Chapter 16

1470 Words
Magda-dalawang araw nang pabalik-balik si Claude sa kwarto ni Dana pero hanggang ngayon ay hindi pa din ito nagigising hindi naman niya magawang pumasok sa silid nito dahil nagaalanganin siya, nagkakasya na lang siya sa pagsilip dito at hindi tuluyang pumapasok sa loob. Maging siya ay parang walang improvement, ilang araw na siya sa hospital pero pakiramdam niya ay lalo lang lumalala ang kanyang pakiramdam, madalas ay hinahapo siya, pati ang paninikip ng kanyang dibdib ay napapadalas na rin. Nasa tapat siya ng kwarto ng dalaga ngayon, nag-aabang sa balita kung ano na ang lagay nito, nasa loob ang magulang at kapatid nito. Pinapapasok siya pero nahihiya siya sa mga ito kaya nagtiis na lang siya doon sa labas, hanggang sa nagkagulo na ang mga ito sa loob. “Gising na si Dana,” gulat siyang na pa diresto ng tayo at nagmamadali siyang pumasok. Nagulat siya sa nadatnang kalagayan nito, ngayon na lang ulit kasi niya ito na kita madalas kasi ay nasa labas lang siya, puro pa ito galos na hindi pa gaanong naghihilom ang mga sugat na natamo nito sa aksidente, may pasa pa rin ito sa panga nito at may benta ang mata. “Ma— Pa— anong nangyayari sa akin? Bakit wala akong makakita? Bakit ang dilim?” sigaw nito at nagwawala. “Please tanggalin n’yo na ito, huwag n’yo naman akong biruin ng ganito, hindi na kayo nakakatuwa,” na pilit pinipigil ng kapatid nito at nang nurse ang kamay nito dahil sa tinatanggal nito ang benda sa mata nito. “Anak ko, huminahon ka makakasama iyan sa lagay mo,” sabi ng mama nito na pigil ang pag-iyak, pero halata pa rin sa boses nito ang bahagyang paggaralgal. Tinakpan nito ang bibig upang hindi nito tuluyan maibulalas ang kanina pang pinipigil na pag-iyak, para sa anak nitong nasa ganoong sitwasyon. “Anak huminahon ka, makakasama iyan sa iyo, makinig ka sa amin.” pigil din ng ama nito na mas lalong nagpalakas sa iyak nito. “Pa, ano nang mangyayari sa akin... Pa— sobrang dilim, Pa!” hagulgol nito. Niyakap ito ng kanyang ama, ganon din ito at yumakap sa bisig ng Ama. Parang pinipiga naman ang puso niya sa nakikitang kalagayan nito, kasalanan niya iyon e... kasalanan niya... kasalanan niya, paulit-ulit niya sinisiksik sa kanya isipan. Napahawak siya sa pinto at napahawak siya sa kanyang dibdib, heto na naman siya, ni hindi man lang niya madamayan ang kaibigan tapos ngayon mukhang ang pamilya pa nito ang tutulong sa kanya. Nagising si Claude at nilibot ang paningin sa malungkot na silid na iyon, naka palibot sa kan’ya ang kanyang pamilya na halata sa mga mukha nito ang sobrang pag-aalala, napansin din niya ang ilang mga aparato na nakakabit sa katawan niya. Malungkot ang ngiting ipinakita niya sa pamilya, kahit na gusto niyang maging masigla sa harap ng mga ito ay hindi niya magawa dahil mismong katwan niya ang tumatanggi. “Anak, anong nararamdaman mo ngayon?” nagaalalang tanong ng kanyang ina. “Ma, ayos lang po ako.” Namamaos ko naman sagot sa kanya, bahagya pa akong napaubo dahil parang hirap lumabas ang boses sa lalamunan ko. “Huwag mong pilitin ang sarili mo, kung nahihirapan ka pa kailangan mong magpahinga dahil sa susunod na dalawang linggo lilipad na tayo sa pa America,” nagulat naman siya sa sinabing iyon ng kanyang ama, napatingin na lang siya sa kanyang ina at kapatid. Pero yumuko lang ang dalawa. “Pa, ayoko pong magpunta ng America, dito na lang ako, isa pa kailangan ako ni Dana ngayon. ako ang may kasalanan kung bakit siya na aksidente kaya gusto ko na nasa tabi niya ako,” nagsusumamo niya sabi sa ama. “Huwag nang matigas ang ulo mo, matanda ka na at naiintindihan mo na ang sitwasyon mo ngayon, huwag mo nang pahirapan pa sila Mama at Papa,”sabi nang kanyang kapatid na para bang wala na siyang choice pa kahit ayaw pa niya. “Pero—,” na naputol nang hawakan ng kanyan ina ang kamay niya. “Anak, magpahinga ka na muna, may two weeks ka pa para makasama siya, ayaw mo bang gumaling? Ayaw mo bang mas makasama siya ng matagal hindi iyong ganito na sa tuwing susumpungin ka lagi mo siyang naiiwan? Kaya anak pilitin mo magpagaling hindi na para sa amin kahit para na lang sa kanya.” Saka siya nito masuyong