Nakailang katok na ang kanyang Mama sa kwarto niya, ngayon naman ay ang kanyang Papa ang kumakatok, hindi niya alam pero pakiramdam kasi talaga niya ay wala na siyang pag-asa.
“Anak, buksan mo itong pinto. Hindi ka ba nagugutom? Halika na kumain ka na,” patuloy ang pagkatok nito habang tinatawag siya. “Buksan mo na itong pinto ng maalalayan kita sa pagbaba mo.”
Sobrang lungkot na rin nang nararamdaman niya, natapos ang kanilang graduation ng hindi siya naka-attend, kahit pwede naman siyang pumunta, kaya lang ayaw niya ang pakiramdam na inaalalayan siya na parang wala ng kwenta.
Hindi ko kasi matanggap na sa ganito ako hahantong, ang maging alagain at pabigat sa pamilya, literal na nga siyang mabigat, pati ba naman sa lahat nang gawain sa bahay ay pabigat na rin siya, oo ngayon medyo bumaba ang timbang niya, pero ganoon pa din hirap pa rin siya sa pagkumilos, kaya lalo lang siyang nakakaramdam ng pagiging walang kwenta.
Wala siya maiambag sa pamilya, gumagastos pa ang mga ito sa kanya, lalo at wala na sa kanila ang negosyo nila, maliit na nga lang nawala pa dahil sa kanya, at ang masakit pa doon ay nililihim ito ng pamilya niya sa kanya, dahil nag-aalala ang mga ito dahil baka sisihin daw niya ang sarili sa nangyari.
Pero totoo naman talaga na kaya nawala sa kanila ang retaurant nila ay dahil sa pagpapa-gamot niya.
Nagtalukbong siya at hindi pinansin ang tawag ng kanyang ama, ilang araw na siyang ganoon, alam naman niya na nag-aalala lang sa kanya ang kanyang pamilya, kaya lang wala kasi siya sa mood na kumilos, gusto lang niyang humiga maghapon, hindi na nga siya nakakaramdam ng gutom e.
Kaya talagang nag-aalala ang pamilya niya sa kanya, ang madalas lang niyang gawin ay uminom, kahit dinadalan siya ng pagkain sa kwarto ay hindi din naman niya ito nakakain, dahil wala siyang gana, idagdag pa na naiisip n’ya si Claude na halos dalawang linggo nang walang paramdam, ni ha... ni ho, wala!
Kaya naman lalo lang siyang nalulungkot pag-naalala ang binata. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na siya, muntik pa nga siyang mapatalon dahil sa nagising siyang madilim.
“Huh! Ikaw talaga Dana, nagulat ka pa talaga. kung hindi ka rin naman talaga tanga e. gumising ka na sa katotohanan na bulag ka at wala ng pag-asa.” Galit na sabi niya sa kanyang sarili. Napangiti pa siya ng pilit. Saka kinapa ang kanyang lalakaran.
Tumayo siya at dahan-dahang hinakbang ang kanyang mga paa ng bigla na lang siyang nawalan ng balanse saka parang bola na gumulong dahil sa napatid siya sa kung saan at hindi niya malaman kung ano iyon dahil hindi nga siya makakita.
Hindi niya magawang tumayo dahil nahihirapan siya bukod sa wala siyang lakas dahil sa hindi niya pagkain ng maayos. Nanginginig ang tuhod niya, tumagilid muna siya at pinipilit na makatayo, pero na bubuwal lang siya.
Dahil sa frustration na kanyang nararamdaman ay malakas niyan hinampas ang kamay sa sahig, pakiramdam niya ay mapuputol ang daliri niya sa lakas ng paghampas niya, at hindi na rin niya napiilan ang nararamdaman, ang depression niya sa kalagayan niya, kaya naman ubod lakas siyang sumigaw dahil pakiramdamniya ay sasabog na ang puso niya dahil sa mga emosyon na pilit niyang tinatago huwag lang mag-alala ang pamilya niya.
Umiiyak siya habang sumisigaw, nag-wawala at pilit na tumatayo kahit hirap na siyang makabango, hanggang sa pakiramdam niya ay hinihila siya ng anatok, at naririnig ang tawag ng kanyang Mama at Papa.
“Nikko, anak tumawag ka nang ambulansya, bilisan mo!” natataranta nang sigaw na din ng kanyang Papa.
“Bakit anong nangyari dito?” sa tono pa lang ng kanyang kuya ay halata din dito ang pagkagulat.
“Anak, ano ba kasing nangyari sa ‘yo?” naiiyak na ang kanyang Mama.
Hihikbi-hikbi na lang siya at hindi magawang magsalita, ang bigat ng pakiramdam niya, ang puso niya na parang pinipiga dahil sa mga sama ng loob na sinarili lang niya para hindi mag-alala ang kanyang pamilya.
Ipinikit niya ang kanyang mata, tutal wala din naman siyang nakikita e, at tuluyan na nga siyang nawalan ng malay. At nang magkamalay siya, alam niya na nasa ospital siya kahit hindi niya ito nakikita, dahil sa mga gamot na naamoy niya.
Pero bukod doon may ibang presenya siyang nararamdaman na nasa kwarto.
“S-sino y-yan?” na nginginig pa ang kanyang boses dahil sa medyo nanghihina pa siya.
Pero hindi ito nang salita, “May tao ba d’yan,” sabi pa niya pero wala talaga siyang makuhang sagot.
“Na papraning ka na talga Dana, kung ano-ano na talaga ang na raramdaman mo.” Kausap niya sa kanya sarili.
Pero natahimik siya, dahil pinakiramdaman niya kung sino ang kumikilos sa loob ng kwartona iyon, bukod sa kanya ay wala naman ng iba ang nandoon e, kasi kabisado niya ang amoy ng kanyang pamilya, isa din kasi sa nagbago sa kanya ay lumakas ang other sense niya.
“Sino yan?” nang tuluyan na niyang napatunayan na may tao nga sa loob ng silid na iyon, dahil sa mga sense nito.
“B-bakit ayaw mong magsalita?” kinakabahan na siya na baka kung sino na ito. pinilit niyang maka-tayo, pero bigla siya nitong pinigil.
“Kung hindi mo kayang tumayo, huwag mo nang pilitin!” malamig ang tono nito na pinukol sa kanya.
Napadiretso naman siya nang upo, nang marinig itong nagsalita.
“C-claude?” nanginginig ang boses niya, nang tanongin niya ito. gusto kasi niyang makasigurado.
Pero hindi na ito muling nagsalita, pinilit niyang tumayo upang hawakan ito, kinakapa at hinahanap niya ito sa kawalan ng mapatid siya sa paanan ng hospital bed, pakiramdam niya ay tuluyan na siyang tatama sa sahig ng biglang may malakas na braso ang humawak sa kanya.
“Bakit ba kilos ka pa ng kilos? Alam mo naman sa sarili mo na hindi ka nakakita, pero pinipilit mo pa rin na gumalaw-galaw, hindi mo ba alam na madami kang napeperwisyo?” galit at malamig na boses nitong na sabi kanyang.
Ayaw na sana niyang pansinin ang ginawi nito sa kanya, pero na isip niya kung anoang nangyari bakit sa Cylde na ulit ito.
“I-ikaw sa C-claude diba?” nag-aalangang tanong niya, pero hindi ito sumagot.
“C-clyde?” tanong niyang muli.
“P’wede ba itigil mo na ang pagtawag mo sa aking Clyde dahil hindi ako si Clyde!” galit na hinawakan siya nito sa braso, oo mataba siya pero lalaki ito at mas malaking tao pa rin ito sa kanya. Kaya naman na saktan pa rin siya sa higpit ng paghawak nito sa braso niya.
Tiniis niya iyon, pero dahil hindi niya nakikita ang itsura nito, hindi niya alam kung nahalata nito ang pag-inda niya sa mahigpit na paghawak nito sa kanyang kamay. Kaya medyo lumuwag ang paghawak nito.
“Kung hindi ikaw si Clye, bakit ganyan ang pakikitungo mo sa akin?” tanong niya habang hawak ang braso na nasaktan. Pero hindi ito sumagot sa kanya.
Nalulungkot siya dahil, mukhang wala si Claude at si Clyde ang kasama niya, ano kaya ang nangyari bakit lumabas na naman ito.
“Clyde, please sabihin mo sa akin, anong nangyari? bakit wala si Claude?” hindi niya mapigulan na tanungin niya ito, kahit alam niya namagagalit ito dahil sa tanong niya.
Napa-atras siya, dahil naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya, hanggang sa malalaking kamay ang humawak sa balikat niya at mahigpit nitong hinawakan iyon, hindi na niya napigilan at napa-daing na siya, marahas siya nitong pinaupo sa kama.
“Ito lang ang tatandaan mo, hindi ako si Clyde, ako si Claude. At kung hindi dahil sa may nakiusap sa akin hindi ako pupunta dito para lang alagaan ka.” Galit na sabi nito saka binitawan ang pagkakahawak nito sa balikat niya, “Mabigat ka na nga, pabigat ka pa.” ramdam niya ang galit nito sa kanya.
Nasaktan siya sa sinabi nito, hanggang ngayon ba naman? Ganito pa din ang pakikitungo nito sa kanya, saka hindi naman nito kailangang ipamukha sa kanya dahil alam niya iyon. Alam niya na pabigat na siya sa pamilya at maging sa ibang tao.
Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. “Kung hindi ikaw si Clyde, bakit ikaw pa ang nanatili, nasaan na ang sweet at ang mabait na si Claude!” sigaw niya at hinahampas sa hangin ang kanyang kamao, tamaan na kung sino ang tatamaan. Bahala na basta ang gusto niya masaktan niya kung sino man ang lalaki na iyon na kausap niya.
“Umalis ka na dito, ibalik mo si Claude, iyong mabait at hindi ikaw. Umalis ka... umalis ka na!” nagsisigaw na siya.
Bigla naman nagsi-pasukan ang sa pakiramdam niya ay nurse at doctor. Kasunod niyang narinig ang boses ng Papa at Kuya niya.
“Anong nangyayari dito?” gulat na tanong ng kanyang kuya ,“ Dana huminahon ka, hindi mo ba siya nakikilala? Siya yung kaibigan mo na dadalawin mo dapat.”
“Hindi siya ang kaibigan ko, ayoko sa kanya umalis ka na!” sigaw niya, simula kasi ng mabulag siya ay naging emosyonal na siya, hindi tulad dati na, nagagawa pa niya itong sabayan sa kasungitan nito. Pero ngayon sobrang nasasaktan talaga siya.
“Iho, pasensya ka na. iwan mo muna kame, intindihin mo sana ang anak ko,” narinig pa niyang hingi ng pasensya ng kanyang Papa.
“Pa, bakit ka hihingi ng pasensya sa kanya, wala ka naman kasalanan. Paalisin mo na lang siya Pa,” nagwawala na talaga siya.
At nangmaramdaman na lang niya, ang unti-unting pagbigat ng kanyang mata, alam niyang tinurukan siya ng pampakalma, dahil nga sa nararamdaman niyang galit at the same time panghihinayang, dahil sa ibang si Claude ang dumating at hindi ang sweet, caring, at mapagmahal sa kanya.