CHAPTER 1

2000 Words
"Dismissed class." Paalam ni Mrs. Santos. Hindi ko na hinintay na makalabas siya ng pinto. Sa sobrang bilis kong isilid ang mga gamit ko sa bag, muntik ko nang maisama ang lunch box ng katabi ko. Wala akong paki sa bagsak kong quiz o sesermonan nanaman ako, ang mahalaga ay makauwi ako ng mas maaga. Habang naglalakad ako sa hallway na parang sasabak sa marathon, may narinig akong pamilyar na boses ng bruha mula sa itaas. "Hoy, babae! Akala mo ba matatakasan mo ako?" Napatingin ako sa rooftop at nakita ko si Trina, ang queen of bully na akala mo ay laging may dalaw sa sobrang sungit. Nakapamaywang siya habang masamang nakatingin sa akin. Nangunot ang noo ko. Istorbo talaga 'to kahit kailan "Ano na naman?" tamad kong sagot. Eksakto namang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Muntik ko pa itong mabitawan sa sobrang pagmamadali. Tito Lui: 742 Warehouse District, Pier 13. Biglang nagliwanag ang mukha ko. Parang may sumabog na confetti sa loob ng dibdib ko. Tumingala ulit ako kay Trina na naghihintay ng away. "Umakyat ka dito sa rooftop ngayon din! Tapusin natin 'yung atraso mo sa akin sa canteen kanina. Akala mo ba nakalimutan ko na 'yun?" sigaw niya. Tinignan ko lang siya. Sa totoo lang, wala akong oras para sa mga ganitong petty school drama. May gang meeting ako, teh! "Oo na! Matapang ka na! I-print natin sa tarp, ha?!" sigaw ko pabalik sabay bigay ng isang bonggang flying kiss. Rinig na rinig ko ang hiyaw niya sa inis, pero wala na akong paki. Tumatakbo ako palabas ng gate habang ang nasa isip ko ay ang reaksyon ni Isaac. Siguradong malalaglag ang panga ng kambal ko kapag nakita niyang kasama na niya ako. Akala niya siya lang ang may kayang maging seryoso at nakakatakot? Well, watch out, Isaac. Your better half is coming. Pagdating ko sa Warehouse, nanlaki ang mga mata ko. Tumigil ako sa tapat ng malaking bakal na pinto. Huminga ako nang malalim at inayos ang suot ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nagsalamin para tignan kung maayos pa ang messy ponytail ko. "Okay na!" bulong ko sa sarili ko. Dapat siguro, kapag pumasok ako, parang slow motion. Ibinuka ko nang malaki ang mga mata ko—yung tipong parang nanlilisik pero sa totoo lang ay nagmumukha na siguro akong tarsier. Pinalapad ko rin ang lakad ko, 'yung parang siga sa kanto na akala mo ay may pigsa sa kilikili sa sobrang angas ng pagka-swing sa mga kamay. Dapat ganito 'yun, para alam nilang hindi ako basta-basta. Blag! Padaskol kong itinulak ang pinto. Ang amoy ng pawis, leather, at bakal ay agad na sumalubong sa akin. Ang ingay ng mga tumatamang suntok sa punching bag at kalansing ng mga bakal ay biglang tumigil. Parang eksena sa Jollibee kapag may biglang sumigaw ng "Na saan ang sabaw!"—lahat napalingon. Ang lalaki nila at tigasin kung tignan. Sila 'yung tipong kapag nakasalubong mo sa dilim, ibibigay mo na agad pati kaluluwa mo. Naka-itim sila at karamihan sa kanila ay may mga tattoo sa buong katawan. "Hoy bata, sinong nagpapasok sa'yo dito?" tanong ng isang lalaking kalbo na may hawak na dumbbell. "Tignan mo nga yung itsura niya!" Tawa naman nung isa na nakasandal sa pader na sinabayan naman ng mga kasama niya. "Baka may idedeliver!" "Hindi naman mukhang may idedeliver!" "Palabasin niyo yan bago pa pumasok si boss!" Hindi ko sila pinansin. Nanatili akong naka-dilat kahit medyo masakit na sa mata at naglakad patungo sa gitna ng warehouse. Waaa bakit hindi nila ako sineseryoso? isip-isip ko. Tinignan ko naman ang sarili ko, ok naman ako, teka.. Nakikita ba nila ako? Wag kang kukurap, Moriah! Isipin mo ikaw si John Wick, pero girl version. Lumapit ako sa isang lalaking busy sa pagsuntok sa isang mabigat na punching bag. Malaki siya, parang kasing-laki ng ref namin sa bahay. Tap, tap. Tinapik ko ang balikat niya. Tumigil siya sa pagsuntok at dahan-dahang humarap sa akin. Ang mukha niya ay parang hindi nakatikim ng ngiti simula nung pinanganak siya. "Nasaan ang