Nakatingin lang si Dana sa kanyang kuya na nag-aantay sa kanya, malapit na itong mainis dahil sa hindi niya nirereplyan ang mga text at tawag nito. naghihintay ito dahil ito ang susundo sa kanya. Hindi kasi niya sinabi dito ang kanyang pagluwas sa Manila, kaya biglaan lang din ang tawag na ginawa niya. Buti na lang din at hindi naman ito busy kaya masusundo siya nito. Pero ayun siya at ginawan pa niya ito ng kalokohan, kahit nakikita niya na naiinis na ito ay hindi pa rin siya lumapit dito. dahil ni isa sa tawag at text nito ay hindi niya sinagot. Hanggang sa medyo lumapit ito sa kanyang pwesto at muli siyang tinawagan. Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone, kaya napalingon ito sa kanya. Kitang kita niya ang itsura nito dahil sa pagkabigla at hindi inaasahan sa kanyang nasaksihan.