hinawakan sa kanyang pisngi. May punto ang kanya ina, pero natatakot pa din siya sa magiging resulta nang operasyon niya. Paano kung hindi ito maging matagumpay, maiiwan niya din ang dalaga? Hindi pa nga niya nasasabi dito ang totoo na dapat ay sasabihin niya noon kaso inatake naman siya, at nang balak niya na sabihin ito pag nagkita sila sa hospital saka ito naman ang na aksidente, hindi niya alam na para bang may pumimigil na sabihin niya ang totoo dito. Gusto lang naman niya makasama ang kababata at first love niya pero bakit parang ayaw ng tadana? Ang simple lang din naman ng gusto niya, bakit parang ang hirap nitong ibigay? Haayyysstt!! Napa buntong-hininga siya nang malalim. “Okay Ma, pumamayag na ako sa gusto n’yo,” Pagsang-ayon niya sa plano ng mga ito. Natatakot siya pero mas maganda kung susubukan na rin niya kesa sa wala siyang ginawa kundi ang umatras sa katotohan na kinahaharap niya. Nanatili siya sa hospital at hindi man lang niya na bisita si Dana sa silid nito, kahit na ang lapit-lapit lang nito sa kanya ay hindi niya magawang puntahan ito. Tiniis niya ang sarili na huwag itong puntahan dahil ang gusto niya kahit sa huling linggo niya sa Pinas ay magawa niya itong alagaan. Nabalitaan na lang din niya sa kapatid na lumabas na daw ito ng hospital pero siya ay nanatili lang doon, sa isang araw ay lalabas na din siya at ang una niyang gagawin pag kalabas ay pupuntahan niya ang dalaga sa bahay nito. Napatingin siya sa kapatid niya na kasalukuyang nag-aayos nang kanyang gamit, alam niya na malaking abala na niya dito pero sa kahuli-hulihang pagkakataon ay gusto niyang humingi ng pabor dito. “Kuya, sa huling pagkakataon pwede ba akong humingi nang isa pang pabor sa iyo?” nagulat naman itong napatingin sa kanya at napakunot ng noo. “Bakit? Kung magsalita ka naman parang hindi ka na babalik ah! Anong ba ang pabor na hihingin mo?” tanong nito. Natatawa naman siya sa reaksyon nito, “Pwede ba habang wala ako ikaw muna ang mag-alaga at magbantay kay Dana, gusto ko kasing malaman ang mga nangyayari sa kanya habang wala ako.” Pakiusap niya dito, natawa naman ito ng pagak. “Alam mo bro, sa lahat ng pabor na hiningi mo sa akin ay ginawa ko, pero sorry bro! ang isang iyan ay hindi ko pwedeng gawin, kung gusto mo talagang makasama siya pilitin mong gumaling, sorry pero hindi kita pagbibigyan sa gusto mo.” Sabi nito sabay bitbit ng gamit niya. “Habang nasa America lang ako, gusto ko lang makasiguro alam mo naman na ikaw lang ang maasahan ko,” pahabol niya sabi dito. “No, sorry! Kung gusto mo talaga na masiguro na magiging ma-ayos siya ikaw mismo ang gumawa noon at hindi ako,” anito na binuksan na pinto bago tumigil sa paglabas, “Bro, pagmahal mo ang isang tao, hindi mo dapat siya pinauuba sa iba nang ganon-ganon na lang unless siya mismo ang may gusto na gawin mo iyon, aalis na ako ikaw na ang bahalang mag-ayos ng iba mo pang gamit, susunduin na lang kita bukas.” Sabi nito na tuluyan nang umalis at iniwan siyang mag-isa. Napangiti naman siya sa sinabi ng kapatid niya, kahit na kailan ay hindi niya magawang mabasa ang iniisip nito, magkapatid nga sila dahil kapareho niya ito pabago-bago ng ugali sumobra lang ang sa kanya. Aniya sa sarili na napangiti. Tumayo siya at niligpit ang iba pa niyang gamit, ngayon ang huling araw niya sa hospital kaya nag-ayos na siya, para bukas ay ready na siyang umuwi. Habang inaayos ang kanyang gamit ay nalaglag ang isang maliit na note book, ang diary niya noong bata pa siya, lagi niya itong bitbit kahit saan siya magpunta. Napapangiti kasi siya sa tuwing nababasa niya ang mga sinulat niya noon, hindi niya akalain na ganoon pala siya ka-cheesy noon bata pa siya, nakita din niya ang picture ng tatlong cute na cute na mga bata, siya yung nasa kanan at si Dana ang nasa gitna. “Dana, ang cute mo talaga dito, hindi ko akalain na mas lalong kang lalaki at mas magiging cute.” Natatawa niyang kausap sa sarili. At muling pumasok sa kanyang alaala na meron siya na kasama itong noon mga bata pa sila, at sa tuwing na aalala niya ito ay hindi niya maiwasan ang mapangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD