Habol ang hininga ni Dana, matapos ang isang ikot na pag-jogging nila sa Park, naupo siya sa isang gilid at hinihintay si Claude na naglalakad.
Naupo ang binata sa tabi niya ng makalapit sa kan’ya, “Hmmp, pagod ka na agad naka isang ikot ka pa lang?” tanong nito na mas pawisan pa sa kanya samantalang naglakad lang naman ito.
“Mas pawisan ka pa sa ‘kin eh, naglakad ka lang naman?” aniya nahinahabol pa din ang paghinga.
“Matagal na din kasi ang akong hindi naka pag-excerse,” parang mas-kinakapos pa ito ng hininga kesa sa kan’ya.
Nagtaka naman s’ya, paanong hindi na kakapag-excerse e, kasali ito sa varsity. Hindi na lang niya ito pinansin dahil ang other half nga pala ang kasali sa varsity at hindi ito.
“Claude, malapit na ang graduatation natin. Saan mo balak mag-aral ng college?” tanong niya sa binata, gusto niya din kasi na sa school din na papasukan nito siya mag-aral.
Bigla naman naging malungkot ang mukha nito, may nasabi ba siyang masama at biglang nagbago ang anyo nito?
“Sa totoo lang, Dana! Baka pagka-graduate natin ng high school lumipad na ako papuntang America at doon na mag-aral.” Malungkot nitong sagot.
Natahimik naman siya sa sinabi nito at hindi alam kung ano ang mararamdaman, ibig ba nitong sabihin hindi na niya ito makakasama pa.
“Doon kasi gusto ng aking magulang na mag-aral, saka isa pa mas magiging matagumpay kung doon daw gagawin ang trans— therapy ko, siguradong magagaling ang doctor doon.” Masuyong tumingin ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.
“Gusto ko kahit na nasa America na ako hindi mawala ang communication sa isa’t-isa, lagi kitang tatawagan at lagi ka din mag-u-update sa ‘kin para kahit malayo ang pagitan natin hindi mawawala ang ugnayan nating dalawa, mangako ka sa ‘kin, Dana,” saka umakma ito ng pinky swear.
“Pangako,” saka niya pinag-cross ang kanilang hinliliit. Iniisip pa lang niya na magiging malayo sila sa isa’t isa ay nalulungkot na siya, paano pa kaya kung dumating na ang time na iyo.
“H’wag ka nang malungkot, hindi naman ako habang buhay titira doon. Paggumaling naman ako siguradong lagi na tayong magkasama.” Naka-ngiti ito sa kan’ya.
Masaya siya kung sa pagbalik nito, ay ito pa rin ang makikita at makakasama niya. Paano kung ang isang katauhan nito ang makasalubong niya? Anong gagawin niya? Aaaahhhh mababaliw na ata ako!Hindi niya maiwang malungkot, parang gusto niyang umiyak, bukod kasi sa pamilya at kaibigan niya itong ang trumato sa kan’ya ng ganoon, mahihirapan na siyang humanap ng katulad nito.
“Dana, ‘wag ka nang malungkot kasi sinisiguro ko sa iyo. na pagbalik ko magaling na ako,” kahit saan mo gustuhin pumunta pupuntahan natin at hindi aalalahanin na lumabas ang masungit na ako.” Masungyo hinawakan nito ang kanyang kamay. “H’wag ka nang malungkot”.
“Pangako ‘yan ah?” aniya na sisinghot-singhot.
Ngumiti naman ito sa kanya, “Dana pagbalik ko, p’wede ba kitang ligawan?” tanong nito habang hawak ang kamay niya at titig na titig sa kanya, at naghihintay ng sagot niya.
Hindi siya makapaniwala na tatanungin siya ng lalaking matagal na niyang hinahangaan, buong akala niya kinakaawan lang siya nito at hindi na siya umaasa na magkakaroon din ito ng pagtingin sa kanya. Makasama lang ito ay ayos na sa kanya.
Pakiramdam niya ay mauubusan siya ng hininga sa paghabol sa puso niya na sobrang bilis ng pagtibok. Nanatili lang siyang nakatingin kay Claude, at nag-aantay sa sagot niyo.
“Oo naman, bakit hindi?” na hindi na niya napigilan na tumulo ang kanyang luha sa sobrang saya, “Kung gusto mo, sagutin na kita ngayon e, bakit pagbalik mo pa?”
Tumawa naman ito bago sumagot, “Kung p’wede nga lang e, bakit hindi? Pero ang gusto ko kasi magaling na ako ayokong lagi na lang kitang pinag-aalala.” Saka masuyo nitong hinaplos ang kanyang pisngi, “Tahan na,” saka nito pinunasan ang kanyang luha.
Tumayo ito saka siya inalalayang makatayo, “Saan tayo pupunta?” tanong niya.
“Baka kasi pagod ka na, kailangan mo ding palitan ang nawala mong lakas, tara doon.” Sabay turo sa fast food.
“Huh? Nakaka-isang ikot pa lang ako, kakasimula pa lang natin.”
“Ayaw kong mapagod ka ng sobra, kailangan mong magpahinga.” Saka ito ngumiti ay hinila siya papuntang fast food.
Sobrang dami nitong in-order dadalawa lang namin sila, “Bakit ang dami mong in-order, dalawa lang naman tayo?” tanong niya habangnakatingin sa mga pagkain na nasa table nila.
“Para sa inyong kahat ‘yan, ito lang ang sa ‘kin,” saka nito kinuha ang isang chicken sandwich at cola.
“Mapupuno na ang table natin sa dami mong in-order tapos ‘yan lang ang kakainin mo?” tanong niya napa-bilog ang mga mata.
“Akala ko ba gusto mo akong pumayat, mukhang mas marami pa itong kakainin ko ngayon kumpara sa nilabas kong pawis kanina ah!” natatawa siyang napatingin dito.
“Ayaw ko lang kasing magutom ka, baka magkasakit.” Ngiti nito habang napapakamot sa ulo.
Hindi pa man sila pero, ang alaga na nito paano pa kaya kung opisyal na sila.
Matapos nilang kumain ay hinatid na siya nito sa bahay, naglakad lang sila tutal hindi naman ito ganoong kalayo sa bahay nila, at para na din matunaw ang kinain niya, napasibra ata siya dahil pinilit niyang ubusin ang mga order nito.
“Aghhaa... aghhaa,” pag-ubo ng binata ng makarating na sa kanila.
“Anong nangyari? Bakit, ayos ka lang ba?” nagaalala niyang tanong, bigla kasi itong namutla at parang nahihirpaang huminga.
“Ayos lang ako, may pumasok kasing insekto sa bibig ko,” anito na umuubo pa din.
“Para ka kasing nahirapang huminga, namumutla ka pa!” nag-aalala siyang tumingin dito.
“Ayaw ko kasing malunok kaya pinigil ko yung paglunok ko kasabay sa paghinga ko. Hehehe,”
“Ano natanggal mo ba?” nag-aalala pa rin niyang tanong.
“Nilunok ko na, hahaha... Baka kasi kung hindi ko pa lunukin tuluyan na akong hindi makahiya,” natatawa naman ito.
“H’wag mo na ulit uulitin ‘yon, pinag-alala mo ako, akala ko nahihirapan ka nang huminga. Sa susunod na may pumasok ng insekto d’yan sa bibig mo lunikin mo agad, ganoon din naman ‘yon!” aniya na sobrang nag-alala sa binata.
Matagal nang naka-alis ang binata buhat ng ihatid siya nito sa kanilang bahay, ay feeling n’ya nasa cloud 9 pa rin siya sa sobrang saya.
Hindi siya makapaniwala na may gusto din sa kanya ito. hindi tuloy niya alam kung itutuloy niya ang diet niya kasi mukhang lalo siyang ginaganahang kumain ngayon dahil sa nararamdamang saya.
****
Ang sayang nararamdama ni Dana ay napalitan ng lungkot, dahil ilang araw nang hindi tumatawag si Claude sa kan’ya, maging ang masungit na si Clyde ay hindi din nagpapakita sa school, hindi din nito sinasagot ang mga tawag niya.
Kaya naman ay sobrang nagaalala na siya, gusto niya itong puntahan sa bahay kasi hindi niya alam kung saan ito nakatira.
“Guys!” habol ang hininga ni Rose na patakabong lumapit sa kanila.
“Oh bakit? May problema ka ba?” tanong niya dito.
“Wala, pero ang crush mo meron.” Pagkasabi pa lang nito ay bigla na siyang kinabahan.
“Bakit? Anong nangyari sa kanya?” sabay hawak niya sa balikat ng kaibigan.
“Hindi ko din alam e, ang narinig ko lang na ospital daw ang crush mo, walang nakakalam kung bakit, umugong ang balita na iyon kasi nag-file daw ito ng leave, at posibleng hindi ito maka-attend sa graduation natin.”
Nanlulumo naman siya sa binalita ng kaibigan, anong ba talaga ang sakit mo? Bakit kailangan mong ma-ospital? Bakit ang dami mong ayaw sabihin sa akin, paano kita matutulungan?
Hanggang makauwi siya sa bahay ay iniisip niya ang binata. Ay hindi mawala sa isip niya ang kalagayan nito. Pagpasok niya sa kwarto ay saktong tumunog ang kanyang telepono.
Agad niya itong sinagot ng makita ang pangalan na rumehistro sa screen ng cellphone niya.
“Hello Claude! Kamusta? Anong balita sayo, sabi nila na ospital ka daw? Kamusta na pakiramdam mo? Bakit hindi mo ko tinawagan?” sunod-sunod niyang natanong.
“Hahaha ang dami mo naman tanong, isa-isa lang sasagutin ko naman lahat.” Anito na natatawa pa rin.
“Inatake kasi ako ng hika ko, maayos na ako masyado lang nag-alala ang pamilya ko kaya sinugod nila ako sa ospital, naiwan ko naman dito sa bahay ang cellphone ko kaya hindi kita natawagan kaagad, pasensya na pinag-alala kita!”
“Bakit ka humihingi nang pasensya wala ka naman kasalanan, isa pa ako dapat ang humingi sa ‘yo na pasensya, kasi feeling ko dahil sa akin kaya umatake ang hika mo. Iyon ‘yung time na nag-jogging tayo noh?
“Bakit hindi mo sa’kin sinabi na may hika ka din, edi sana hindi na kita niyayang mag-jogging.” Nakukonsensya niyang sabi dito.
“Ano ka ba, ako ang may kasalanan kasi hindi ako nag-sabi sa’yo, ‘wag kanang mag-alala.”
“Paano ka n’yan, malapit na graduataion natin, paano ka maka-attend?” nagaalalang tanong niya, baka kasi dahil ito na ang huling pagkikita sa binata bago lumipad pa America.
“Attend ako, kailangan ko lang ipahinga ito.” pangako nito.
“Kung ganoon, magpahinga ka na. para maka-attend ka sa graduation natin.”
Napabuntong hininga siya matapos ang kanilang pag-uusap, kinakabahan siya sa darating nilang graduation, baka hindi ito maka-attend.