bumalik sa Manila, sa head office dahil may kailangan siyang ayusin doon. Kaya si chef Trinna pansamantala ang papalit kay chef Siri.” Paliwanag ng binata. “Bakit Chef, anong gagawin mo doon, iiwan mo na kame?” tanong ng isa nilang kasamahan kay chef na hindi kaagad nakasagot. “Hindi na kailangan pang magpaliwanag sa inyo ni chef Siri dahil ang head office ang may utos n’on.” Maarte sabi ng babae, bigla tuloy nagbago ang mga mukha ng kalalakihan nila sa nakitang ugali nito. Natawa tuloy siya sa nakita niya sa mga mukha nitong sumimangot. “Pffft,” pigil ang kanyang pagtawa, dahil sa disappoinment sa mga mukha nito. “May nakakatawa ba sa sinabi ko Ms. Dana?” masungit at lalo pang itinaas ang kilay na nakatingin sa kanya. “A-ah, wala po.” Aniya na tumingin sa iba. “Simula ngayon ako na ang masusunod dito sa kusina, dahil si Chef Siri ay aalis na dito sa isang linggo, kaya kung ASSISTANT CHEF lang kayo ‘wag kayong masyadong mabilib sa sarili n’yo masyado,” anito na pinagdumiinan ang pagiging assistant niya. “Huwag ninyo akong pagmalakihan kung kahit isang menu wala pa kayong nagagawa. Umayon kayo sa kung anong posisyon ninyo.” Saka ito makahulugang tumingin sa kanya at pinag-cross pa ang braso nito. Napatingin siya kay Claude na walang paki-alam, kahit alam naman ng lahat na para sa kanya ang pasaring ng babae. “Okay,” putol ni Claude sa pagsasalita ng babae, “By the way she is Chef Trish,” pakilala nito sa babaeng dahan-dahan ang ginawang paglikis sa binata kahit nakikita ng ibang empleyado. “Siguro tama na ang pagpapakilala sa akin, mag-asikaso na kayo dahil malapit na tayong magbukas.” Saka muling lumingkis kay Claude na hinatak ito palabas ng kusina. Halos ipagdumikdikan na nito ang dibdib nito sa braso ng binata. “Hay! Mukhang kung ano ang kinaganda ng mukha ng isang iyon, siya naman kina-maldita ah!,” reklamo ng isa niyang kasamahan, napatawa na lang siya at napailing. Nagkanya-kanya na sila ng gawain, siya naman ay nagtungo sa bodega niya para kumuha ng ilang ingredients sa iluluto nila. Nang bigla may nasalita sa kanyang likuran. “Dana,” tawag nito sa kanya, munti pa niyang mabitawan ang dala-dala niya. Paglingon niya ay nakita niya si Chef Siri. “Chef, may kailangan ka ba?” tanong niya dito. “Wala naman,” sabi lang nito at tumingin-tingin na sa mga ingredients. “E ano po ang ginagawa mo dito sa bodega?” “Nakita lang kasi kitang pumasok kaya pumasok na din ako, saka gusto lang kitang balaan.” Sabi nito na kinakunot ng noo niya. “Balaan? Saan? Kanino?” sunod sunod niyang tanong. “Kay Trish, alam ko kasing ikaw ang mapagiinitan niya dito. Iba ang ugali non kung ikukumpara mo sa akin, ako pinapagaitan kita dahil gusto kitang matuto dahil kung hindi ko gagawin iyon hindi ka magiging productive sa trabaho mo.” Anito na patuloy sa ginagawang pagtingin sa mga ingredients. “Paano niyo naman po nalaman iyon?” Huminto ito sa gingawa at tumingin sa kanya, “Malalaman mo din kung bakit ko ito sinasabi, ang akin lang gusto kitang tulungan at balaan na din, dahil lahat ng pinagdadaan mo at napag-daan ko na din.” “Ang mga panlalait ng ibang tao dahil sa size ko, pero anong magagawa ko masarap kumain e. pero sa huli na isip ko na magpapayat dahil sa sarili ko hindi sa ibang tao, tiniis ko para lang maabot ang size kong ito.” saka nito sikat ang sarili. “Sige chef tatandaan ko po lahat ng sinabi ninyo.” Aniya, hindi naman pala ito inis sa kanya. Buong akala kasi niya ay galit ito sa kanya kaya madallas siya nitong pagalitan. “Kaya pagbutihin mo at higit sa lahat mahalin mo ang sarili mo, ‘wag kang kain ng kain dahil sa huli ikaw lang din ang mahihirapan. Kaya kung kaya mo nang masimula baguhin mo na ang size mo.” Sabi pa nito bago lumabas ng bodega. Siya naman ay sinudan lang ito ng tingin. At binilisan na ang ginagawang pagkuha ng mga kailangan nila. Paglabas niya ay makakasalubong niya si Chef Trish, tiningnan lang siya nito mula sa paa pataas, saka ito sarkastikong ngumisi sa kanya. Hindi na lang niya ito pinansin, isa pa wala naman siyang ginawa dito na masama para ganon ang maging turing nito sa kanya. “Dana, may naghahanap sa iyon.” Pukaw ni Jessie sa atensyo niya. “Huh? Ah— sino daw?” takang tanong niya dahil wala naman siyang inaasahang bisita lalo na at oras ng trabaho. “Hindi ko din alam e, nasa katapat na kwarto sa opisina ni Sir Claude.” Anito saka bumalik na sa ginagawa nito. “Salamat Jessie,” ibinaba niya ang mga dala saka pinuntahan ang sinasabi nitong naghahanap sa kanya. Nagtataka siyang lumakad at bahagyang kinakabahan dahil sa kung ano-anong naiisip niya. Pagtapat sa pinto ay agad siyang kumatok muna siya bago pumasok. Na abutan niya ang dalawang lalaki na nakatalikod sa pinto dahil nakaharap ito sa bintana, isang may edad at isang bata. “Ah, excuse me po, may kailangan po ba kayo sa akin? Hanap ninyo daw po ako?” aniya na alanganin pa ang pagpasok niya. Naunang humarap ang matandang lalaki, hindi niya ito kilala kaya nagtaka siya bakit siya hinahanap nito. Saka lang siya napangiti ng humarap ang kasama nito na mas bata. “Kuya Nikko!” Nagtatalon siyang lumapit dito halos ilang buwan na din kasi itong hindi nakaka-uwi sa kanila, at simula ng makakita siya ay hindi na niya ito nakita tanging sa telepono lang sila madalas magkausap. Kaya naman nanibago siya sa itsura nito at hindi ito nakilala noong nakatalikod ito sa kanya. “Oh, dahan-dahan baka lumusot ka sa sahig.” Biro pa nito. Tuwang-tuwa siyang yumakap dito, “Anong ginagawa mo dito?” masayang tanong niya na hindi na pansin ang matandang kasama nito na naaliw na nakatingin sa kanya. “Dana, umayos ka nga hindi ako makahinga, yang braso mo na sasakal ako,” biro ng kapatid niya. Hinampas niya ito sa braso, “Wow huh! Ikaw na payat, baka pigain kita dyan.” Ganting biro niya. “Umayos ka kasi, hindi ka ba nahihiya may bisita?” pagkasabi nito saka lang niya naalala ang matandang kasama nito. “Ay, sorry po!” nahihiyan siyang bumaling dito. “Ayos lang iha, nakakatuwa nga ang pagiging close ninyong magkapatid e.” malambing nitong sabi sa kanya. “Dana siya nga pala siya Mr. Suarez ang CEO ng Suarez Food Corporation.” Pakilala na kapatid niya, siya naman ay napa nga-nga na lang dahil hindi niya inaasahan na makikilala niya ito ngayon. Hindi niya malaman ang gagawin, kung kakamayan ba ito o ano, medyo nahiya tuloy siya sa inasal sa harap nito. Natawa ito sa kanya saka siya hinawakan sa kamay at niyakap, “Huwag kang matarant iha, hindi naman ako kumakain ng tao.” “Lalo na at iakaw ang kakainin, baka may high blood si Mr. Suarez.” Biro ng kapatid niya sa kanya. “Naku, ikaw talaga kuya mapang-asar ka,” isang malakas na hampas sa balikat ang pinakawalan niya na nag-paaray dito. Sakto namang pasok ni Chef Trish na may dalang miryenda, “Dana!” sigaw nito na kinagulat nilang tatlo. At sabay na napalingon sa babaeng sumigaw. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” galit itong bumaling sa kanya matapos nitong maibaba ang hawak na tray. “Hindi mo ba sila kilala, saka ano ba ang ginagawa mo dito?” inis na tanong sa kanya. “Ah! Ms. Trish ayos lang ako—“ ani ng kapatid niya na hindi makasingit dahil sa tuloy-tuloy ang bibig ng babae. “Alam mo dapat kung sino sila, bago ka pumasok dito? Hindi ka ba na orrient?” anito na hindi na siya binigyan ng pagkakataon magpaliwanag, kaya sinenyasan na lang niya ang kapatid na ‘wag na lang ma-ingay. “Si Mr. Vien, siya ang deputy director sa Suarez Food Corporation. At itong makisig na lalaki sa harap mo ang mismo mong CEO ng company na pinatatrabahuhan mo ngayon. tapos ganyang ugali ang ipapakita mo sa kanila.” Anito na nagpapakitang gilas sa harapan ng matanda. “Sorry po, hindi ko po sinasadya.” Hindi niya ng maumahin sa kapatid saka siya bumaling sa matangdang lalaki “Pasensya na po kayo sa inasala ko.” Hingi din niya ng paumanhin dito. Pagtingin niya sa kapatid niya ay nagpipigal ito ng tawa, halatang natutuwa na napapagalitan siya, humanda lang talaga ito pag-umuwi na ito sa kanila. “Hindi mo na kailangan humingi na paumanhin iha,” natutuwa na umakbay pa ang matanda sa kanya. Sa restaurant na iyon, walang nakaka-alam na isa ang pamilya niya sa may share sa restaurant na iyon at dati nila itong pagmamay-ari bago mapunta sa pamamahala ng mga Suarez. Ang alam lang ng mga ito na may kakilala siya sa loob ng Suarez company nagtatrabaho na nag-baker sa kanya para makapasok doon. Sakto namang pasok ni Claude na may dalang mga papeles na nagulat din ng makita siya. “Dana anong ginagawa mo dito?” takang tanong nito. “Aalis na din iyang si Dana,” biglang singit nito at sabay lumingkis sa binata. Napapailing na lang siya sa inasal nito, ang lakas ng loob na pagsabihan siya e, mas malala pa ang ginagawa nitong paglingkis kay Claude at nasaharapan pa ng CEO. “Sige po aalis na ako,” pag-kasabi niya ay nagmamadali na siyang lumabas, palihim na lang niyang sinenyasan ang kapatid pati na ang matanda, tumango nalang ang dalawa sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD