Napapa-iling na lang si Claude sa dalawa niyang kaibigan, simula kasi ng malaman ng dalawa na nandoon na ang madalas nilang pinapanood sa social media, ay madalas nang tumambay doon ang dalawa. “Nandito na naman kayo?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Every other day ko na lang nakikita ‘yang nakakasawa n’yong mukha, wala naman kayong inoorder pero panay ang punta n’yo dito.” Saka sinimangutan ang dalawa. “Bro naman, panira ka ng moment e, hindi naman ikaw ang pinunta namin dito.” Ani Rick na dinaig pa ang babae sa sobrang pagtaas ng kilay. “Oo nga, bumalik ka na nga sa opisina mo.” Singit ni Harold, “ano sa palagay mo hindi kame nagsasawa jan sa pagmu-mukha mo,” singhal nito sa kanya. “Shooo! Alis, hinaharangan mo ang view.” Sabay hawi sa kanya. Sa puwesto kasi ng dalawa makikita a

