Nagising si Dana dahil sa naririnig na ingay sa loob ng kwarto. Dahil sa hindi pa gaanong gising ang kanyang diwa, ay bigla ang pagtayo na ginawa niya dahil sa nagulat at nakalimutan na nasa ospital pala siya.
Nagkamali siya ng tapak, kaya naman natumba siya at hindi na siya na kahawak pa dahil hindi din naman siya nakakakita. Ramdam niya ang sakit nang kanyang pagbagsak sa sahig ng kwarto na iyon.
Narinig niya ang malakas na buntong hininga ng tao na nasa loob na papalapit sa kanya, wala itong salita na hinawakan siya ng mahigpit sa braso. Sa paraan pa lang ng paghawak nito ay alam na niya kung sino ito.
Bakit nandito pa ito? bakit hindi pa rin ito umaalis? Bakit tinutulungan pa siya nito kung labag naman sa loob nito? Mga tanong sa kanyang isip na kahit siya ay hindi masagot.
Nang makaupo sa kama ay agad din itong umalis sa tabi niya. “Sino ka?” agad niyang tanong, na kahit may ideya na siya kung sino ito ay gusto pa rin niyang makasigurado.
“Sino ka?” ulit niya, “Si Clyde o si Claude?” pero mukhang hindi siya nito naririnig o ayaw lang talaga siyang sagutin.
Tumayo siya at kinapa ang kanyang lalakaran, hanggang sa mabunggo niya ang isang bulto ng lalaki. Kinapa niya ito at pilit na kinikilala kung sino ito, baka kasi may ibang tao pa bukod dito. Si Claude nga! sa isip niya at agad siyang umatras, dahil baka magalit na naman ito sa ginawa niya pero sa pagtataka niya ay wala itong naging reaksyon.
Isa pa na lilito na din siya, bakit pinipilit nitong sabihin na siya si Claude, pero ang pinapakitang ugali nito ay ugali ni Clyde.
Niloloko lang ba siya nito? Pero bakit naman siya bibiruin ng ganoon nang binata, maliban na lang kung si Clyde ito at pinapasakay lang siya nito bilang si Claude, pero bakit? Bakit lumabas na naman ang isa pa nitong katauhan, ang akala niya ay magaling na ito?
Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman niya, mahihiya dahil sa nakikita nito ang kalagayan niya, maiinis siya sa sarili dahil sa nasabi niya na sana ito na lang ang nawala at hindi ang mabait na si Claude, mukha tuloy siyang tanga dahil isang tao lang naman ito.
“Sino ka ba talaga, ikaw ba si Clyde o si Claude?” tanong niya, “Sorry pala kanina, dapat hindi ko sinabi iyon, si Claude ka man o si Clyde hindi ko dapat na sinabi iyon, sorry!” hingi niya na paumanhin dito, pero tanging buntong hininga lang ang narinig niya mula dito.
“Ano— uhmp... ano ba ang dapat kong itawag sa iyo?” tanong na lang niya para lang magkaroon ng ingay sa loob ng kwarto na iyon, kasi pati ingay sa kabilang kwarto naririnig na niya dahil sa sobrag tahimik nila.
“Ikaw ang bahala kung ano man ang gusto mong itawag sa akin,” malamig nitong sagot.
“Sabi mo ikaw si Claude, kaya Claude na lang ang itatawag ko sa iyo, kahit ibang-iba ka sa Claude na nakasama ko. Sabi mo din kung hindi lang dahil sa taong nakiusap sa iyo, wala ka dito—.” hindi na niya maituloy ang sasabihin niya kasi pakiramdam niya ay tumatagos ang titig nito sa kanya kahit hindi niya ito nakikita.
Akala niya ang may sasabihin ito kaya napahinto siya sa pagsasalita, pero nang hindi ito nag salita ay tinuloy niya ang sinasabi dito.
“Hindi mo kailangan na pumunta dito kung naki-usap sa iyo ang pamilya ko, kung pinakiusapan ka man nila Papa at Mama, hindi mo sila kailangang sundin. Isa pa tanggap ko naman na, huwag mo nang pilitin ang sarili mo kung ayaw mo.” Pero sa totoo lang ay gusto na niyang umiyak, sa tagal niyang hindi ito nakita, ay miss na miss na niya ito.
Kung kailan naman na magkikita sila saka naman siya na aksidente, baka nga nagtatampo ito sa bigla niyang pag-alis ng araw na iyon kaya ganito ang kinikilos ng binata.
Tapos ngayon na kasama niya ito, ganitong ugali naman ang pinaparamdam sa kanya. Hindi niya alam kung paano muling bubuksan ang usapan dahil ramdam niya na ayaw nitong makipag-usap sa kanya.
Ang dami niyang tanong sa binata na hindi niya matanong dahil mukhang ayaw nitong kausap siya.
Sobrang tahimik nilang dalawa ng pumasok sa magulang niya. Pagpasok pa ng ng mga ito sa kwarto at ramdam na niya ang saya ng mga ito.
“Dana, anak! May good news kame ng Papa mo!” sabi agad ng Mama niya na sa pakiramdam niya ay kaka-lagpas pa lang nito sa pinto.
“Tama ang Mama mo, anak.” Ramdam niya ang excitement ng mga ito.
“Ano naman iyon?” na excite na rin niyang tanong.
“Take a wild guest?” pabirong sabi pa ng kanyang kuya na hindi niya naramdaman na nasa loob din ng kuwarto, “Bro nandito ka pala, kamusta?” tanong nito kay Claude.
“Ano nga iyon? Pahulain pa talaga ako e,” naiinip niyang sagot. Wala din naman kasi siya sa mood makipag biruan.
“Anak, meron na kameng nakitang donor mo,” tuwang-tuwa nitong sagot.
“Talaga po! Sino po iyon?” tanong niya.
“Hindi din namin alam, at saka ayaw ipaalam ng pamilya kung sino ang magiging donor mo. Tinawagan lang din kame na meron ka nang donor, kaya naman agad kaming nagpunta dito para ibalita sa iyo.” anang Mama niya.
Gusto niyang sumigaw at magtatalon sa tuwa, pero na patigil siya dahil nagsalita ang Papa niya.
“Iho, are you okay? May problema ba?” may pag-aalala sa tono nito.
“Ayos lang ako Tito, sige po aalis na din ako.” Paalam nito, pinigilan pa ito ng kanyang Mama, pero mukhang ayaw na din nitong magpa-pigil
“Ano kayang nangyari sa batang iyon, anak, ano ba’ng nangyari dun sa kaibigan mo? Para siyang naiiyak kanina.” Tanong nang kanyang ama.
“Hindi ko din po alam, Papa.” Sabi na lang niya kasi wala din naman siyang ideya, kung bakit?
“Baka pagod lang yung tao,” singit ng kapatid niya.
“Siguro nga, at ikaw din Dana mag pahinga ka na kasi sa isang araw na din ang operasyon mo, ‘wag mong hayaang mapagod yang mata mo.” Ani ng kanyang Mama saka siya inalalayan makahiga sa kama.
“Si Terence nga pala, bakit hindi siya nagpupunta dito? Ayaw nya ba akong dalawin,” kunwari nagtatampo niyang tanong.
“Anak, busy lang ang kapatid mo sa pagrereview sa susunod na school year, kailangan niyang mag-review sa entrance exam niya, alam mo naman iyong kapatid mo na iyon. Saka nandito naman kame, kaya hindi mo na kailangan pang magtampo.”
“Tama ang Mama mo anak, ‘wag ka nang magtampo pa sa kapatid mo,” singit naman nang Papa niya.
“Hindi naman po ako, tinanong ko lang naman po. Huwag po kayo masadong mag-overthink.” Ngumiti na lang siya sa mga ito.
Maya-maya ay pumasok ang kanyang kuya na hindi niya namalayan na lumabas pala.
“Ano anak, nahatid mo ba nang maayos ang kaibigan nitong kapatid mo?”nagulat naman siya sa tanong ng Papa niya.
“Ano ba ang problema ng kaibigan mo, kasi ang lungkot-lungkot non, mag-a-apat na araw na din simula ng magpunta siya dito, at lagi kang binabantayan.” Mas lalo naman siyang nagulat sa sinabi ng kanyang kuya.
Wala kasi siyang idea na laging nandoon ang binata at hindi niya alam kung bakit ito malungkot.
“Hindi ko dain mo kasi alam, hindi din naman po siya nag-kwento.” Sagot niya.
“Tama na iyan, hindi naman natin mapipilit ang isang tao na magsabi kung ayaw nito. At ikaw, Dana, magpahinga na. kailangan mo magpalakas.”
“Sige Ma, umuwi na din po kayo kaya ko naman na ang sarili ko e.” pagtataboy niya sa mga ito.
“At paano naman na sabi na kaya mo mag-isa e, wala ka ngang katulong tapos bulag ka pa.”
“Ma, kabisado ko na ang lugar dito, basta iwan nyo na lang kakailanganin ko.” Pwede ninyo na akong iwan.” Pagtataboy niya sa mga ito.
Gustong-gusto na niyang umiyak, nahihiya lang kasi siya sa nga ito. dahil baka magalala pa ang mga ito at masira niya ang mood.