Halos humaba na ang leeg ni Dana kahahanap kay Claude, malapit na magsimula ang ceremony pero wala pa din ito.
“Beshy sino ba ang hinahanap mo, tayo na doon. Tito, tita pupunta na po kame sa p’westo namin,” ani April sa magulang niya, hiwalay kasi ang pwesto ng mga magulang sa mga magsisipag tapos sa convention na iyon.
Medyo marami din kasing tao kaya hirap siyang makita si Claude, “Beshy, ano ba halika na.” hila ng kaibigan niya sa kanya.
Magkakahiwalay silang magkakaibigan dahil lahat ng section magkakasama alphabetical, nasa bandang dulo siya dahil Vien ang kanyang surname, at Ros naman si Claude, dahil kakaunti lang ang may apelidong nagsisimula sa S,T,U, ay madali lang para sa kanya na mapansin ito.
Pero malapit na silang mag-start ay wala pa rin ito, kinabahan siya ng umakyat na ang MC sa stage at pinapila na ang mga estudyante dahil mag-sisimula na silang mag-martsya. Pero hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya nakikita ang binata.
“Siguro hindi na iyon makaka-abot? Baka nasa ospital pa din ito?” malungkot niyang bulong sa sarili ng biglang may kumalabit sa kan’ya, saka bumulong sa pangalan n’ya.
“Dana, Mag-usap tayo after nitong graduation?” pagharap niya sa nagsalita ay nakita n’ya si Claude na naka-ngiti sa kanya, saka kumindat pa ito sa kanya.
Napatulala naman siya dito, “Tama ba ang nakikita ko, ikaw si Claude... Si Claude— paanong nangyari?” nagtatakang tanong niya na hindi makapaniwala at sobrang saya ang nararamdaman.
“Ako nga,” saka biglang nag-announce ang MC, “Magkita na lang tayo mamaya after nito.” Napatango na lang siya dito saka ito nagmamadaling lumakad sa pwesto nito.
Halos hindi matanggal ang pagkakangiti sa kanyang labi habang naglalakad siya. Napaka-ganda kasing regalo para sa kanya. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon, ay nakasama niya si Calude ng hindi siya sinusungitan.
Ang saya lang nang pakiramdam niya habang naglalakad para siyang nakalutang, nang matapos ang martsa nila ay nakatingin lang siya sa binata dahil nasa pang limang linya lang ito sa harapan niya, kaya kitang-kita niya ang gwapong likod nito.
Sobrang proud niya dito dahil halos hakutin na nito ang mga awards na meron sa school nila. Laging siyang nakapalakpak dito. Halos pagtinginan na din siya ng mga katabi niya.
Gabi na nang matapos sa ang kanilang graduation sa sobrang dami nang mag estudyante na nagsipagtapos.
Matapos ang event ay nagsilapitan naman ang mga kaibigan niya sa kanya. Masaya nila binati ang isa’t isa.
“Congratulation sa ating lahat, paano ba ‘yan walang makakalimot ah, basta lagi kayo ng cha-chat kahit saang school pa kayo pumasok, saka dapat gagawa tayo ng way para magsama-sama ulit.” Aniya sa mga kaibigan niya.
“Oo naman kame pa ba makakalimot, paano ba ‘yan mga beshy kailangan ko na din umalis kasi kakain pa kame ng mga magulang ko sa labas,” paalam ni Rose.
Niyakap niya ang mga kaibigan bago sila mag-paalam sa isa’t isa. Nang makalis ang mga kaibigan ay hinanap naman niya si Claude, nang matanaw itong papuntang parking lot, hahabulin sana niya ito ng biglang dumating ang magulang niya.
“Anak, halika na?” tawag nang kanyang ama.
“Ma, Pa mauna na po kayo sa kotse, may hahabulin lang po akong kaibigan,” paalam niya dito.
“Sige anak, bilisan mo ah!” bilin naman ng kanyang ina.
Patingin niya sa papuntang parking lot ay malayo na ito, kaya patakbo niya itong hinabol. Nang bigla itong nawala sa kanyang paningin.
“Saan ba nagpunta ‘yon, sabi niya magkita kame, tapos inalisan naman ako,” napapakamot siya ng ulo habang iniikot niya ang paningin baka sakaling makita niya ang binata.
Malapit na siyang sumuko sa paghahanap dito ng makita niya itong papalapit sa gawi niya, hindi na nito suot ang toga nito.
“Hmmp... nagpalit ka pa pala ng damit. Ow! May gift pa ang lolo mo,” kinikilig niya bulong sa sarili.
Saka lumapit na din dito, “Claude!” tawag niya dito saka niya ito hinarang.
Sumimangot naman itong tumingin sa kanya, “Anong kailangan mo?” seryosong tanong nito, nagtaka naman siya.
“Sabi mo kanina, mag-usap tayo!” hindi naman niya maintindihan ang reaksyon na nakita niyang rumehistro sa mukha nito.
Ganoon na lang ang kanyang pagka-dismaya ng isiping, si Clyde ito at hindi na si Claude.
“Wala tayong dapat pag-usapan, kung wala ka nang kailangan aalis na ako,” anito na masama ang tingin sa kanya.
“Wala na, congratulation nga pala!” saka malungkot niya itong pinagmasdan.
“Tsk...” palatak nito saka naiiling na nilagpasan siya, pero agad din itong himinto at humarap sa kanya, tumingin ito sa hawak nitong regalo saka pabalang na inabot sa kanya.
Tuwang-tuwa naman siya, “Para sa akin ‘to, talaga para sa ‘kin ‘to,” hindi makapaniwalang tanong niya.
Pero hindi siya nito sinagot at tumalikod na sa kanya. Masaya siyang bumalik sa kanilang sasakyan kung saan naghihintay ang pamilya niya.
“Ang saya mo anak ah! Ano ba yang hawak mo?” tanong nang ama.
“Ah, may nagbigay po sa ‘kin,” nakangiting sagot niya.
“Ate buksan mo na, para malaman natin kung ano ang laman,” anang kapatid na mas excited pa sa kanya.
“No! sa bahay ko na ito bubuksan, at hindi ko ipapakita sa’yo dahil sa akin ‘to,” natatawa naman ang mga kasama nila sa kanya.
****
Pagdating sa bahay ay agad niyang tinawagan ang binata pero hindi ito sumasagot, “Siguro hindi pa sila nakakauwi, galing sa celebration nila.” Pagkukumbinsi niya sa sarili.
Buong akala niya ay matatapos ang araw na iyon na hindi niya ito makakausap, nang tumawag ito ng hating gabi, nagising siya sa tunog ng kanyang cellphone at biglang nagising ang kanyang diwa ng makita ang pangalan nito sa screen ng kanyang cellphone.
“Hello! Claude, anong nangyari sayo pinag-alala mo ako!” bungad niyang tanong dito.
“Sorry Dana!” paumanhin nito at naiintindihan naman niya ito.
“Ayos lang, salamat nga pala sa gift mo, hindi kasi ako nakapagpasalamat sayo kanina, kasi ang masungit na si Clyde yung nag-abot.” Natatawa niyang komento.
“Pasensya ka na talaga ah! Saka gusto ko din sayo ipaalam na bukas na ang flight namin.” Malungkot ang boses nito.
“Kung para sa kalusugan mo, hindi ka dapat malungkot, kung naiinip o nalulungkot ka kung nandon ka na p’wde mo akong tawagan o magchat ka sa akin. Para mawala ang lungkot mo.”
“Oo naman siguradong gagawin ko ‘yan, basta Dana sa pagbalik ko. Magkita tayo, sa bookstore kung saan tayo unang nagkita, ako biglang si Claude at hindi si Clyde.” Natahimik naman siya dahil parang ang lungkot ng boses nito.
“Hihintayin ko ang pagbabalik mo, basta sabihan mo lang ako kung babalik ka na.”
Matapos ang kanilang usapan ay masayang bumalik sa pagtulog si Dana, masaya siyang gumising. At hangang sa pagdating nang gabi ay excited siya sa tawag ni binata.
“Siguradong nakarating na ‘yon.” Aniya na nakatingin lang sa kanyang cellphone.
Pero nakatulog na lang siya sa paghihintay ay wala paring Claude na tumawag.
“Siguro, pagod lang sa byahe,” pero lumipas ang araw, linggo, buwan ay hindi pa rin siya tinatawagan ng binata, hindi niya makontak ang cellphone nito dahil hindi din naman kasi niya alam ang roaming nito, nakailang chat na din s’ya, pero kahit seen ay wala ito.
Nag-aalala na siya para sa binata, wala siyang balita sa kung anong nangyayari dito o kung kamusta ang therapy nito.
Lumipas ang taon, malapit na siyang mag-graduate sa college pero kahit isang paramdam ay wala Claude na nagparamdam.
Nagtatampo na siya sa binata, pero kahit lumipas ang taon ay hindi pa rin niya ito nakakalimutan, walang araw na hindi niya ito naisip. Nag-aalala siya sa kung anong lagay nito, kung magaling na ba ito?
At higit sa lahat kung sino ang nanatili, natatakot siya na baka kaya ito hindi tumatawag sa kanya ay baka ang nanatili ay si Clyde.
Naputol naman ang kanyang pagmumuni-muni ng tawagin siya ni Rona, magkapareho kasi sila ng university na pinasukan, management ang course nito at siya naman ay culinary.
Lumaki na din kasi ang kanilang restaurant dahil na rin sa tulong ng Suarez Food Corporation, may ilang branch na din silang in-open, at ang kuya na niya ang namamahala dito.
At sa pag-graduate niya ay agad na din siyang papasok sa restaurant nila, may alam na rin siya at kabisado na ang masikot-sikot doon, pero mas gusto niyang sa kusina manatili ayaw niyang mag-opisina. Minsan na niyang sinubukan mag-opisina pero, mas madalas lang siyang makarinig ng panlalait. Mas gusto niya sa kusina dahil tago.
Hindi na rin kasi nakapag-ehersisyo dahil na busy siya sa pag-aaral, saka tinatamad din siya dahil wala siyang kasama.
“Oh, ano beshy, mauna na ako sayo, kailangan ko kasing matapos itong thesis ko para makapag-apply na ako for graduation.” Sabi nito, “Ikaw ba, nag-apply ka na ba? Tanong nito.
“Last na itong presentation ko mamaya, kaya naghahanda din ako, kasi may mga kilalang tao daw ang dadating, at mula sa food industry daw ang magiging judge, kasi ang mapipili daw ay aalukin na sa kanila magtrabaho.” Paliwanag niya.
“Diba sabi mo doon ka sa restaurant n’yo?”
“Oo, saka mapili man ako o hindi tatanggihan ko rin naman e, kasi walang katulong ang kuya.”
“Sige beshy, chat-chat na lang tayo mamaya, baka kasi malate na ako e.” paalam ng kaibigang si Rona.
Matapos makipag-usap sa kaibigan, dumiretso na siya kung saan gaganapin ang kanilang final exam.
At sa huli at napabilang siya sa top three na mataas ang score, dahil mahilig siya sa pasta ay sinubukan niyang gayahin ang pasta na nakain niya isang beses, sinubukan niya itong gawin, saka wala na rin naman siyang pakialam kung mapili siya o hindi.
Habang inaayos niya ang mga ginamit niya ay may matandang lalaki na lumapit sa kanya at inalok siya ng trabaho pero tinanggihan niya ito. Nang-hihinayang naman ang iba niyang kaklase sa kanya. Mas gusto din kasi niya na tulungan ang kapatid sa negosyo, kahit hindi ganoon kalaki ang business nila.