“Magandang umaga ho!” bati nito Claude sa magulang ni Dana, “Si Dana po, kamusta na po siya?” tanong niya sa mga ito bahagya pang nagulat sa pagbisita niya, hindi kasi inaasahan ng mga ito ang pagdating niya.
“Nasa kwarto niya siya, tuloy ka.” Sabi nang mama nito na niluwangan ang pinto upang makapasok siya.
“Oh! Hijo, Napadalaw ka? Kamusta naman ang pakiramdam mo, kailan ka pa nagakalabas ng hospital?” Tanong naman ng Papa ni Dana.
“Maayos na po ako, kahapon lang po ako lumabas. Gusto ko din po kasing madalaw si Dana dahil hindi ko iyon nagawa noong nasa hospital ako,” bahagya siyang nalungkot na sabi niya.
“Ayos lang iyo hijo, tutal nandito ka na din maaari ba kaming humingi na maliit na pabor sa iyo?” anang Mama ni Daya sabay hawak sa kanyang kamay.
“Sige po, ano po ba ang maitutulong ko, para o kay Dana wala pong kaso sa akin,” nakangiti niya sagot dito na nagpaaliwalas sa mukha nito.
“Salamat sa iyo, simula kasi nang lumabas siya ng hospital ay naging matamlay siya, kahit ang mga kaibigan niya ay walang magawa, ayaw niyang kumain o kahit lumabas sa kanyang kwarto ay ayaw na rin niya, alam namin na na-dedepress siya sa kalagayan niya ngayon, pero kailangan pa rin niyang magpalakas. Kaya hijo, baka matulungan mo kame sa sitwasyon niya ngayon?” pakiusap ng mama nito sa kanya.
Bigla naman silang napatingin sa taas nang may marinig siya sigaw at napasag na bagay.
“Ate!” sigaw ng batang lalaki, malamang ito ang bunso nito kapatid, “Paano ka gagaling kung ikaw mismo sa sarili mo ay hindi mo magawang tulungan,” mukhang na-iinis na din ito. mukhang matured na itong mag-isip pero dahil bata pa ay halatang hindi pa rin nito ma control ang emostion dahil na papatulan nito ang kapatid.
“Umalis ka na Tristan, sino ba kasi may sabi sa iyo na gusto kong kumain?” galit ang boses ng dalaga, kaya naman agad kaming napaakyat sa kwarto nito. Pero bago pa man kame makarating ay isang malakas na kalabog ng pinto ang kanilang narinig.
“Trista ano ba ang nangyari?” tanong nang Mama nito nang makasalubong iton nakasimangot.
“Nagwawala na naman si ate, tinapon din n’ya yung pagkain na dinala ko at ayaw na akong papasukin, nasa loob pa iyong nabasag na plato.” Sumbong nito.
Nag-alala naman siya na paka masugat ito lalo na at hindi nito makita ang nilalakaran nito, patakbo at nagmamadali siyang umakyat sa kwarto nito, kasunod ang magulang ng dalaga.
“Dana,” aniya habang kinakatok ang pinto nito, “Dana ako ito, si Claude—, buksan mo ang pinto papasok ako.”
“Umalis ka na, ayaw kitang makita,” sigaw nito at biglang lang tumawa ng pilit, “Paano nga pala kitang makikita e, hindi nga pala ako nakakakita,” saka muli itong biglang sumigaw, narinig na lang nila ulit ang mga nakakabasag-basag nitong gamit.
“Tristan, anak kuhanin mo ang susi, bilisan mo!” nagmamdaing utos nito sa anak.
“Saglit lang Ma,” Nagmamadali naman ito sa pagkuha ng susi.
“Dana... Dana please huminahon ka lang,” bigla namang tumahimik ito sa loob na lalong nagpakaba sa kanila.
“Tristan bilisan mo,” sigaw naman ng kanila ama.
“Opo nandyan na,” pasigaw ng kapatid nito na nagmamadali sa pagtakbo makalapit lang sa kanila. “Ito na Ma,” sabay abot nito sa susi.
Pagkabukas ay nagmamadali silang pumasok sa kwarto ng dalaga, nakita nila itong nakasalampak at tahimik na umiiyak.
“Anak,” nagmamdaling lumapit ang ina nito sa dalaga at ang kasunod siya at ang ama nito. Ang kapatid naman nito ay kumuha ng panlinis upang maalis ang mga bubug na nagkalat sa kwarto ng kapatid.
Lumapit siya sa dalaga, “Dana, ako ito!” aniya na lumuhod sa tapat nito at hinaplos niya sa likod ang dalaga.
Naawa siya sa lagay ng dalaga, kasi sa ilang araw na hindi niya ito na kita ay halatang-halata ang mabilis na pagbagsak ng katawan nito, na ngayayat din ito kumpara sa dating Dana na nakikita niya. Ang masayang mukha nito dati ay napalitan na ng lungkot at depression.
Mas lalo lang itong umiyak at bigla itong yumakap sa kanya, hinaplos niya ito sa likod.
“Ssshhh! Huwag ka nang umiyak nandito lang ako, ang pamilya mo,” pagpapatahan niya dito.
Tumayo ang ina nito at sumenyas sa kanya na lalabas na ang mga ito at sinasabihin siya na muna ang bahala. Tumango naman siya bago lumabas ang mga ito.
“Claude hindi na ako makakakita, natatakot ako!”
“Sinong may sabi na hindi ka makakakita? May pagasa ka pa, kailangan lang na makahap ng donor at makakakita kang muli,” aniya sa dalaga.
“Paano kung walang makitang donor, wala na akong pag-asa Claude. Kung makakita man paano ang operasyon ko, sobrang mahal ng magagastos namin at wala naman kame pera na malaki para magamit namin sa operasyon,” muli itong umiyak.
“Paano mo namang nasabi iyan, matiwala ka lang sa pamilya mo at tulungan mo din ang sarili mo.” Pagpapalakas niya dito ng loob.
“Claude hindi mo ako na iintindihan,” sabi nitong umiiling.
“Anong ibig mong sabihin, may magagawa silang paraan magtiwala ka lang sa kanila, hindi ka nila papabayaan.”
“May tiwala ako sa kanila, pero dahil sa akin nahihirapan sila ngayon. Claude wala na sa amin ang restaurant, hindi na iyon sa amin narinig ko silang naguusap.” Mas lumakas pa ang pagiyak nito. Hinaplos niya ang likod nito.
“Narinig ko ang usapan nila, naibebenta na nila ito sa mga Suarez, dahil iyon sa amin. Mawawala ang pinaghirapan ng magulang ko dahil sa akin, Claude ayoko nangdumagdag pa sa alalahanin nila.” Niyakayap niya ang dalaga at pilit na pinakakalma.
“Tama na sa pag-iyak, titingnan ko kung may magagawa akong paraan, huwag ka nang umiyak,” alam niya na kahit siya ay mahihirapan na gumawa nang paraan pero susubukan pa din niya para lang sa dalaga.
Medyo kumalma naman ito sa sinabi niya, “Kumain ka na ba?” tanong niya, umiling naman ito bilang sagot. “Salit lang, dito ka muna kukuha lang ako ng makakain mo, kailangan mong magpalakas,” saka niya ito inalalayan sa pagtayo at dinala ito sa kama nito.
“Salamat iho, sa buong maghapon ngayon lang siya makakain ng matino,” anang mama ng dalaga.
“Hijo, kung hindi kalabisan sa iyo, maaari bang dalasan mo ang iyong pagbisita?” singit naman ng Ama nito, “Nakiki-usap ako, maaari mo bang pagbigyan ang pabor na hinihingi ko, hanggang sa makahanap lang kame ng donor,” pakiusap nito.
“Wala hong problema, gusto ko din po na matulungan si Dana,” nakangiti naman sagot niya sa mga ito, sumilay sa mukha ng mga ito na parang nabunutan ng tinik at umaliwalas ang mga mukhanito.
“Salamat sa iyo.”
“Sige po at dadalhin ko na ito sa kwarto niya, para makakain na din siya.”
Magaana ang naging pagkain ng dalaga, at masaya siya para dito. Hindi naman niya maiwasan ang matawa.
“Bakit ka tumatawa? Pinagtatawanan mo ako?” anito na parang nagalit sa kanya, medyo naging sensitve din ito matapos ang aksidente nito.
“Hindi kita pinagtatawanan, natutuwa lang ako dahil ang gana mong kumain, huwag kang magda-diet ah, hindi bagay sa iyo. Hindi ka na cute kapag nagpapayat ka.” Biro niya dito.
“Ako na, kaya ko na ang sarili ko,” bigla nitong inagaw ang kutsara sa kanya.
“Joke lang, hindi ka na mabiro, masaya lang ako na makita kang masiglang kumain.” Saka niya pinunasan ang bibig nito, natuwa naman siya nag makita niya itong ngumiti. Dati na siyang tinulungan ng dalaga kaya ngayon ito naman ang kanyang pagkakataon na tulungan ito.
“Salamat huh!” biglang sabi nito.
“Salamat, saan?”
“Salamat kasi nandyan ka para tulungan ako, pinapagaan mo ang loob ko,” malungkot itong ngumiti. “Pasensya na din sa nagawa kong abala sa iyo!”
“Ano ka ba, wala namang kaso sa akin iyon, para saan pa ang naging kaibigan mo ako,” ibinaba niya ang hawak saka niya ito hinawakan sa pisngi, “Saka hindi ka nakaka-abala sa akin, isa ka sa importante tao sa buhay ko kaya huwag mo iisipi na nakaka-abala ka sa akin, masaya ako na makatulong sa iyo, huh.”
“Salamat,” anito saka pilit nitong kinapa ang kanyang mukha, “Gusto kong makabisado ang mukha mo para kahit hindi kita nakikita alam ko ang itsura mo at hindi ko makalimutan.
Bigla naman nawala ng ngiti nito sa labi, “Bakit?” Nag-aalala niyang tanong.
“Bakit parang pumayat ka? Sigurado ka bang magaling ka na?” nag-aalalang tanong nito.
“Magaling na ako, pero syempre kailangan ko pa din mag-therapy para sa tuluyan kong paggaling, kaya ikaw kailangan mo din magpakatatag pa kapag may donor ka na malakas ka.” Kasi baka kapag dumating ang araw na iyon ay wala ako sa tabi mo para tulungan ka, malungkot niyang sabi sa sarili.