Kuya ko?" tanong ko sa pinaka-malalim na boses na kaya kong gawin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos, tumingin siya sa mga kasamahan niya at biglang humagalpak ng tawa. "Sino naman ang gagong 'to?!" sigaw niya habang tumatawa. "Sino tinatawag mong Kuya? Nawawala ka ba, neng? " "Hoy! Kaninong anak 'to? Bakit may bata na pumasok dito sa hideout?" Sigaw pa nito sa mga kasama niya. Nagtawanan silang lahat. Ang lakas ng hagalpak nila akala mo ay ikinasiga nila! "Hindi ako bata!" bulyaw ko, pero lalo lang silang natawa. "Uwi ka na, neng. Baka hinahanap ka na ng nanay mo." sabi nung isa habang kinukutkot ang kuko niya gamit ang kutsilyo. Napairap ako. Nakakainis! Ang astig ko pa naman. Dahil ayaw nilang sumagot, ako na mismo ang naghanap. Iginala ko ang paningin ko habang pilit pa ring naglalakad-siga kahit parang gusto ko nang mag-skip dahil sa excitement. Napansin ko ang isang hagdan na bakal papunta sa second floor. May mga pinto doon na mukhang opisina o kwarto. Baka nandoon si Isaac. Umakyat ako, hindi pinansin ang mga pasaring at tawa ng mga lalaki sa ibaba. "Hoy, bata! Saan ka pupunta? Bawal ka diyan!" sigaw nila, pero dedma lang ako. Pagdating ko sa tapat ng isang malaking pintong kahoy, tumigil ako. Nararamdaman ko ang kaba sa dibdib ko. Ito na 'yun. The grand reveal. Isusurprise ko si Isaac. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang camera. Gusto kong ma-video ang reaksyon ni Isaac kapag nakita niya ako. "Dapat ma-document 'to," bulong ko. Binuksan ko ang camera at in-on ang video mode. "Okay, countdown... 3... 2... 1..." Baaaam! Sinipa ko ang pinto nang buong lakas. "SURPRISE, LOSER—!" Ang sigaw ko ay biglang naputol. Ang cellphone ko na naka-ready para magvideo ay muntik nang mahulog. Naka-record ang lahat. Kitang-kita sa screen ko ang lahat. Pero hindi ang kuya ko ang nabungaran ko. Isa itong malaking shower area. At ang eksena? Puro mga lalaking walang saplot sa itaas—at ang iba, parang maging sa ibaba ay wala ring mga suot. At doon, sa gitna, ay ang kambal ko. Kakalabas lang ata niya sa shower dahil basa pa ang buhok niya. Ang tanging nakatakip sa kanya ay puting tuwalya na nakasabit nang napakababa sa baywang niya. Mukhang may sinasabi siya sa mga kasamahan niya nang bigla akong pumasok. Napatigil ang lahat. Ang daming abs! Parang isang buong bakery ng pandesal ang bumungad sa akin. "WAAAA!" sabay-sabay silang sumigaw. Hindi kona kailangang imulat ng malaki ang mata ko sa gulat dahil kanina pa ito nakadilat. Ang daming abs na nakahilera sa harap ko. "Moriah?!" hiyaw ni Isaac. Ang mukha niya na laging seryoso ay biglang naging kasing-pula ng kamatis. Nagkagulo sila. 'Yung isa, sa sobrang gulat, ay nadulas pa sa basang sahig habang sinusubukang abutin ang brip. 'Yung isa naman, kinuha ang maliit na face towel para takpan ang sarili niya, pero dahil sa laki niya, wala ring silbi. Samantalang ako, nanatili lang akong nakatayo sa may pinto. Hindi ako sumigaw. Pinapanood ko lang ang nagkakagulong mga lalaki habang ang cellphone ko ay maayos pa ring naka-tutok sa kanila. "Get the f**k out of here!" Si Isaac. "Bakit may babae dito?!" "Hoy! Sinong nagpapasok diyan!" "Ang daming abs..." bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ang screen. "Tangina paalisin niyo!" Biglang bumukas ang pinto ng isang shower stall sa dulo. Isang lalaki ang lumabas. Matangkad, mas malaki kaysa sa iba, at may awra na parang siya ang hari nila. Basa rin ang buhok niya at may tuwalyang nakasabit sa leeg. Napakunot siya nang makita ang gulo. "WHAT THE HELL ARE YOU DOING?!" Sigaw niya. Ang boses ay parang kulog na yumanig sa nagkakagulong nakahubot-hubad. Pero nang magtama ang tingin namin at pagkatapos ay bumaba sa cellphone na hawak ko, ang matigas niyang imahe ay biglang naglaho. Nanlaki ang mata niya, sumigaw, at mabilis na bumalik sa loob ng shower stall at isinarado ang pinto nang malakas. "WHO LET THE f**k HER IN?!" sigaw niya. "Patay tayo!" sigaw pa ng isa habang nagkukumahog magsuot ng damit. "Moriah Elise Dacera! Lumabas ka dyan ngayon din!" sigaw ni Isaac. Ngumiti ako nang nakakaloko. Ibinaba ko na ang cellphone ko at pinatay ang camera. "Sabi ko sa'yo, Isaac, watch me," bulong ko bago ako dahan-dahang umatras at isinara ang pinto. Nakasandal ako sa tabi ng pinto habang nakikinig sa mga mura at sigawan nila sa loob. Ang puso ko ay tumatalon sa tuwa. Hindi man ito ang suprise na plinano ko, pero sigurado ako sa isang bagay, hinding-hindi nila makakalimutan ang araw na ito. At atleast hindi lang si Isaac ang nasuprise ko! "This is going to be fun." natatawa kong sabi sa sarili ko habang tinitignan ang 4K resolution video ng mga sumisigaw na gangsters. Paglipas ng tatlumpung minuto, habang nakasandal pa rin ako sa pader at pinapanood nang paulit-ulit ang cinematic masterpiece sa phone ko, biglang bumukas ang pinto ng locker room. Hindi pa ako nakakalingon nang maramdaman ko ang malakas na kamay na humablot sa collar ng uniform ko sa likod ng leeg. "Manyakis ka talagang babae ka!" bulyaw saakin ni Isaac. Kinaladkad ako niya ako pababa ng hagdan na parang isang kuting na nahuli. Ang mga paa ko ay halos hindi na sumasayad sa bawat baitang ng hagdan dahil sa higpit ng hawak niya. "Hoy, Isaac! Bitawan mo 'ko! Masisira 'yung uniform ko!" pagmamaktol ko habang pilit na nagpupumiglas. Nang makarating kami sa ground floor, padaskol niya akong binitawan. Agad akong humarap sa kanya habang humahalakhak. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, ang mukha niya kasi ay pulang-pula na akala mo ay sasabog na. "Hahaha! 'Yung mukha niyo kanina! Epic!" tawa ko nang malakas habang lumalapit sa kanya. Inabot ko ang magkabila niyang pisngi saka pinisil-pisil ang mga ito. "Namumula ka oh!" "Don't f*****g touch me!" "Grabe, ang cute niyo palang tignan na parang mga bulateng nilagyan ng asin habang nagkakagulo sa loob! Lalo na 'yung isa na nadulas, muntik na siyang mag-split!" Clang! Napatalon ako sa gulat at napatigil bigla nang marinig namin ang malakas na tunog ng bakal na tumama sa semento. Agad kaming napatingin sa pinanggagalingan ng tunog na iyon. Iyon pala ay ang dumbbell na hawak ng isang lalaki na nalaglag dahil sa gulat. Nang ilibot ko ang mga mata ko, halos nasa amin na ang atensiyon ng lahat kasabay ng paglamig ng paligid. Dahan-dahan kong ibinaba ang mga kamay ko mula sa pisngi ng kambal ko. Para silang naka-freeze. Ang lalaking kalbo na may dumbbell kanina ay nakanganga pa rin habang ang dumbbell niya ay gumugulong na. 'Yung isang lalaki na may tattoo sa braso ay parang napatigil na rin sa pag-inom ng tubig. At ang lalaking may kutsilyo kanina ay muntik na niyang mahiwa ang sariling kuko dahil nakatitig siya sa amin nang hindi makapaniwala. "Bakit may naglalandian dito!" "Par! Tingin mo magjowa ang mga batang 'yan?" "Hindi, magkamukha nga sila eh!" "OO NGA! Pero ang sabi nila, kapag sobra mo daw mahal 'yung tao, nagiging kamukha mo!" "Naniniwala ka sa mga ganon?" "Mga kabataan talaga ngayon!" Awkward akong ngumiti sa kanila at nag-peace sign. Tumingala ako sa itaas para sana mag-peace sign din sa mga tao 'don, pero agad na nawala ang ngiti ko ng makita ang lalaking nakatayo roon. Siya 'yong matangkad na lalaking halos magpaguho ng warehouse sa lakas ng mura kanina sa loob ng shower. Nakabihis na siya ngayon pero ang awra niya ay parang papatay. Nakatingin siya sa akin nang diretso na parang binibilang na niya ang mga buto ko na babaliin niya kahit wala naman akong atraso sa kanya. "Si Boss! Ayusin niyo linya niyo!" "Siya ba?" "Oo, manahimik ka na!" Lord, kung nakakamatay ang tingin, malamang ay abo na ako ngayon. Ang sungit naman niya. Mukhang mas nakakatakot siya kapag may damit na. "Hey! Don't stare at him and go to your line!" Siko saakin ni Isaac. "Ha? Bakit?" "You don't know him?" "Hindi!" "That's Lux, the leader of this team!" "Hah?! ---------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD