Claude's POV: Tahimik na pinapanood lang ni Claude ang dalawa niyang kaibigan na tutok na tutok na naman sa pinapanood nila isang personality sa social media. “Ang Cute!” natatawang sabi ni Rick sa pinapanood. “Para silang Aso’t pusa, ako hindi ko magawa yung ganyan sa kapatid ko. Ang hirap biruin no’n lahat ginawang seryoso.” Napapailing pa ito na nakatingin sa cellphone. Habang siya ay iniisip pa din ang pagkikita nila ni Dana, hindi kasi niya makalimutan ang panlalamig nito sa kanya. Halos isa’t kalahating taon pa lang pero parang anlaki na nang pagbabago sa dalaga. Hindi din niya maiwasan ang mag-alala dito dahil sa kalagayan nito, hindi niya maintindihan ang sarili ng makita niya ito sa hotel na iyon, para itong pagod na pagod. Naawa siya dito dahil tuluyan ng hindi bumalik an

