Napalunok ako nang malalim. Gusto kong lamunin na lang ako ng lupa sa puntong iyon. Sa halip na makalusot, lalo ko lang atang binaon ang sarili ko sa hukay na ako rin naman ang naghukay.
"I-ibig kong sabihin... Kasi 'di ba, malaki ka... kaya natural na..." Naputol ang sasabihin ko nang marinig ko ang marahas na pag-atras ng upuan niya.
Dahan-dahan siyang tumayo. Doon ko lalong naramdaman kung gaano siya katangkad. Halos matabunan na ako ng anino niya.
"Look at me," utos niya.
Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko. Ang mga mata niya ay parang matatalim na balisong na sinusuri ang bawat reaksyon ko.
"I don't care if you're related to Boss Lui or if you want to be with your brother," panimula niya. "What I need here are useful people, not extras. I don't tolerate distractions and burden in my team."
"Tungkol naman sa video..." Bigla siyang ngumisi, ngising hindi umabot sa mga mata niya pero sapat na para mangatog ang tuhod ko. "Since you have the guts to invade our privacy, let's see if you have the brains to match that confidence. Magaling ka ba sa math?"
Kinuha niya ang ballpen sa table at inabot sa akin. Pagkatapos, tinuro niya ang math problem na kanina niya pa sinusagutan.
"Solve this in five minutes. Kapag nakuha mo ang tamang sagot, palalampasin ko ang pambabastos mo sa shower room kanina at official ka na sa team—" hamon niya habang nakapamulsa na agad ko namang pinigilan.
"Wa-wait! Anong sasagutan?!"
Napatitig ako sa papel.
Seryoso ba 'to?
"What?" tanong niya, tila naiirita sa pag-aatubili ko.
Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa mga x at y na parang nagra-riot sa papel. "Paano kung... paano kung mali?"
"Kapag mali... Makakaalis ka na, hindi ka namin kailangan," maikli niyang sagot.
Tumingin ako sa pinto na nagbabakasaling nandoon pa si Isaac para iligtas ako, pero wala. Mag-isa lang ako sa harap ng halimaw na 'to. Hinawakan ko ang ballpen nang mahigpit habang tinititigan ang calculus problem na parang ito na ang huling hininga ko.
"Five minutes starts now," malamig niyang sabi sabay tingin sa relo niya.
Patay na. Bakit ba kasi hindi ako nakinig kay Mrs. Santos? Mas gugustuhin ko na palang makinig sa sermon niya kaysa machallenge ng ganito.
Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa formula.
Nanginginig ang kamay ko habang sinusulat ang unang step. Nararamdaman ko ang titig niya sa gilid ko. Isang minuto na ang lumipas pero parang ang tanging nako-compute ng utak ko ay kung gaano kabilis ang t***k ng puso ko.
"Three minutes left," paalala niya.
"Sandali lang! Huwag kang maingay, nadi-distract ako!" sigaw ko sa kanya, kahit na ang totoo ay wala na talagang mahanap na sagot ang utak ko.
Bahala na! Dating gawi nalang— ang mag-imbento ng sariling solution.
Sinulat ko ang sagot.
"Tapos na!" hingal kong sabi sabay bitiw sa ballpen na parang nakuryente ako.
Kinuha niya ang papel at tinitigan ito. Nanatili siyang tahimik habang ako naman ay halos hindi na makahinga sa kaba. Lumingon siya sa akin, ang isang kilay ay bahagyang nakataas.
"LUMABAS KA," bulong niya.
"Putang inang yan!"
Padabog akong lumabas ng pinto, halos mabuwal sa bigat ng balikat ko. Ramdam ko ang halo-halong pagkadismaya at pagod na tila ba bawat hibla ng lakas ko ay hinigop ng hayop na 'yon.
"I told you, hindi ka pwede sa ganito."
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Isaac sa gilid ko. Nakasandal siya sa pader at nakapamulsa.
Nangingiyak akong tumingin sa kanya. "Isaac... anong gagawin ko? Ligwak na ba ako? Sure na siya 'don?"
"Ang ingay mo," sagot niya bago ako biglang hinila sa leeg gamit ang braso niya. Kinaladkad niya ako palabas ng hallway na parang sako ng bigas habang nagpupumiglas ako.
"Bitawan mo nga ako! Masakit, Isaac! Ano ba!" bulyaw ko sa kanya habang kumakawala sa mahigpit niyang pagkaka-akbay.
"Maglilibre ako, tara na," maikling sabi niya na sapat na para tumigil ako sa pag-iinarte. Basta pagkain talaga, mabilis akong kausap.
Nang makalabas kami sa gate ng warehouse, padaskol niya akong binutawan.
Ang hayop!
"I-isaac!"
Sabay kaming lumingon. Sa hindi kalayuan, nakatayo ang isang lalaki na mukhang kanina pa naghihintay sa labas. Nanlaki ang mata ko nang makilala siya—kaklase ko siya! Yung top 1 sa section namin at ka-compete ni Isaac sa batch!
Cute siya, iyong tipong soft boy ang datingan na malinis tignan at mukhang mabango. Pero bakas sa mukha niya ang matinding kaba. Nakayuko siya at hindi makatingin nang deretso kay Isaac, habang ang mga kamay niya ay nanginginig pa nang bahagya.
"Uhhmm... ammm..." dahan-dahang lumapit ang kaklase ko sa amin. Para siyang bata na hindi malaman kung saan ilalagay ang mga kamay niya habang nag-aatubili pang magsalita. Bakas sa bawat galaw niya ang tindi ng kaba, na tila ba mas nakakatakot pa si Isaac kaysa sa kahit anong banta.
"T-thank you... pala," sa wakas ay nauutal niyang sabi.
Napakunot ang noo ko at agad na sumabat. "Para saan?"
Tumingin ako kay Isaac na puno ng pagtataka.
Hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng kapatid ko. Nanatili siyang seryoso. "Hindi ko intention 'yon," maikling sagot ni Isaac habang nakatingin sa malayo. "Napadaan lang ako at nadamay lang."
Lalong pumasok ang kalituhan sa isip ko. Anong nadamay? Anong nangyari? Balak ko pa sana siyang kulitin pero hindi na ako sinagot ng mokong. Dumeretso na siya ng lakad na parang walang narinig, iniwan kaming dalawa ng kaklase ko sa harap ng gate.
Lumingon ako sa kaklase ko na kanina pa nakayuko at tila hindi alam kung paano aalis. Tinitigan ko siya saglit at saka kay Isaac. Ano naman kayang kapekpekan ang ginawa ng mokong na 'yon?
"Huy, tara na!" bigla kong sabi sabay hila sa braso niya para sumunod kami kay Isaac.
"E-eh? Saan tayo pupunta?" gulat niyang tanong na muntik pa siyang matalisod sa bilis ng paghila ko.
"Magpapakain 'yung kambal ko! Tutal nagpasalamat ka na rin naman, sumama ka na. Para mabawasan ang kaba mo, baka himatayin ka na riyan sa gilid eh," biro ko sa kanya habang patuloy kami sa paghabol sa mabilis na lakad ni Isaac.
Narating namin ang isang maliit na kainan malapit sa hideout. Agad na naupo si Isaac sa dulo at kumuha ng menu, habang kami naman ay naupo sa harap niya. Napansin ko ang panaka-nakang pagsulyap ng kaklase ko kay Isaac, tila sinusuri kung kailan ito sasabog sa galit.
"Order na kayo. Huwag niyo akong tignan, hindi ako nakakabusog," pagtataray ni Isaac nang hindi man lang nag-aangat ng tingin mula sa listahan ng pagkain.
"Sabi ko sa 'yo, mabait 'yan... kapag tulog," bulong ko sa katabi ko sabay siko sa kanya. "Anong gusto mo? Siguraduhin mong mahal ang oorderin mo para mabutas ang bulsa ng kapatid ko!"
Nahiya namang tumawa ang kaklase ko na unti-unting nawawala ang panginginig ng mga kam
ay niya. "Kahit ano na lang. Salamat."
"Ano nga ulit pangalan mo?" tanong ko.
"Psh! Kaklase mo, hindi mo alam ang pangalan?" biglang sumabat si Isaac nang hindi tumitingin sa amin. "Siguro simula noong mag-transfer tayo sa school na 'yan, puro tulog na lang ang ginagawa mo sa klase kaya pati pangalan ng mga kaklase mo hindi mo alam!"
"Huwag ka ngang sumabat!" bulyaw ko sa kanya sabay irap. "
"Ang mahalaga pamilyar ang mukha nila," tamad na sagot ko habang binababa ang menu.
Nahiya naman ang kaklase ko at dahan-dahang nag-angat ng tingin. "Shane Sinclair," maikli niyang sagot.
"Shane Sinclair?!" Gulat na pag-uulit ni Isaac na ikinagulat namin, maging ang katabing table namin ay napatingin saamin.
"O-oo....." Nauutal na sagot ni Shane sa gulat.
Umayos ng upo si Isaac at lumapit ng bahagya na parang nag-excite na magtanong. "Ikaw yung top 1 last year na sinasabi nila?"
"O-oo.... Ako nga." Sagot naman ni Shane na ngayon ay hindi na makatingin ng deretso sa kanya.
"Do you know me?"
Agad kong pinahaba ang kamay ko at binatukan siya. "Ungas ka talaga!"
"Aray!"
"Kilala ka niya kaya 'wag ka nang magyabang na natalo mo siya!"
Habang naghihintay ng pagkain, hindi ko mapigilang makipagdaldalan kahit halata namang hindi palakibo si Shane. Masyado akong curious kung paano sila nagkakilala ng kamabal ko, lalo na't bihira siyang magmagandang-loob nang walang kapalit.
"Ah so...kakakilala niyo lang kaninang hapon," saad ko habang pinaglalaruan ang tissue sa lamesa. "Ano nga palang ginagawa ng kuya ko? I mean, paano ka napunta sa sitwasyong kailangan ka niyang mangialam?"
Tumigil siya sa ginagawa at tumingin sa akin nang nahihiya. "May nambully kasi sa akin sa likod ng gym kanina. Akala ko talaga kung ano nang mangyayari sa akin, pero bigla na lang siyang sumulpot."
"Talaga?" hindi ko makapaniwalang tanong. Tumingin ako kay Isaac na ngayon ay busy sa pagpunas ng kutsara at tinidor gamit ang tissue. "Ah, kaya pala kinaladkad ka ng homeroom teacher mo kanina!"
Hindi siya kumibo kaya lumapit ako para pisilin ang sugat niya sa ilong. "Kaya pala may pasa ka!"
"Ouch!"
Tinabig niya ang kamay ko kaya agad naman akong bumalik sa upuan ko.
"Sabi ko sa 'yo, napadaan lang ako," mariing ulit ni Isaac na napatingin kay Shane. "Maingay sila at hindi ako makatulog nang maayos."
Natawa ako nang mahina. That's the typical Isaac. Kahit gumawa na ng mabuti, kailangang may cool excuse pa rin.
"Kahit na," mahinang sabi ni Shane habang nakatingin sa mga kamay niya. "Kung hindi dahil sayo, baka nasa clinic na ako ngayon."