Dana’s POV Halos habulin ni Dana ang pahinga dahil sa ginawa niyang pagtakbo, kasunod niya ang kaibigang si April. Kasama niya ito sa bahay simula ng dumating siya sa L.A, siya na ang naging kasama nito sa bahay dahil hindi na bumalik si Rona doon at nanatili na lang sa Pinas dahil sa negosyo nila na tinayo. “Grabe ka girl nag-improve na ang pagtakbo mo ah, nahihirapan na akong habulin ka.” Ani April na halos kapusin na rin sa paghinga. “Ikaw naman kasi, sabi ko sayo dalas-dalasan natin ang pagtakbo e, hindi yung lagi ka na lang nakatutok sa libro.” Aniya at tinungga ang hawak na tubig. “Kailan nga pala ang balik mo sa Pinas?” tanong nito saka umupo sa gilid, dahil mukhang hindi na nito kinya ang pagod. “Ayoko pa sana e, Kaya lang si Papa kasi napaka tigas ng ulo ayaw makinig alam na

