Chapter 18

1625 Words
Ilang araw na ring pabalik-balik si Calude sa bahay nila Dana, nakikita din niya ang pagbalik ng sigla nito at masaya siya para dito, pero kailangan na rin niyang ipaalam dito ang pagbalik niya sa America, humahanap lang siya ng tyempo. “Claude ikaw ba iyan?” masiglang tanong nito na habang naka-upo sa bakuran nila. “Oo, anong ginagawa mo dito sa labas?” “Gusto ko lang lumanghap ng sariwang hangin, ilang araw na din naman kasi akong hindi lumalabas e.” masayang sabi nito. “Anong meron ang saya natin ngayon ah!” masaya niyang tanong dito. “Oo nga pala, may good news ako sa iyo, may donor nang nakita sila Mama,” tuwang-tuwa nitong balita sa kan’ya, masaya din naman siya sa balita nito. “Magandang balita nga iyan, masaya ako para sa iyo.” masayang lumapit siya dito at inalalayang makatayo. Ibinilin ito sa kanya nag magulang nito kaya balak niya na malakad-lakad lang muna sila. “Saan tayo pupunta?” takang tanong ito. “D’yan lang sa tabi-tabi para naman ma-excerse ka na din.” Aniya habang inaalalayan ito. Naglakad-lakad sila hanggan sa mapadaan sila sa bookstore kung saan sila madalas magpunta. “Nasaan na tayo?” anito na hindi mapakali sa kakatanong sa kanya. “Nasa bookstore tayo, tara pumasok tayo.” “Nami-miss ko nang magbasa, pwede mo bang hanapin iyong favorite book ko, tapos basahin mo sa akin?” anitong nakaharap sa ibang direksyo habang nakikiusap, natawa naman siya dito. “Ano pinagtatawanan mo na naman ako?” sumimangot naman ito. “Kanino ka ba kasi nakiki-usap e wala naman ako d’yan.” saka niya ito hinarap sa kan’ya, “Halika muna at maupo ka, ano ba ang title ng books na gusto mo?” tanong niya ng makaupo ito. “Hanapin mo iyong, I never leave you by Ms. Nabi,” excited nitong sabi sa kan’ya, masaya naman siya sa nakikita sa dalaga. “Okay, sandali at hahanapin ko lang.” “Makikita mo iyon sa ikaapat na shelves, pangatlo sa level na kasunod ng fantasy books, black ang book cover niya.” Napapailing naman siya na parang naka-kakita ito sa paaraan ng pag-discribe nito dahil kabisado na ata nito ang lahat ng libro doon. “Sigurado ka bang hindi ka na kakakita?” biro niya dito. “Tsk... bilisan mo na, hindi ko pa kasi tapos basahin iyan e.” pagmamadali nito. “Opo, ito na po.” Aniya nang makita ang hinahanap at bumalik sa kinaroroonan ng dalaga. “Tungkol saan ba ang story ito?” usisa niyang tanong dito. “Tungkol iyan sa isang babaeng may sakit, at hindi niya masabi sa kanyang mahal kung ano ang sakit niya, dahil natatakot siya na kung hindi siya gumaling ay maiwan niya ang lalaking mahal niya nag-iisa, kaya naman gumawa siya ng paraan para magalit ang lalaki sa kanya at ito na ang tuluyang lumayo. “Malungkot nga e, pero huli nalaman ito ng lalaki at gumawa ito ng paraan para matulungan ang babaeng mahal niya, pero huli na ang lahat dahil lumala na ang sakit nito.” Anang dalaga na nalungkot din sa pinatunguhan ng kwento. “Tapos, ano nangyari sa kanila?” tanong niyang muli dito. “Hindi ko pa alam kasi hindi pa din ako tapos e, kaya baka pwede mong mabasahin para sa akin.” Paki-usap nito. “Sige, anong chapter ka na ba?” “Hindi ko sigurado e, kung chapter 29 o 30 basta doon na ako sa nagpapaalam ang babae sa lalaki.” Hinanap naman niya ito. “Halimbawa, nangyari sa iyo ang kwento na ito anong gagawin mo?” “Alin sa bahagi ng kwento?” balik nitong tanong. “Doon sa may sakit ang babae na hindi niya masabi sa lalaki ang totoo dahil na tatakot siyang maiwan itong mag-isa at hindi alam kung makakasama pa silang muli?” aniya na matamang tinitigan ang dalaga at hinihintay sa magiging sagot nito. “Hindi ko masasabi kasi iba-iba naman kasi ang ugali ng tao e, pero kung matapang ka siguro ang pipiliin ko na sabihin na lang, kasi kung sakali nga na hindi na sila muling magkita hindi ba mas maganda na makasama mo siya sa mga natitira mo pang oras.” Sabi nito na nagkibit-balikat, “Ikaw? Kung sa iyo iyan mangyayari, ano ang gagawin mo?” “Ako, sa tingin ko gagawin ko din ang ginawa ng bidang babae na huwag na lang sabihin sa taong mahal niya.” Aniya na parang nakikita ang sarili sa bidang babae. “Bakit naman, hindi ba na parang ang unfair naman doon sa lalaki na wala siyang alam, naiiwan siya ng taong mahal niya na wala siyang ideya kung bakit, basta na lang itong nawala na walang kahit na anong paliwanag, na iniwan siya sa ere ng taong pinakamamahal niya.” Sabi nito na parang makikipag-away na sa kanya. Natawa naman siya dito, “Hindi ba mas magiging selfish ang dating nang bidang babae, kung hahayaan niya na manatiling nakahawak sa relasyon nila ang lalaki, kahit na alam niya na maiiwan din naman niya ito. Hindi ba mas okay na makahanap ito nang tao makakasama niya sa pagtanda at hindi mananatiling nakakapit sa pagmamahal nila sa isa’t isa. “Sa tingin ko kasi na mas madaling mag-move on ang taong nasakatan kaysa sa taong nanatiling nakahawak sa kanilang nakaraan at masaya nilang pagmamahalan. Saka sa tingin ko mapapatawad din naman siya nito, ang importante ay hindi ito manatiling mag-isa, kung sakaling mawala man siya sa feeling nito.” Saka siya malungkot na tumingin sa dalaga. Natahimik naman ito, “Sige na basahin mo na iyan sa akin,” pagbabago nito ng usapan. Hinawakan niya ang kamay ito at inabot dito ang libro, “Mas maganda kung ikaw mismo ang babasa niyan, kapag maayos ang operasyon mo, basahin mo iyan para ikaw mismo ang makaalam kung ano ang totoong nangyari sa kwento. Iyan ang gawin mong goal para mas lalo kang mapursigi na gumaling. Kapag ayos na ang lahat, sabay natin iyang babasahin, kaya itabi mo na iyan.” Saka niya ito inalalayang tumayo at dinala sa counter upang bayaran ang libro. “Promise mo iyan, huh!” saka ito nag pinky swear. “Promise,” sabi din niya. Matapos mabayaran ang libro ay niyaya niya itong kumain sa convinient store sa tapat ng bookstore na iyon. “Anong gusto mo?" tanong niya dito. “Tulad na lang nang dati nating kinakain,” nakangiting nitong sagot sa kanya, siguro ay naalala nito iyong una nilang pagkikita. Napangiti naman din siya ng maalala ito. “Sige hintayin mo lang ako diyan, babalik ako agad.” Agad naman siyang pumasok sa loob at bumili nang pwede nilang makain. Kukuha sana siya ng noodles pero naalala niya na mas gusto nito ang pizza at chicken kaya bumili na lan siya nang maiinom nila at bibili na lang siya nito, meron naman nagtitinda sa malapit lang. “Hintayin mo lang ako dito ah, pizza na lang at chicken ang bibilin ko. Babalik ako agad.” Sabi niya dito at nagmamadaling umalis. Habang nakatayo siya at hinihintay niya ang kanyang order nang pakiramdam niya ay umikot ang buo niyang paligid, nahihirapan din siyang huminga na parang pinipiga ang kanyang puso. Napatingin siya sa dalaga na hindi naman kalayuan sa kinaroroonan niya kung saan niya ito iniwan. Nanginginig ang kanyang tuhod at pinipilit niya ang sarili na tumayo para puntahan ang dalaga, hanggang sa tuluyan na siyang mapaluhod, pilit niyang kinuha ang kanyang cellphone at pilit na inaaninag ang numero ng kanyang kapatid saka n iya ito tinawagan. Buti na lang at sinagot nito agad. “Hello! Bro may kailangan ka?” bungad nitong tanong sa kanya pagkasagot pa lang nito sa tawag niya, per hindi agad siya nakasagot dahil pilit niyang hinahabol ang kanyang hininga. “Hello bro!” anito na halata na sa boses nito ang pag-aalala. “Nasaan ka ngayon?” “S-si d-dana— sa bookstore—.” Iyon lang ang kanyang nasabi at tuluyan na siyang nawalan ng malay. Pagdilat nang kanyang mata ay nasa hospital na ulit siya, madami na namang aparato ang mga nakakabit sa katawan niya. Tinanggal niya ang oxygen na nakakabit sa kanyang bibig, ginala niya ang kanyang paningin sa loob ng kwarto na iyon ng pumasok ang kanyang kapatid. Namamaos ang kanyang boses na pilit na nagsalita, “S-si Dana?” tanong niya sa mahinag boses. “Hindi ko na siya naabutan pa, wala na siya sa pwesto niya ng balikan ko siya.” Anito na hindi man lang tumingin sa kanya. Pilit siyang bumangon, pero pinigilan siya ng kapatid niya. “Bro itigil mo na iyang kalokohan mo, bukas na bukas din ay lilipad na kayo nila Mama sa America, naayos ko na din lahat ng papeles mo kaya sa ayaw at sa gusto mo wala ka nag magagawa, lumalala ka na at hindi na pwede pang ipagpaliban iyan.” Hindi naman siya makapalag dito dahil nang hihina siya kaya wala siyang nagawa kundi ang bumaik sa pagkakahiga. “Hindi man lang ako nakapag-paalam sa kanya ng maayos kan’ya,” maungkot siyang tmingin sa kapatid. “Pwede ba akong humingi nang pabor sa iyo, huli na talaga ito.” aniya na nanghihina pa rin kaya medyo mahina din ang pagkakasabi niya dito. Sinenysan niya itong lumapit para ibulong na lang dito ang kanyang gusto sabihin. “Saglit lang at kukunin ko lang, diyan ka lang huwag kang aalis,” utos nito, kahit naman hindi nito sabihin ay hindi din naman siya makaka-alis dahil naghihina siya e. pagbalik niyo ay dala-dala na nito ang hiningi niya. “Maaari ba na lumabas ka muna?” aniya sa kapatid na walang salita na umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD