Claude's POV Haayyy!! Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Claude matapos tunggain ang natitirang alak sa hawak niyang baso. Nasa bahay ulit siya ni Rick, no’ng nakaraang araw sa condo naman siya ni Harold, papalit-palit lang sila ng bahay na pinupuntahan at ngayon sa bahay muli ni Rick dahil mag-isa lang naman ito doon. “Ang lalamin ah! Ano na naman ba yang iniisip mo at ang lalim ng buntong hininga mo?” ani Harold saka nito binaba ang hawak nitong pulutan. “Tinanong mo pa, simula lang naman ng umalis si Queen sa Pinas saka nagkaganyan iyan eh!” sabi ni Rick na halos gawing ulam ang kanilang pulutan. “Bro, ‘wag mo namang ubusin iyan, kakaluto ko lang paubos na naman.” Sabay hampas nito sa kamay ni Rick. “At ikaw naman Claude, kung kailang umalis na yung isa saka ka nag

