Kabanata 6

875 Words
Kabanata 6 Amy TULALA lang ako sa klase, dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Ewan ko ba may parte sa akin na ayaw kong iwasan si Kiro kahit kakakilala ko lang sa kanya. Pero ayaw ko rin naman na saktan ako ulit nila Jasmine at tita Joan. Dahil sa pagkakatulala ko hindi ko na napansin na lunch na pala. Ang bilis naman kasi ng oras. "Amy tara na," sabi ni Anne, tumayo ako pero ang sakit parin ng katawan ko at alam kong nahalata iyon ni Anne. Lumapit si Anne sa akin at hinawakan ang pisnge kong mapula parin. Mapula dahil sa sampal nila tita Joan at Jasmine. "Bakit ang pula ng pisnge mo?" seryosong tanong ni Anne kaya naman napakagat labi ako. Kilalang kilala ako ni Anne kaya mahihirapan akong magsinungaling sa kanya. "A-Ahm blush on lang yan," kinakabahan na sabi ko. Habang kagat ang labi ko upang mabawasan ang kaba. "Tingin mo maloloko mo ako? Sabihin mo sa akin ang totoo." seryosong sabi nya kaya naman napaluha ako. Lumambot naman ang expression nito. "Shh tara sa garden doon ka mag open," sabi nito sa akin, kaya pumunta kami sa garden. Nang makarating kami rito ay sinimulan ko ng magkwento kay Anne. Kung paano ako saktan nina Jasmine at ng step-mom ko. Sinabi ko rin ang dahilan. Tuwing naaalala ko ginagawa nila sakin ay grabe rin ang sakit ng nararamdaman ko. Kita ko rin ang galot at lungkot sa mga mata ni Anne habang nagkekwento ako. Hindi ako matigil tigil sa pagiyak dahil sa mga pinaggagawa nila sa akin. Natapos ko na ang pagke-kwento pero hindi pa rin natigil sa pagpatak ang luha ko. Agad ako nitong niyakap at inaalo. Yung bigat na dala-dala ko ay nabawasan dahil nasabi ko kay Anne ang nararamdaman ko. "K-Kaya kailangan ko ng iwasan si Kiro, dahil sasaktan na naman nila ako." umiiyak na sabi ko at kita ko naman ang pagkainis sa mukha nito. "Iyan talagang half sister mo napaghahalataan na insecure sayo!" inis na inis na sabi ni Anne. Kaya naman yumakap na lang ako rito. Yung yakap ni Anne ang isa sa nakakatulong sa akin upang gumaan ang pakiramdam ko. Kaya I am so happy na nandito siya para makinig sa bawat kwento ko. "Shh hayaan mo na lang iyang half-sis mo basta nandito lang ako. If you have a problem just tell me hmm?" malambing na saad nito kaya naman napangiti ako. Ang swerte ko talaga sa kaibigan ko. "Thank you Anne! Love na love talaga kita." sabi ko rito kaya naman tumawa ito. "Love din kita! Tara na nga kumain," yaya nito sa akin. Kaya naman pumunta na kami sa canteen. Si Anne na ang bumili ng kakainin namin at ako naman naghahanap ng table para sa amin. May nakita akong bakanteng upuan sa bandang dulo at doon na ako umupo. Agad kong nilabas ang libro ko upang tingnan ang susunod na lesson namin. Habang nagbabasa ay naramdaman kong may tumigil sa gilid ko. At ng itaas ko ang paningin ko nakita ko roon si Kiro na madilim ang mukha. "Bakit mo ako iniiwasan?" madilim at seryosong tanong nito sa akin. Kaya naman nakagat ko ang labi ko sa kaba. Tumingin ako sa paligid at lahat sila sa amin nakatuon, at dumapo ang tingin ko kay Jasmine na pinandidilatan ako ng mata. Kaya naman natakot ako. Agad naman akong yumuko para iwasan ang masamang tingin ni Jasmine sa akin. Natatakot ako na baka mamaya magsumbong na naman siya kay tita Joan. Hindi pa nagaling ang mga sugat at pasa ko kaya hindi ko kakayanin na magkaroon na naman ng bago. "Amethyst bakit mo ak--" hindi na natapos ni Kiro ang sasabihin nya ng sumingit si Anne, buti naman. "Amy ito na pagkain natin. Oh nandito pala kayo!" biglang sabi ni Anne na para bang gulat na gulat na makita sina Jin at Kiro. "Oo, gusto sana naming maki share ulit" sabi ni Jin, sasagot na dapat akong hindi ng inunahan ako ni Anne. "Sorry muna ha? Huwag muna ngayon, kaming dalwa muna ni Amy. Next time na lang." seryosong sabi ni Anne at walang nagawa ang dalwa kundi umalis. Thankful ako na tumutulong sa akin si Anne para mapalayo sa Kiro. Kitang kita ko pa ang pagtitig sa akin ni Kiro bago sila umalis ni Jin. Muli akong tumingin kay Jasmine at kitang kita ko ang pag irap nito. Ano pa ba problema niya sa akin? Ginagawa ko na nga ang gusto niya. Kumain na lang kami ni Anne. Sana mawala na ang mga problemang ito, kasi ayoko na talagang masaktan. Sawang sawa na ako sa p*******t nila, sana dumating na talaga si papa para makalayo na ako sa kanilang dalawa. Sorry Kiro pero simula ngayon kailangan na kitang iwasan. Ayoko na muling makakuha ng mga pasa at sugat. Kahit naman hindi ko gusto na iwasan ka ay wala akong magagawa. Napatingin naman ako sa paligid at dumapo ang paningin ko sa table nila Kiro at Jin. Tila matutunawa ako sa pwesto dahil sa pagtitig sa akin ni Kiro. Dahil ayaw ko na ng gulo ay iniwas ko na lang tingin ko sa kanya at muling pinagpatuloy ang pagkain ko. Kailangan ko talaga makagawa ng paraan upang makalayo na kay Kiro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD