Chapter 13

1244 Words
CLAUDE POV’S Napahawak si Claude sa kanyang dibdib, dahil bahagyang nanikip iyon napahinto siya sa paglalakad, saka habol ang hiningang naupo sa waiting shed. Doon kasi siya susunduan ng kapatid niya, kakahatid lang niya sa dalaga. Ngayon ay hinihintay niya ang kapatid na inutusan nang kanya mama na sunduin s’ya. Kanina pa masama ang pakiramdam niya, pero pinilit niya ang sarili na maging masigla sa harap ng dalaga dahil ayaw niya itong mag-alala, kaya kahit hirap na ay pinilit pa din niya ang sarili. Hindi nagtagal ay dumating na ang kanyang kapatid “Kuya.” Tawag niya dito “Sumakay ka na,” malamig pa sa yelo ang tono nito. At naiintindihan naman niya kung saan nang gagaling ‘yon, dahil simula pa lang nang pagkabata nila ay ito na palagi ang tumutulong sa kanya, ramdam niya at alam niya kung anong naging sakripisyo nito para lang sa kanya. Kaya hindi siya magtatampo o magagalit dito kahit ganoon kalamig ang trato nito sa kanya. Hindi din kasi nito halos naramdaman ang pag-aalala ng magulang dahil, ang magulang nila ay naka-focus sa kanya dahil sa sakit niya. Kaya todo bantay ang mga ito sa kanya, lalo na pagsinusumpong siya ng kanyang sakit ay madalas ang kuya niya ang rumeresolba at sumasalo sa nagiging problema n’ya. Kaya malaki ang utang na loob niya dito, at wala siyang karapatang magalit dito, ito pa nga dapat na magalit sa kanya e, dahil nadamay ito tuwing umaatake ang kanyang sakit, pero hindi nito magawang magalit sa kanya. Kagaya ngayon na kinailangan pa umalis ng maaga sa trabaho parang sunduin s’ya. “Hindi ko alam kung ano ang nakita mo sa matabang ‘yon at ganyan na lang kung mag-alala ka sa kanya, ano ba ang pinakain n’ya sa’yo?” tanong nito na seryosong nakatingin sa daan. “Kuya naman, ‘wag ka naman magsalita ng ganyan kay Dana. Alam mo naman kung ano ang dahilan ko,” malungkot siyang tumingin dito. “Bata pa kayo noon, Claude! Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo na magustuhan siya dahil lang doon,” naiiling nitong sabi sa kanya. “Hindi ko pinipilit ang sarili ko, totoo ang nararamdaman ko sa kanya. Alam ko na malaki ang utang na loob ko sa’yo, pero hindi mo kailangang magsalita ng ganyan, lalo na kay Dana dahil wala naman siyang ginwang mali sa’yo.” Aniya na nasaktan sa sinabi ng kapatid. Tahimik lang itong tumingin sa kanya at muling ibinalik ang tingin sa daan. Pagdating sa bahay nila ay kaagad na sumalubong ang kanilang ina. “Claude, ikaw talagang bata ka, ang tigas talaga ng ulo mo,” saka siya hinaplos-haplos sa likod. Dirediretso naman ang kanyang kuya sa pagpasok sa kanilang bahay, at nilagpasan lang sila. Sinundan lang niya ito ng tingin. Akay-akay naman siya nang kanyang ina na pinaupo. “Ma, hindi na po ako bata. ‘wag n’yo na po ako bine-baby masyado nakakahiya.” Natatawa niyang baling sa ina, na kulang na lang ay buhatin siya. “Alam mo kahit mas malaki ka pa sa amin ng Daddy mo ikaw pa rin ang baby ko,” hinaplos nito ang mukha niya saka siya nito niyakap. “Hmmp... talaga, paano si kuya ang lagay ba n’yan ako lang ang baby mo?” aniya na nagpalingon sa kapatid na kasalukuyang kumukuha ng tubig sa ref. “Syempre, dalawa kayong baby ko, kaso mas kailangan kang bantayan e.” “At hindi ko din gusto na lilingkisin ako ni Mama ng ganyan,” sabay turo sa ina na nakayakap sa kanya. Naiiling itong umakyat sa silid nito, “Hmmp, yang kuya mo talaga napaka-KJ,” na sinundan din ito sa pag-akyat, “Kamusta naman ang lakad mo?” bigla itong sumeryoso. “Ayos lang