Chapter 12

1390 Words
“Beshy, congrats sa ating apat, hindi ko akalain na darating tayo sa ganitong punto ng ating buhay, akala ko talaga susuko na ako sa mga exams e,” ani Rose na hindi makapaniwala na graduate na sila ng college. “Tama ka d’yan beshy, ang dami nating pinag-daanan kaya dapat lang na magsaya tayo ngayon, cheers!” ani April at sabay-sabay nilang tinaas ang kanilang baso. “Hoyy,” nagulat naman siya sa biglang siko ni April sa kanya, “Ano naman ang problema mo? Nandito tayo para magsaya at mag-celebrate, bakit naman ang haba ng mukha mo?” nakatingin ito sa kanya ganoon din ang dalawa niya kaibigan. “Ah! Wala, may iniisip lang ako, ‘wag n’yo akong alalahanin,” na pilit tinago ang lungkot. At saka pilit niyang ngumiti para sa mga kaibigan. Sa ilang taon nilang pahihiwalay at sobrang dalang ng kanilang pag-kikita ay ngayon na lang ulit na magkasama sila, kaya hindi niya sisirain ang araw na iyon. Gabi na rin nang matapos ang bonding nilang magkakaibigan at isa-isa na silang nag-uwian. Ganoon din siya na mas pinili ang maglakad pabalik sa bahay, hindi rin naman ito ganoong kalayo mula sa kanila. Hanggang sa mapa-daan siya sa parke kung saan sila nangako ni Claude sa isa’t isa. Pero hindi niya alam kung matutupad pa iyon, malungkot siyang nagpatuloy sa paglalakad, at hindi naman layan na kusang huminto ang kanyang mga paa sa bookstore kung saan dapat sila magkikita. Muli siyang naglakad at nilagpasan ang tindahan, pero parang may pakiramdam siya na parang may humahatak sa kanya upang dumaan siya doon. Nasa pintuan na siya ng store nang mapatigil siya sa pagpasok, isang pamilyar na anino ang kanyang natanaw. Kinakabahan at dahan-dahan siyang pumasok sa loob at saka sinundan ang isang bulto ng lalaki. “Claude!” masayang tawag niya dito sabay hawak sa kamay nito upang ipaharap sa kanya. Kaagad din naman na palis ang ngiti sa kanyang labi ng lumingon ito, hindi ito si Claude kahawig lang nito ito. “Yes! May kailangan ka?” tanong ng lalaki. “A-ah... sorry, napag-kamalan lang kita na kakilala ko. Pasensya na ulit,” Sabay talikod at lumabas ng shop. Kukom ang kanyang kamao na pinipigil ang kanyang pag-iyak. Sa ganito na ba talaga matatapos ‘yon, ang tagal kong naghintay sa wala, umasa ako sa wala, ano pa nga ba kasi ang aasahan nang isang katulad kong dabyana. Wala naman talagang magkakagusto sa akin e. tapos aasahan mo pa siya, sino ka sa akala mo huh? Dana. Aniya na pilit pinipigil ang pagpatak ng kanyang luha. Tumingala siya at bahagyang tinampal-tapal ang sariling pisngi para hindi siya tuluyang umiyak. “Kaya mo ‘yan Dana, magagawa mong kalimutan s’ya. In the first place hindi ka naman talaga niya gusto, at hindi naman naging kayo, so move on... move on,” pagkukumbinsi niya sa sarili. Saka muling pumihit pabalik sa loob ng shop, bibili siyang muli ng maraming pocket book at doon niya aabalahin ang sarili bukod sa kanyang trabaho sa restaurant nila. Kumuha siya ng ilang libro, at binasa iyon upang makapamili siya ng magandang babasahin. Dahil sa sobrang focus niya sa hinahanap niyang libro naka-ilang beses na s’yang naka-bangga ng ibang customer na nandon, may ibang nagalit, may iba din wala lang at hindi siya pinansin saka lalagpas lang sa kanya. Tulad ng isang ito na nabangga niya pero wala lang din, hindi na lang niya ito pinansin at patuloy sa siya sa ginagawang pagtutok sa librong hawak. Hindi na din niya pinansin ang nasa harap niya, na kinagulat niya. “Miss, p’wede ko  bang malaman kung saan mo na kuha ‘yang binabasa mo?” pagtaas niya ng tingin ay naka-ngiti itong nakatingin sa kanya. Hindi niya malaman ang gagawin, ang lakas ng t***k ng puso niya, naumid na rin ata ang dila niya, dahil hindi niya magawang sagutin ang tanong nito. Titig na titig siya sa mukha nito. “Miss, mukhang nalunok mo na ‘yang dila mo ah, mahirap bang sagutin ang tinatanong ko,” naka-ngiti pa rin nitong tanong. Kumaway pa ito sa harap ng kanyang mukha, pero nanatili lang siyang nakatitig dito. “Okay, kung ayaw mong sabihin sa tindero na lang ako magtatong,” saka akma itong tatalikod nang bigla niya itong yakapin. “Claude!” tawag niya dito at tuluyan na siyang napaiyak. “Bakit ngayon ka lang? bakit hindi ka tumawag ang tagal kong naghintay sayo, nawalan na ako ng pag-asa at inisip na si Clyde ang mananatili at hindi ikaw,” gumanti naman ito ng yakap sa kanya at hinaplos ang kanyang likod. “Sshhh... Sorry na, magpapaliwanag ako hehe, tahan na pinagtitinginan na nila tayo,” saka kinalas nito ang pagkakayakap niya, hinawakan siya nito sa pisngi at masuyo nitong pinunasan ang kanyang luha gamit ang hinlalaki nito. “Sshhh, ‘wag ka nang umiyak, tayo doon sa convinient store, kain tayo ng noodles,” sabay hila sa kanya palabas ng shop, iniwan na din niya ang mga pinili niyang babasahin kanina bago pa dumating ang binata. Hawak-hawak nito ang kanyang kamay at sumusunod dito. Na papa-ngiti siyang nakatingin sa likuran nito habang sinusundan ito. “Umupo ka muna dito, hintayin mo ako bibili lang ang ng kakainin natin,” sabi nito habang pinaghila siya ng upuan sa labas ng convinient store at pumasok ito sa loob. Pinag-mamasdan lang niya ito sa ginagawa nitong pagkuha ng noodles, tumingin ito sa kanya at tinaas ang dalawang magkaibang flavor ng noodles saka siya pinapapili. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagiging sixteen years olds at high school student ng mga oras na iyon. Masayang-masaya siyang pinagmamasdan ito. Pagbalik nito at umupo sa harap niya habang inaayos nito ang binili, samantalang siya ay tulalang naka-ngiti habang nakatingin lang dito, hindi pa rin talaga siya makapaniwala na kaharap niya itong muli. “Alam mo matutunaw na talaga ako sa ginagawa mong pagtitig sa akin. Kung nakakamatay lang siguro ang mga tingin mo sa shop pa lang bumulagta na ako.” Natatawang biro nito. “Hindi lang kasi ako talaga makapaniwala na nasa harap na ulit kita,” aniya na hindi mawala ang ngiti sa labi. “Bakit naman, hindi ba ako kapanipaniwala?” nakangiting tanong nito. “Kasi—“kasi naman natakot ako na hindi na kita makikita pa, na tuluyan nang nawala si Claude, aniya sa sarili at hindi namalayan na muli siyang tumitig dito. Nagulat pa siyang ng winagayway nito ang kamay sa harap ng muka niya. “Dana, ayos ka lang? bakit natahimik ka, ano yung gusto mong sabihin, kasi ano?” nag-aalang tanong nito. “K-kasi... kasi naman ang tagal mong hindi nagparamdam, tapos ngayon bigla kang susulpot, siguro naman deserve ko ang explanation mo!” kunwa’y nagagalit dito. Pero sa totoo lang ay natatakot siyang hindi na niya makita itong muli. “Sorry, kinailangan ko kasing mag focus sa pag-aaral ko at higit sa lahat sa therapy ko, gusto ko kasi pagbumalik na ako ay magaling na akong haharap sa ‘yo.” Saka masuyo nitong hinawakan ang kanyang kamay. “Kung ganoon, magaling ka na?” excited niyang tanong dito. Ngumiti naman ito sa kanya. “Malapit na, matagal din kasi ang gamutan sa ganitong sa condisyon ko. Pero unti-unti nararamdaman ko naman na may pagbabago at umaayos na ako.” “Claude?” seryosong tanong niya, matagal na din kasi niyang gustong itanong ito sa binata. “Hmmp?” “Tanong lang, bakit ang bait mo sa akin? Noong high school pa lang tayo inisip ko na baka naawa kalang sa akin, pero ngayon na pareho na tayong nasa tamang edad, pwede ko bang malaman kung bakit ka mabait sa akin? Kung naaawa ka lang ba talaga sa akin?” saka niyang ito matamang tiningnan. Nakangiti lang ito na tumingin sa kanya, “Gusto mong malaman kung bakit?” tumango naman siya dito. “Magagawa mo bang makapaghintay pa hanggang sa isang araw? Makita tayo sa elementary school sa kabilang bayan,” nagtataka naman siyang napatingin dito. “Bakit kailangan pa nating magpunta doon? Nagkita ba tayo dati sa lugar na ‘yon?” “Basta, ‘wag nang maraming tanong tatawagan kita sa isang araw. Kumain na tayo at na tutuyo na ang noodles natin,” napahaba ang kanilang usapan, naputol lang ito ng may tumwag sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD