Chapter 15

1408 Words
(Claude POVs) Nasa labas ng hospital si Claude at hinihintay ang dalaga, nakasuot pa siya ng hospital gown nang mapansin ang dalawang paparating na ambulance. “Anong nangyari dito?” tanong ng mga nurse at doctor na sumalubong sa mga dumating. “Nagkabanggaan, unahin ninyo iyong paparating dahil mas malala ang tamo noon.” Anang medic na nagaasikaso sa lalaking pasyente. Na-curious naman siya kung anong nangyari sa sinasabi nito na paparating hanggang huminto na ang ambulance, at ibinaba dito ang isang matabang babae. Hirap na hirap ang mga bumubuhat para ilipat ito sa strecher ng mabaling ang mukha nito sa gawi niya. Napahinto at napatulala naman siya. Mabilis siyang lumapit dito, “Dana... Dana...” tawag niya sa dalaga. Pinigil naman siya nang isa sa mga medic personnel, “Kalilala mo ba ang pasyente?” “O-opo... K-kilala ko po,” sagot niya. “Maaari mo bang tawagan ang pamilya niya,” sabi nito sabay abot ng cellphone nito na basag na, nataranta naman siya at hindi malaman ang gagawin. Nanginginig ang kanyang kamay, habang pilit na binubuksan ang cellphone nito na hindi niya alam kung buo pa. Nang napansin niya ang dalawang may edad saka isang binata, namukhaan niya ang mga ito. “Tito... Tita!” tawag niya sa mga ito, sabay-sabay naman itong lumingon sa kanya. “Ikaw ba ang tumwag sa amin? Nasaan ang anak ko?” kinakabahang tanong nito sa kanya, nagtaka naman siyang napatingin dito. “Hindi po ngayon pa lang ako tatawag,” sabay pakita ng hawak na cellphone ni Dana na hindi na niya mabuksan. “Kung hindi ikaw sino ang tumawag sa amin?” takang tanong din ng Ama ni Dana. “Mamaya na ang tanungan na iyan, nasaan ang kapatid ko?” anang lalaki na siguro ay ang kuya nito. “Kakapasok pa lang po sa loob,” aniya saka sila nagmamadaling pumasok, at lumamapit sa information desk. “Excuse me nurse, yung anak ko? Iyong kakarating lang na naaksidente?” anang mama nito. “Sir nasa operating room na po ang pasyente.” Pagka-sabi nito ay agad silang pumunta doon at hinintay matapos ang operasyon, Kinakabahan siya, nanlalamig na rin ang kanyang mga kamay at paikot-ikot siya sa hall way. Mas mukha pa siyang hindi mapakali kesa sa pamilya nito na tahimik lang na nagdadasal. “Claude!” sabay-sabay sila halos na napatingin sa tumawag sa kanya. “Kuya? Anong ginagawa mo dito?” takang tanong niya sa kapatid. “Kanina pa kita hinahanap e, nandito ka lang pala?” anang kapatid habang papalapit sa kanila. Mukha namang nagulat ang magulang at kapatid ni Dana na napatingin sa kanila ng kapatid niya, at mukhang ngayon lang din napansin ng mga ito na nakasuot din siya ng hospital gown. “Kung ganoon ikaw pala ang pala ang sinasabi ni Dana na pupuntahan niya sa dito sa hospital,” malamig na tono ng kapatid nito, hindi naman niya ito masisi dahil mukha siya ang dahilan kung bakit ito naaksidente. Nagmamadali daw kasi ang dalaga, at hitting the red light pa ito kaya siya nasalpok nang driver ng truck, pasalamat na lang din sila dahil hindi gaanong nagtamo nang malalang sugat ang driver dahil kahit papaano ay nakapag-preno ito. hindi na rin ito nagreklamo, sasagutin din ng pamilya ng dalaga ang gagastusin nito sa pagpapagamot nito. Pero ang pinag-aalala nila ay ang dalaga. Hindi nila alam kung ano na ang nangyayari at kalagayan nito, dahil nasa operating room pa din ito. “Ako nga, sabi ko kasi sa kanya ‘wag na siyang magpunta. Sorry po sa inyo, Tito, tita, nang dahil sa akin kaya na aksidente si Dana.” Malungkot niyang sabi sa mga ito. “Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo, wala namang may kasalanan at aksidente ang nangyari. Claude,” singit ng kapatid niya. “Oras na nang therapy mo kaya bumalik ka na sa kwarto mo, ako na ang bahala dito.” Ma-awtoridad nitong sabi, na kahit ang pamilya ni Dana ay tahimik lang na nakatingin sa kanya, kahit pakiramdam niya ay may sasabihin pa ang kapatid nito. Papunta na siya sa kwarto niya, nang muli niyang lingunin ang mga ito. kausap ng kuya niya ang pamilya ni Dana, at mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. “Sir, kanina pa po namin kayo hinahanap,” nagulat naman siya sa ng biglang bumungad sa kanya ang isang nurse na galing sa kanyang kuwarto, hindi niya namalayan na nasa tapat na pala siya ng silid dahil naka-focus ang isip niya kay Dana, dahil sobrang nag-aalala siya dalaga. Nang bigla siyang napatigil, dahil sa nakaramdam siya ng pagkahilo at paninikip ng kayang dibdib. “Sir, ayos ka lang po ba?” Tanong nito. “Oo, ayos lang ako,” aniya na napahawak sa pader. Pero parang taliwas sa sinabi niya ang nararamdaman niya dahil feeling niya na mas lalo lang siyang kinakapos ng hininga, parang pinipiga ang puso niya. Nanginginig ang tuhod niya at tuluyan na siyang napaluhod. Hindi na niya maintindihan ang sinasabi ng nurse, pati na rin ang sarili niyang boses ay hindi na niya naririnig, pilit siya nito inaalalayan pero dahil sa mabigat at lalaki pa rin siya ay hindi siya kinaya nito. Alam niyang sumisigaw ito at humihingi ng tulong sa iba, dahil nakita pa niya ang ibang nurse na lalaki na tumatakbo sa gawi nila ng tuluyan na ding nagdilim ang kanyang paningin. * * Nagising si Claude dahil sa tunog ng mga aparato na nasa loob ng kanyang silid, nilibot niya ang kanyang paningin ngunit nag-iisa lang siya sa loob. Pero hindi din nagtagal ay sumungaw ang ulo ng kapatid na may dalang pagkain. “Oh, gising ka na pala? Sakto kainin mo na ito para naman may lakas ka.” Saka nito pinatong ang pagkain sa mini-table na nasa bandang paanan nito. “Anong nangyari?” tanong niya, at tinitingnan ang bawat kilos nito habang inaayos ang pagkain. “Hindi ba dapat na ako ang magtanong niyang sa ’yo? Ano ba ang nangyari, kasi hinimatay ka na lang bigla, sabi ng nurse?” Saka ito tumingin sa kanya. “Hindi ko din alam, basta bigla na lang nanikip ang dibdib ko.” “Ayan na ang nangyayari sayo pero nagmamatigas ka pa din na huwag nang magpagamot,” anito na nilapit ang pagkain sa kanya. Napabuntong hininga na lamang siya at tahimik na sinimulan ang pagkain, sino ba naman kasi ang ayaw gumaling, gusto niyang gumaling pero mukhang ayaw ng katawan niya. Aniya sa sarili at muling napabuntong hininga. Napatigil siya sa pagkain nang maalala si Dana, “Kamusta nga pala si Dana?” Hindi ito nagsalita, kinabahan naman siya sa ginawi nito. “Kuya—“ muli niyang untag niya dito. Pero napa-buntong hininga lang itong muli. “Nilipat na siya sa isang private room, tapusin mo na ang pagkain mo at aalis na din ako.” Anang kapatid na hindi man lang nito sinabi ang kalagayan ngayon ni Dana, wala na rin siyang nagawa nang umalis ito, malungkot na naman ang paligid niya. Iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang ma confine sa hospital dahil lagi siyang naiiwan mag-isa, nagkakaroon lang siya ng kasama tuwing may bumibisita sa kanya o kaya’y nagra-rounds ang mga doctor. Hindi na rin naman siya makatulog dahil sa kakagising lang niya, kaya naman lumabas siya sa kanyang kwarto at naglakad-lakad siya. Hanggang sa mapasinin niya ang mga magulang at kapatid ni Dana sa kakalabas lang sa kuwarto. Umiiyak ang matadang babae habang inaalo ito ng matandang lalaki, ang kapatid naman nito ay tahimik lang na nakayuko. Lumapit siya sa mga ito. “Magandang gabi ho,” aniya na papalapit sa mga ito, malungkot ang mga itong tumingin sa kanya. “Kamusta ho si Dana?” nag-aalalang tanong niya. Sa tanong niya ay mas lalo lang na umiyak ang ina nito. At tuluyan namang umalis ang kapatid nito. “Maaari ko ba siyang makita?” paalam niya. “Hijo, mabuti pa ay magpahinga ka muna. Hindi ito ang tamang panahon upang makita mo siya, bumalik ka na lang muna sa iyong silid.” Anang ama ni Dana saka siya nito tinapik sa balikat. Wala naman siyang magawa kundi ang sumunod dito, kung tutuusin ay siya ang dahilan kung bakit ito na aksidente dahil kung hindi ito umalis sa bahay nila para lang puntahan siya ay wal ito ngayon sa hospital, kaya naman malungkot siyang bumalik na lang sa kanyang kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD