Dana's POV Kahit pagod sa byahe si Dana kagabi ay maaga pa din siyang nagising kinabukasan, maaga din siyang kumain dahil sumabay na siya sa kapatid niyang bunso dahil may pasok pa ito sa school ganon din ang kanyang Papa dahil sa kailangan uminom ng gamot nito. Aalis din kasi siya dahil magkikita sila ng dalawa niyang kaibigan, at para na din ibigay ang pasalubong na padala ni April sa dalawa. “Anak, bakit kakaunti lang ang kinain mo, wala ka bang gana?” natong ng Ina na hindi sanay na makita siyang kaunti lang kung kumain. “Hindi naman Ma, may lakad kasi kame nila Rona at Rose, kakain din naman kame mamaya sa labas kaya hindi ko na dinamihan.” Sabay kindat sa kanyang Mama. “Si Mama, parang hindi na sanay kay Ate.” Anang bunsong kapatid niya, nasa third year collage na ito at ilang t