naman,” tipid niyang sagot. “Anak, bumalik tayo dito sa Pinas dahil sa pamimilit mo, pero kailangan nating bumalik ulit sa America sa susunod na buwan,” malungkot itong tumingin sa kanya. “Ma, ayoko nang bumalik sa America, wala din naman magbabago e, hindi na din naman ako pwedeng operahan, mas gusto ko na lang manatili dito.” Nagulat naman itong napatingin sa kanya. “Claude, anong pinag-sasabi mo?” mataman siya tiningnan ng ina, “Hindi tayo susuko, gagawin natin ang lahat para gumaling ka, huh!” saka nito masuyong hinaplos ang kanyang pisngi. Alam niyang nag-aalala lang ito sa kanya, kaya lang napapagod na din kasi siyang magpabalik-balik sa ospital e. nawawalan na din s’ya ng pag-asa na gagaling siya kaya mas pinili niya ang manatili na lang kasama ang pamilya at si Dana. Matapos ang pag-uusap nila ng kanyang ina ay pumasok na siya ng kwarto, naupo siya sa kanyang kama at kinuha ang lawaran ng mga bata na masayang naglaro. Kasama sa larawang iyon si Dana, nangingibabaw sa kanilang lahat dahil bata pa lamang ito ay malaking bulas na ito, napangiti siya sa naalala. Hindi kasi niya akalalain na aabot siya sa ganoon taas dahil sa sobrang liit niya noon. Dahil bata pa lang siya ay sakitin na talaga siya, madalas pagnabubully siya ay ang kuya niya ang kanyang tagapagtanggol. Pero nang minsan na wala ito sa kanyang tabi at inaaway siya ng kapwa bata saka kinulong pa sa lagayan ng mga panglinis sa school. Buong akala niya ay katapusan na niya noon, dahil kinakapos na siya ng hininga, tawag siya ng tawag sa kanyang kapatid pero wala ito. nang bigla na lang may kumalabog sa labas at mga batang nagiiyakan. Gusto na niyang umiyak noon sa takot na baka hindi na siya makalabas doon ng bigla din itong bumukas at nakita niya si Dana na may hawak na walis tambo, sira-sira din ang damit nito. “Bata h’wag ka nang umiyak dahil nandito na ang hero mo,” ngisi pa nito sabay pahid ng pawis na tumulo sa mukha nito. “Hoy, kayo humanap kayo ng kakalabin niyo hindi yung payat at walang laban kayo papatol.” Sabi pa nito. Kaya nga simula noon ay pinilit niya magpalaki ng katawan kahit madalas sinusumpong siya ng kanyang sakit ay hindi pa rin siya tumugil kaka-exercise. Napapangiti na lang siya sa mga alaala ng kabataan nila ni Dana na mukhang nakalimutan na nito, kaya gusto niya ditong ipaalala. Kahit na matagal silang hindi nagkita, ay agad pa rin niya itong nakilala unang kita pa lang niya dito, dahil wala pa rin itong pagbabago, cute pa rin ito gaya ng bata pa ito. Napatigil siya sa pag-mumunimuni ng kumatok ang kuya niya sa kanyang kwarto. “Tuloy bukas ‘yan,” pagpasok nito ay may dala itong tray, nakalagay doon ang gamot niya. Napatingin naman ito sa hawak niyang litrato. Naiiling ito sa kanya, “Talaga bang gusto mo s’ya?” muli nitong tanong. “Bata palang kuya at alam mo ‘yan,” nginitian niya ito saka tinanggap ang inabot nitong gamot. “Ayaw mo na daw bumalik sa America?” biglang tanong nito, “Para din naman sa’yo iyon, hindi mo ba inisip kung ano ang mararamdaman niya kung malaman niya ang tunay mong sakit?” anito na nakatingin sa larawan. “Naisip ko na iyan, kaya nga balak ko nang sabihin sa kanya sa isang araw ang totoo e,” malungkot niyangtugon dito. Marami na din siyang nasayang na panahon kung pwede naman niyang sabihin dito ang katotohan, baka kung hindi pa niya sabihin at malaman pa sa iba ay magalit lang ito sa kanya, kaya mas mainam na nasa kan’ya na manggaling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD