"Listen everyone. You're not here to play. Ang pagpasok sa team na ito ay hindi para sa mga mahihina o sa mga naghahanap lang ng pagti-tripan. Once you're in, your life is no longer just yours. Ang katapatan niyo ay sa grupo, at ang pagkakamali ng isa ay kabayaran ng lahat. Isaksak niyo 'yan sa mga bagol niyo."
Hala, siya iyong tinutukoy ni Tito Lui? Akala ko pa naman ay yung tipong gurang na, madaming tattoo sa mukha, mahaba ang buhok na parang hindi nakatikim ng shampoo, at may balbas na abot hanggang dibdib. Pero itong si Lux....ibang klase, ang bata niya pa pala sa personal. Ang linis tignan kahit ang sungit, at parang mas bagay siyang maging model kaysa maging head ng mga gangsters na 'to.
"Ang astig!"
Nangangalay na ako sa pagkakatayo kaya dahan-dahang sumitsit kay Isaac na ngayon ay nakatayo na sa malayo na kabilang sa mga senior members.
"Psst! Isaac!" bulong ko para makuha ang atensyon niya pero ang mokong, nanatiling seryoso at hindi man lang lumingon.
Patuloy pa rin sa pagsasalita si Lux tungkol sa mga rules at discipline kuno, pero ang isip ko ay malayo na ang narating.
Parang okay siya na kasama na parang hindi! Nakaka-tense ang aura niya! Totoo kaya ang sinabi ni Tito Lui? Hindi naman siguro.
Hindi nagtagal, kumuha siya ng isang folder at tumingin sa aming lahat nang seryoso.
"Everyone whose name is called steps forward.," utos niya.
Name calling? Seryoso ba? Bakit kailangan pa niyan, eh hindi naman kami mag-aaral.
"Rico Sandoval!" tawag ni Lux.
Isang lalaking seryoso ang mukha ang nag-step forward. "Boss!"
"Jace Vergel!"
Nag-step forward din ang isa pang lalaki.
"Liam Torres!"
Mabilis na humakbang pasulong ang tinawag.
"Kenji Sato!"
Isa-isa silang humahakbang na tila ba takot na magkamali sa harap ng lalaking 'yon. Habang tumatagal, lalong lumilipad ang isip ko. Iniisip ko kung kailan ba matatapos ang name calling na 'yan dahil parang gusto ko nang mag-skip at kumain. Ang bagal naman kasi.
"Moriah Elise Dacera."
Hinihintay ko pa rin ang susunod na pangalan. Sino na kaya ang susunod? Sana matapos na 'to para makapag-basa na uli ako—
"MORIAH f*****g ELISE DACERA!"
Bigla akong napaigtad. Para akong nagising mula sa isang mahabang panaginip dahil sa lakas ng sigaw na 'yon. Pagtingin ko sa taas pababa sa paligid ko— ang lahat ay nakatingin nanaman sa akin na parang nakakita ng alien. Napa irap nalang si Isaac ng lingonin ko siya.
"CAN'T YOU f*****g HEAR ME?!" bulyaw ng lalaki. Nakatitig na siya sa akin ngayon, at kung kanina ay parang papatay na ang tingin niya, ngayon ay parang gusto na niya akong ibaon nang buhay.
Pangalawang beses ko na ata tong mapahiya kung meron lang ako 'non!
"AY SORRY!" malakas kong sagot sa gulat. Dahil sa kaba at excitement na rin, mabilis akong naglakad at excited na nag-step forward para pumila sa hanay ng mga tinawag.
Ngunit bago pa ako tuluyang makahanay, napatigil ako nang muling magsalita ang lalaki sa taas.
"Did I tell you to step forward?"
Napakunot ako ng noo.
"Ha? Eh... tinawag niyo po 'yung pangalan ko, 'di ba?" sagot ko.
"Dumbass!"
Hindi ko iyon narinig pero nabasa ko ang labi niya.
Tinitigan niya lang ako nang ilang segundo bago siya tumalikod at dire-diretsyong umalis nang walang pasabi.
Nanlaki ang mga mata ko. Literal na nakalimutan kong huminga sa loob ng ilang segundo. Ano 'yon? Nagwalk-out?
Hala... ano nangyari? Natanggal ba ako? Ibig bang sabihin nung hindi pag-step forward eh ligwak na ako sa team? Ang sama naman pala talaga ng ugali niya!
"Neng, umuwi kana!" Tawa 'nong mga lalaki.
"Huwag niyo ng asarin yung bata!" Suway pa ng isa na nagmamagandang loob.
Napa-irap ako sa lumalayong bulto ng lalaki. Muntik ko pang makalimutan na nandito pala si Isaac kaya liningon ko na siya dahil alam ko namang aasarin niya ako. Gamit ang mga mata ko, tinanong ko siya kung anong gagawin ko.
He immediately rolled his eyes and mouthed "Follow me." Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at nagmadaling tumakbo palapit sa kapatid ko.
Sumunod ako sa kanya paakyat sa isang opisina sa second floor. Pagpasok namin, bumungad sa akin ang kaninang masungit na lalaki na ngayon ay seryosong nakaupo sa table niya. Sinubukan kong sumilip sa ginagawa niya at muntik nang malaglag ang panga ko. May sinasagutan siyang math problem.
Ang angas niya naman pala talaga. Estudyante pa pala siya? Akala ko ba full-time gangster 'to? Nakaka-intimidate na nga bilang leader, genius pa yata sa calculus.
Haharap sana ako kay Isaac para magtanong kung bakit kami nandito pero paglingon ko sa tabi ko, wala na ang mokong. "Kailan pa 'yon lumabas?"
Napatingin ako sa lalaki sa harap ko pero hindi man lang siya nagsalita. Ang awkward. Hindi ko na tuloy alam kung sino ba dapat saamin ang maunang magsasalita. Bakit naman niya ako ipapatawag dito kung wala siyang sasabihin, di'ba?
Ramdam ko ang bawat segundo na lumilipas pero nananatili kaming tahimik. Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-hello o hihintayin ko siyang magsalita. Nangangalay na tuloy ang paa ko kakatayo. Nang makita ko ang maluwag na sofa sa gilid, dahan-dahan akong naglakad patalikod para sana umupo. Pero bago pa lumapat ang puwit ko, narinig ko ang malalim na pagbubuntong-hininga niya kaya bigla akong napatayo ng matuwid.
Ilang minuto pa ang dumaan kaya napilitan na akong basagin ang katahimikan kahit sobrang awkward.
"May sasabihin ka ba?" I asked.
Hindi siya nagsalita o gumalaw man lang.
Baka pahihirapan siya sa sinasagutan niya. Nagagalit pa naman ang mga ganitong klaseng tao kapag nahihirapang sagutan ang ganyang problem solving, proven and tested ko na kay Isaac. Isa pa 'yon, nagwawala nalang bigla kahit hindi naman nakainom.
"Ah.. ano pala, pinakiusapan ko kasi si Tito Lui—yung main boss niyo na isali ako," simula ko ulit habang kinakamot ang ulo. "Inasign niya ako sa team niyo. And... you must be Lux, right?"
Tumawa ako nang pilit kahit hindi man lang siya gumalaw o tumingin sa akin. Itinuloy ko pa rin ang pagsasalita para hindi masyadong halata ang kaba ko.
"Gusto ko lang namang bantayan ang kambal ko," paliwanag ko. "Ayaw ko siyang mapahamak kaya sumali na rin ako. Para partner kami, 'di ba?"
Five minutes later.
"At maganda narin 'yon para may duo kayo sa team, angas diba?" Pagtatapos ko. "May tubig ka ba diyan? Dry na kasi lalamunan ko."
Sinilip ko ang nakayuko niyang mukha pero hindi pa rin siya nag-aangat ng tingin. Napangiwi ako at tumawa na naman ng naiilang. Biglang pumasok sa isip ko na baka galit siya dahil sa nangyari sa shower room kanina.
"Tungkol nga pala sa kanina... sorry talaga!" mabilis kong sabi. "Hindi ko sinasadya 'yon. Gusto ko lang talagang i-surprise si Isaac at videohan ang reaction niya, hindi ko alam na shower room pala 'yon. Pero pramis, dinelete ko na 'yung video! Hindi ako manyakis, 'no!"
Sa totoo lang, wala akong balak i-delete 'yon dahil balak ko 'yong gamiting panakot sa kapatid ko, hindi niya naman siguro itatanong kung may pruweba na dinelete ko talaga.
Bigla siyang huminto sa pagsusulat pero hindi pa rin siya nag-angat ng tingin.
Sabi na eh!
"Sorry din kung nagbibingi-bingihan ako kanina," dagdag ko pa. "Ang totoo niyan, sobrang gutom na kasi ako at gusto ko nang umuwi. Kaya siguro hindi agad rumesponde ang utak ko. Pwede pa ba akong sumali?"
Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Imbes na kumalma ako, mas lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko ay nakalimutan ko nang huminga sa takot. Napayuko agad ako at bumulong ng "sorry" ulit.
Naramdaman kong sumandal siya sa upuan niya. Sumilip ako nang bahagya pero agad din akong yumuko dahil nakakatakot pala talaga siya kapag sa malapitan tumitig.
"P-promise Sir—Boss, hindi ko po talaga nakita kung ano man ang iniisip niyo," nauutal kong sabi. "At kahit malaki at mahaba pa 'yan, hindi ko 'yan isasave sa files ko at—"
Tumigil ang lahat. Napapikit nalang ako ng marealize ang sinabi ko.
"Hindi mo nakita pero alam mo yung size?" He asked. "Really?"