Chapter 14

1738 Words
Hindi maka-focus si Dana sa ginawa niyang report dahil excited na siya sa pagkikita nila ni Claude, hindi din kasi siya mapakali dahil sa gustong sabihin sa kanya nito. Naalala pa kasi niya ang usapan nila noon sa park nang minsang samahan siya nito sa pag-jo-jogging, na liligawan siya nito pagbalik nito sa sa America. Kaya naman ay sobrang excite na siya, wala pa nga ang oras ng usapan nila ay nakahanda na ang bihisan niya e. Pagpatak ng alas-kwatro ng hapon ay nagmamadali na siyang pumasok sa banyo para maligo, alas-sais ang usapan nila dahil sa may klase pa siya kaso nagkaroon ng faculty meeting kaya na paaga siya nang uwi. Huli na ang sem niya na iyon ay graduate na siya ng culinary at sa susunod na dalawang buwan ay makakatulong na siya sa kanyang kuya sa restaurant nila. Kaya naman sasamantalahin na niya ang pagkakataon na makakasama niya si Claude, baka kasi mahirapan na siya makasama ito dahil magiging busy na siya. Paglabas ng banyo ay sinukat na niya ang kanyang mga dress na nilabas, pero agad din siyang nadismaya dahil mukhang nadagdagan na naman kasi siya ng timbang, nitong mga nakaraang araw kasi sobrang stress siya sa thesis nila kaya naman ng stress eating s’ya. Sa huli ay binalik na lang niya ang mga damit sa lagayan niya at inilabas pinakamalaki niyang damit. “Haayy Dana, kailan mo ba talaga balak na mag diet? Naka-ilang sabi ka na pero hindi mo pa rin ito ginagawa.” Aniya sa sarili habang nakaharap sa salamin. 5:30 pa lang ng hapon ay nasa lugar na si Dana kung saan sila magkikita ng binata dahil ng sa excited na siya. Pero inabot na siya ng alas syete ay wala pa ring Claude na dumating. Sobrang na lungkot siya dahil hindi din ito sumasagot sa tawag at text niya, wala din itong pasabi kung bakit ito hindi sumipot sa usapan nila. Inabot na nang isang lingo pero ni isang paliwanag ay wala pa din siya nakukuha mula kay Claude, nag-aalala na siya dahil baka kung ano na ang nangyari dito. “Hoy beshy, ano bang problema mo,” biglang sulpot ni Rona sa harapan niya na kinagulat niya. “Wala naman may iniisip lang,” aniya habang nakatingin sa cellphone n’ya. “Tsk, siya na naman? Nasa America na nga iyong tao pero ayaw mo pa ring bitawan, kalimutan mo na siya kasi hindi na iyan babalik, kung bumalik man iyan sigurado ka ba na magugustuhan ka din niya, alam naman natin pare-pareho na simula pa lang mainit na dugo niya sayo e,” napangiti naman siya sa pinagsasabi nang kaibigan, hindi pa kasi nito alam na bumalik na ang binata. At kung ano ang naging usapan nila. Kaya lang ang inaalala niya ay ang ngayon, isang linggo nang wala itong paramdam sa kanya. “May lakad kame nila Rose at April mamaya gusto mo bang sumama?” tanong nito na nakakunot-noo at nakatitig sa kanya, napapatulala kasi siya sa tuwing iniisip niya ang binata e. “Saan naman kayo pupunta?” “Magmo-mall lang kame, pantanggal stress na din. Kaya ikaw sumama ka na din. I-chat ko sayo mamaya kung saan tayo magkikita-kita, hindi ka pwedeng tumanggi.” Anito sabay alis sa harapn niya. “Tinanong mo pa ako bawal din naman palang tumanggi,” pahabol niyang sigaw sa paalis ng kaibigan. Habang nagdadaldalan ang mga kaibigan ni Dana ay siya naman kinatahimik niya, ewan ba niya wala lang talaga siya sa mood na magsalita, lalo na at iniisip pa rin niya ang binata at kung bakit ito hindi sumipot sa usapan nila. “Haaayy,” buntong hininga niya. “Beshy ang lalim ah! Alam kung ako sa iyo magmove-on ka na! taon na ang lumipas, ewan ko ba namin sayo bakit baliw na baliw ka doon?” naiiling na si Rose. “Guys, look kung sino ang makakasalubong natin?” anang si April na namilog ang mata na nakatingin sa mga makakasalubong nila. “Oh my gosh! Totoo ba ito? siya na ba talaga iyan, kaya naman pala hindi maka-move on si bakla e.” ani Rona na nakahawak pa sa bibig nito. Makakasalubong kasi nila si Claude, may kasama ito mga lalaking naka-business suit, at kausap nito ang isang matandang lalaki na sa tingin niya ay nasa mataas na posisyon, lahat ng mga empleyado na madaanan ng mga ito ay nagsisiyuko. Tumingin ito sa kanya pero hindi man lang siya nito pinansin o kahit ngumiti man lang, natahimik naman siya at napaisip, na baka ito si Clayde kaya hindi siya nito pinansin. “Grabe ang gwapo niya sobra, kailan pa siya bumalik?” anang hindi makapaniwalang mga kaibigan na nakasunod pa rin ang tingin sa mga papalayong kalakihan. “Diba iyon ang may-ari ng Suarez Food Corporation? Bakit nandito siya” narinig nila usapan ng ibang customer na nakakakilala sa matanda. “Kaya nga, narinig mo ba ang balita na nagiisa lamang daw ang anak nito pero namatay daw sa aksidente at ang natitirang tagapagmana ng buo nilang kayaman ay ang nag-iisa niyang apo, ang swerte diba?” “At nakakaingit pa, sino kaya yung apo niya, baka pwede akitin... hahaha” “Iyong lalaking katabi niya ata ang apo no’n e, mayaman na gwapo pa. Kaya maraming nagkakandarapa doon.” Napatulala naman siya sa usapang naririnig niya, kasi posible si Claude ang tumulong sa kanila noon. “Besh,” nagulat naman siya sa biglang pagyugyog ng kaibigan niya dahil sa pagkakatulala niya. “Beshy diba ang sabi mo dati ang Suares Food Corporation ang tumulong sa inyo, ibig bang sabihin sa Claude ang tumulong sa inyo?” hindi makapaniwalang tanong ni Rose. At maging siya ay hindi din makapaniwala, na posibleng si Claude nga ang tumulong sa kanila noon hanggang ngayon, masaya at hindi maka paniwalang nakamata lang siya sa papalayong grupo. Kaya siguro hindi ito nakasipot sa usapan nila at dahil sobrang busy nto. Mas lalo tuloy siyang humanga sa binata. “Kaya lang mga beshy, hindi naman namatay sa aksidente ang magulang ni Claude diba, at buhay na buhay ang magulang kaya paanong siya yung apo ng may-ari ng Suarez?” singit na tanong si April. “Tama ka nga girl, hindi ko na isip iyon ah!” ani Rona. “Alam niyo kumain na lang tayo kasi na gugutom na ako, ‘wag na lang nating isipin iyan, kasi kahit ako napapa-isip na din. Baka may alam sila Papa at kuya, tatanungin ko na lang sila.” Sabi na lang niya para tumigil na din ang mga kaibigan niya kakadaldal. “Mabuti pa nga, saka kahit naman malaman natin hindi naman nila tayo papamanahan e, hahaha.” ani Rose. “Correct, tayo na nagugutom na ako,” sabi ni Rona na nagpati-una na sa paglalakad. Gabi na din nang makauwi si Dana, naabutan niya ang kuya niya sa dining na kumakain at mukhang kakauwi lang din. “Dana, mukhang ginagabi ka na sa pag-uwi ah!” puna nito. “Nagkayayaan lang kasi kameng mag-kakaibigan,” aniya na lumapit dito. “S’ya nga pala kuya, alam mo ba ang balita na ang chairman ng Suarez Food Corporation ay namatayan ng nag-iisang anak at ang naiwan lang na tagapagmana ay ang apo ito?” curious nia ng tanong sa kapatid. “Oo, bakit mo naman naitanong?” kunot-noo itong tumingin sa kanya. “Kasi kuya nakasalubong namin kanina sa mall ang chairman ng Suarez corporation, alam mo ba kung sino ang apo niya?” saka matamang naka-tingin sa kapatid at naghihintay ng sagot. “Wala ako ideya kung sino, pero ang alam ko baby pa lang ito ng mapunta sa matalik na kaibigan ng anak niya ang apo nito, at wala ding ideya ang kumupkop dito sa totoong katauhan ng kaibigan kasi wala naman itong naikwento. Kaya kailan lang din nila nalaman, at kung hindi pa sila natunton ng matanda ay wala silang kaalam-alam.” Anito na nagkibit-balikat na lang. Masaya at the same time malungkot si Dana sa nalaman, napaka komplikado nama pala ng buhay ni Claude, pero at least mayaman ang tunay nitong pamilya. Matutulungan ito sa pagpapagamot ng binata. Iyon lang at umakyat na si Dana sa kwarto niya. “Hindi ka ba muna kakain,” pahabol na tanong ng kuya niya. “Hindi na kumain na kame bago ako umuwi.” Sigaw niya dito. Nakahiga si Dana sa kanyang kama habang nakatingin sa cellphone niya, nag-aantay sa tawag o kahit text ng binata. Muntik pang mabitawan ni Dana ang kanyang cellphone ng bigla may nagtext sa kanya si Claude. “Hi! Dana sorry kung hindi ako naka-punta sa usapan natin, naging busy lang ako, hindi rin kita agad na inform, pasensya na talaga.” Message nito sa kanya. Agad naman niya itong tinawagan pero, binababaan naman siya nito. Nang muli itong nagpadala na mensahe. “Sorry hindi ko masasagot ang tawag mo, nandito kasi ako sa hospital may session ako ng therapy ko.” Reply nito para naman siyang kinabahan bigla, akala ko ba magaling na siya? Natanong niya sa sarili. “Saan hospital iyan pupuntahan kita?” aniya. “Hindi, ayos lang. gusto ko lang din naman sa iyo ipaalam para na iresched natin ang usapan natin.” Pero nagpumilit siya kaya sa huli ay binigay din nito kung saan siya nagte-therapy. Nagmamadali siya bumaba ng hagdan habang sinusuot niya ang jacket niya. “Kuya p’wede ko bang mahiram ang kotse mo?” nagmamdaliniyang taong sa kapatid. “At saan ka naman magpupunta, gabi na ah!” “Pupunta lang ako saglit sa hospital, dadalawain ko lang ang kaibigan ko.” Sabay kuha ng susi na nasa tabi nito. Kaya wala na rin itong nagawa. “Mag-ingat ka at gabi na,” pahabol nitong sigaw. “Oo, salamat.” Sigaw din niya. Dahil sa nagmamadali si Dana ay pilit niyang hinabol at huwag maabutan ng red light ay binilisan niya ang kanyang patakbo. Hanggang sa maramdaman na lang niya na para siyang pinapaikot-ikot sa loob ng sasakyan, maririnig ang langitngit ng mga bagay na parang nababasag at nayuyupi, pati ang sigawan ng mga tayo ay parang slow motion sa pandinig niya. Ang tingin niya sa paligid ay parang namula na at isang lalaki ang nakita niyang tumatakbo papalapit sa kanya. “Daaaannnaaaa,” naririnig pa niyang sigaw nito. “C-claude?” mahinang usal niya na hindi sigurado kung ang binata nga ito. hanggang tuluyan nang nagdilim ang kanyang paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD