Chapter 19

1390 Words
Ilang araw nang hinihintay ni Dana si Claude, nag-aalala kasi siya na baka nagalit ito sa kanya dahil basta na lang siyang umalis nang hindi nagpapalam dito. Bigla kasing sumulpot ang kuya niya at basta na lang siyang pinilit na umuwi kahit anong sabi niya na may kasama siya ay hindi siya nito pinakinggan. Kaya naman inis na inis siya sa kapatid niya, kaya tuloy hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita si Claude sa kanya, wala rin itong tawag o text man lang— hahaha text hindi nga pala siya nakaka-kita. “Baka talagang nagalit siya sa akin ah!” nag-aalala niyang sabi sa sarili. Nasa harap siya nang kanilang bahay at nagpapahangin, nang marinig niya ang mga paparating na kaibigan. “Beshy!” narinig niyang tawag ni Rona sa kanya, kaya binaling niya ang kanyang ulo sa pinanggalingan ng boses nito. “Kamusta ka naman?” Tanong ni April na nakalapit na sa kanya. Ngumiti siya sa mga ito bago sumagot, “Maayos naman, napadalaw kayo?” “Beshy, dito.” Na pinaling ni Rose ang kanyang ulo, “Ayan, dito ka lang tumingin kasi wala kame doon sa nililingon mo, hihi” biro nito. “Kahit kailan baliw ka talaga, Rose.” Sabi na lang niya dito, na-miss din talaga niya ang kakulitan ng mga ito, kaya lang mukhang matagal pa bago niya makitang muli ang mga ito. “Hala beshy, bakit naman bigla kang nalungkot. Huwag kang mag-alala kasi lagi ka naman naming dadalawin e, lakasan mo lang ang loob mo pasa-saan ba at makakakita din tayo ng donor mo. Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa.” Sabi ni Rose na katabi niya at hinaphalos ang kanyang likod. Hindi naman iyon ang dahilan niya e, ang kinakalungkot at kinakatakot niya ay ang hindi na niya muling makita si Claude, hindi din naman niya magawang sabihin sa mga kaibigan niya dahil baka magalit na ang mga ito sa kanya, ilang beses na din kasi siyang pinag-sabihan ng mga ito na itigil na niya ang kahibangan niya sa binata. Pero anong magagawa niya, ayaw ng puso niya. Ilang beses na rin naman niyang pinigil kaso ayaw magpapigil e. Haist!!! “Ang lalim besh ah!” ani April na naramdaman na din niya ang paglapit nito. “Pero diba Dana, sabi ng Papa mo na meron ka nang donor?” Pagkukumpirma ni Rona sa kanya. Napangiti naman siya sa sinabi nito, dahil kahit siya ay excited na din sa magiging operasyon niya. “Oo, sa isang linggo na iyon,” sibi niya na halata sa boses niya ang saya. “Kaya beshy, tiwala lang kasi isinasama kita parati sa dasal ko.” “Salamat Rose ah! Salamat sa inyong tatlo, kung hindi dahil sa inyo ay baka na depress na ako dahil sa sitwasyon ko. Buti na lang talaga at nandiyan kayo.” Aniya at naramdaman na lang niya na niyakap na siya ng mga kaibigan. Kaya lang nakakalungkot lang isipin na, naka-dagdag pa siya sa alalahanin nang pamilya. Alam niya kung ano ang kinakaharap nila ngayon, malungkot siya dahil ang matagal nang pinaghirapan ng kanyang magulang na maitayo ang kanilang restaurant, at ngayon ay basta na lang mawawala dahil sa kanya. At nahahalata siguro ng mga ito ang pagiging malungkot niya kaya pilit tinatago ng mga ito sa kanya. Pero ang hindi alam ng mga ito na matagal na niyang alam na hindi na sa kanila ang restaurant, nasa hospital pa lang siya ay alam na niya. Natuklasan niya ito ng minsang marinig niya ang pag-uusap ng mga ito. kaya naman nahihirapan siyang tanggapin na dahil sa kanya ay mawawala lang sa walang ang pinaghirapang ng mga ito. Nasa labas ang pamilya niya noong time na iyon, akala ng mga ito ay tulog siya kaya hindi na hininaang mga ito ang kanilang tinig. Sakto naman na nagising siya, at narinig ang usapan ng kanyang pamilya. “Huhuhu! Paano na ang operasyon ni Dana, saan na tayo niyan kukuha ng pera? Malaking halaga din ang kakailanganin natin.” Umiiyak na sabi ng kanyang ina. “Huwag kang mag-alala mahal, nakausap ko na ang mga Suarez, handa naman daw nilang saluhin ang restaurant, isa pa tayo pa din ang mamahala nito. Kaya huwag ka ng mag-alala dahil may awa ang panginoon, makaka-alis din tayo sa sitwasyon natin na ito. “Kaya huwg ka nang umiyak at baka marinig ka pa nang anak mo.” Sabi na kanyang Papa na ikinabigla niya, kaya naman pinigil niya ang sarili na huwag gumawa ng ingay para hindi malaman ng mga ito nagising na siya. “Mama, huwag ka ng mag-alala pa kasi inaasikaso ko na din ang paghahanap ng donor. May dalawa na akong nahanap, pero kailangan pa muna asikasuhin ang ilang mga dokumento, kaya medyo matagal, kasama ng ang consent ng pamilya dahil mukhang hindi alam ng pamilya ng isa sa mga pasyente na nag-apply ang anak nito para i-donate ang kanyang mata. “Kaya Ma, huwag ka nang umiyak dahil baka marinig pa tayo ni Dana, baka ma stress pa yun.” Pag-papahinahon ng kanyang kuya sa Mama nila. Pero ang hindi alam ng mga ito ay naririnig niya ang kanina pang usapan ng mga ito. ayaw niyang gumawa ng ingay dahil baka lalo lang malugkot ang kanyang ina. Pero mas minabuti na lang niya na huwag makagawa ng ingay dahil baka mas lalo lang silang mag-alala sa kanya. Bumalik lang siya at nagising sa malalim na pag-iisip ng magpa-alam ang mga kaibigan na aalis na. *****               Tahimik lang si Dana sa kanyang silid, dahil inaasikaso na ng pamilya niya ang kakailanganin sa kanyang operasyon, kanina pa niya inaantay ang mga ito, pakiramdam niya ay kalahating araw na siyang nag-hintay sa mga ito. Ganoon ba katagal ang proseso, habang tumatagal ay humahaba din ang kabang nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay ang lamig-lamig na nang kamay niya. Hindi din nagtagal ang naramdaman na niya ang pagpasok ng pamilya sa loob ng kanyang kwarto. “Ano po? Kinakabahan na ako,” nakangiti siya sa mga ito kahit hindi niya nakikita ang reaksyon ng mga ito. sobrang excited na siya na kinakabahan sa operasyon niya. Pero sandali lang ang excitement na naramdaman niya at napalitan din agad ng pagtataka, hindi niya alam kung bakit pero simula ng mawalan siya ng paningin ay parang mas lumakas ang kanyang pakiramdam. Kaya kahit hindi magsalita ang mga ito alam niya na may hindi magandang balita ang mga ito, kaya nagsimula na siyang makaramdam ng kaba. “May problema ba?” tanong niya sa mga ito, hindi man niya nakikita ang mga reaksyo ng mga ito, alam niya hirap ang mga itong sabihin kung ano ang problema. Pero hindi pa rin sumagot ang mga ito, tanging buntonghininga lang ang kanyang narinig sa kayang kapatid. “Anong walang gusto magsalita sa inyo?” aniya na pakiramdam niya ay kaunti na lang ay magwawala na siya. Tumalas nga ang pakiramdam niya pero mas naging sensitive na din siya. Kaunting bagay lang pakiramdam na niya ang wala siyang kwentang tao, bukod sa pagiging mataba na nga niya ay bulag pa sila na lalo lang siyang naging walang kwenta, kaya ang bigat sa pakiramdam na wala siyang magawa. “Dana, anak! Huwag ka sanang mabibigla—“ sabi ng kanya Ama na binitin pa siya. “Ano Pa? huwag naman kayong mambitin, sabihin n’yo na agad sa akin, para naman hindi ganito na nakabitin ako sa ere.” Tumataas na ang boses niya dahil sa nararamdaman niyang tensyon. Narinig niyang bumuntong hininga ang mga ito, saka naman nagsalita ang kapatid. “Hindi matutuloy ang operasyon mo ngayon, umatras ang isang donor mo dahil ayaw ng pamilya n’ya, at ang isa naman ay hindi maaaring i-transfer sayo dahil na pag-alaman na may sakit ito na nakaapekto sa mata nito,” paliwanag nito na para bang nagpabagsak sa mundo niya, marami pa itong sinabi pero hindi na niya ito na intindihan dahil napatulaa na siya. “Kaya anak, tatagan mo lang ang loob mo at makakahanap din tayo ng bagong donor mo!” sabi ng Mama niya na nakatabi na niya at saka ito yumakap. Tahimik lang siya, na nakatingin sa kadiliman nang maramdaman niya ang mainit na likido na tumutulo sa kadiliman na nararamdaman niya. Isa pa na nakakalungkot dahil muli na naman niyang naaalala, si Claude. Ilang linggo nang hindi ito nagpaparamdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD