Kabanata 5

1149 Words
Kabanata 5 Amy HANGGANG ngayon ay curious pa rin ako kung bakit nga ba kinikilig si Anne sa amin ni Kiro. Kaya naman kinukulit ko siya kasi iisipin at iisipin ko yun palagi. "Best," kulbit ko kay Anne na wala sa sarili. Tapos na ang klase namin dahil nakatulala lang siya. Pero hindi parin ako pinapansin ni Anne kaya naman mas nilakasan ko boses ko. "HOY ANNE," "A-Ay Anne," gulat na sabi niya kaya naman natawa ako. "Bakit ka naman nanggugulat Amy?" Tila gulat na gulat ito habang nakahawak pa sa dibdib niya. OA naman ni Anne. "Ewan ko sayo, lutang ka kasi," pairap na saad ko rito. "Eh curious nga ako sa sinasabi mo kanina," parang bata na saad ko. "Ah yung kay Kiro ba?" mapangasar na tanong nito habang nakahawak pa sa baba niya, mapangasar talaga ang babaitang ito. Tumango na lamang ako at hindi na lamang nagsalita. "Kasi naman mare hindi ko ba alam kung manhid ka lang o talagang wala ka lang pakelam," nagtaka naman ako sa sinabi nito. A-Ako manhid? Kailan pa? "Hindi naman ako manhid no!" pagtanggi ko rito at umirap lang ito sa akin. Taray naman ni ateng. "Kung hindi ka manhid bakit hindi mo napapansin si Kiro?" nakataas pa ang kilay na tanong nito. Malay ko ba kung sino yung Kiro na yun dati. Hindi naman kami close. "Bakit ko naman siya mapapansin? Eh kakakilala lang natin sa kanya diba?" sagot ko rito kaya naman napabuntong hininga na lamang ito. "Manhid nga," natatawang saad nito. "Ikaw na bahala, basta manhid ka." Napanguso naman ako sa sinabi nito, hindi na lamang ako nagsalita at nagayos na kami ng gamit para makauwi na. Sabay kaming naglalakad ni Anne palabas ng FU at sa labas naman naghihintay ang driver nila. "Best, sorry may family dinner kami ngayon," paumanhin nito sa akin dahil hindi niya ako masasamahan sa paguwi. "Ano ka ba, okay lang iyon!" paninigurado ko rito. "Gusto mo ba ihatid ka na muna namin?" pagaalok nito at agad naman akong umiling. "Naku huwag na, kaya ko naman umuwi magisa," pagtanggi ko rito, nakakahiya naman kung ihahatid pa nila ako sa bahay. "Ingat ka best ha, love you!" saad nito sabay halik sa pisngi ko. Nagba-bye na lang ako at nagmamadali naman silang umalis dahil malayo raw ang pagkakainan nila. Muli na lamang akong naglakad magisa pauwi sa bahay dahil nagtitipid ako ng pera, buti na lang may sarili akong ATM na hindi alam nila tita Joan at Jasmine. Nang makarating sa bahay ay katahimikan ang bumungad sa akin, siguro hindi pa nakakauwi si Jasmine at si tita Joan naman ay nasa sugalan. Buti na lang dahil ayoko na munang marinig boses nila. Agad akong dumiretso sa aking kwarto upang magpalit ng damit. Nang makapag palit ako ay agad akong humiga sa aking kama at doon ay dinapuan ako ng antok. ----- "AMY! BUKSAN MO ITO!" nagising ako dahil sa lakas ng sigaw na iyon. Nakakagulat naman ang sigaw na iyon. Agad naman akong nangamba dahil narinig ko na naman ang galit na boses ni Tita, paniguradong sasaktan na naman ako. Ngunit kahit kinakabahan ay binuksan ko ang aking pintuan. "T-Tita baki--" hindi ko pa tapos ang sasabihin ko ng sampalin ako nito kaya naman nalasahan ko ang dugo ko. Ang lakas ng pagkakasampal niya sa akin. Napaiyak naman ako dahil sa sakit at agad ako nitong sinabunutan. Pinipigilan ko ang kamay niya sa pagsabunot sa akin, ngunit sadyang napakalakas ng pwersa niya. "IKAW TALAGANG MALANDI KA! GUSTONG GUSTO MONG AGAWIN ANG LAHAT NG KAY JASMINE ANO!" sigaw nito sa akin habang kinukurot at pinagsasampal ako. Ramdam ko na magpapasa at magsusugat na naman ang mga ito. Ano na naman ang inagaw ko kay Jasmine? "T-Tita wala po akong inaagaw," umiiyak na sabi ko, pero tulad ng dati hindi nito ako pinakinggan. Wala itong tigil sa p*******t sa akin. "Napaka sinungaling mo talaga! Nung una boyfriend nya ang inagaw mo tapos ngayon ay yung lalaking gusto nya!" sabi nito sabay sipa sa akin, paniguradong ang dami ko na namang pasa at sugat. Agad akong napaupo dahil sa sakit ng pagsipa niya sa akin. Tumalikod na ito at umalis sa kwarto akala ko tapos na. Pero pumasok si Jasmine na may mala demonyong ngiti. Ano ba ginawa ko sa kanya? "Ikaw naman kasi Amy, masyadong mang aagaw," mapang asar na sabi nito, kaya naman nagtataka ako kung sino ang sinasabi nyang inagaw ko. "Wala akong inaagaw sayo!" lumuluhang saad ko, pero agad ako nitong nilapitan at sinabunutan. Ang sakit na ng anit ko. "Anong wala ha? Masyado kang attention seeker pati si Kiro nilalandi mo!" sigaw nito habang sinasabunutan ako, gusto kong manlaban ngunit wala na akong lakas. "H-Hindi ko s'ya nilalandi!" sagot ko dito at mas lalo itong nagalit. "Hinding hindi mo ako maloloko. Paawa ka pa kanina sa cafeteria ha! Para lang mapansin ka. Kaawa ka naman," madiing sabi nito sabay sampal sa akin. Umalis ito sa kwarto ko na para bang walang nangyari. Agad akong napaluhod habang hawak hawak ang mukha ko. Grabe na yung sakit na dinadanas ko sa kanila. Hindi ko na kaya yung sakit na nararamdaman ko. Bakit ba nangyayari sa akin ito? Papa please uwi ka na. Ang sakit sakit na! ----- Umaga na naman ngayon at maaga muli akong gumising upang pumasok. Hindi pa ako makatayo ng maayos dahil sa bugbog na natamo ko. Hirap na hirap akong pumunta sa banyo upang maligo, at ng tingnan ko ang aking mukha ay napag buntong hininga na lang ako. Hanggang kailan ko pa ba mararanasan ito? Hanggang kailan ko pa ba kailangan magtiis sa kamay nilang dalawa? Muli kong kinuha ang concealer ko at pinahid sa mga marka ng sugat at pasa ko, naluluha pa ako habang nilalagay iyon. Kasi kahit anong awa ko sa sarili ko ay hindi ko parin kayang lumaban. Nag suot na rin ako ng jacket upang itago ang mga sugat at mga pasa sa braso ko. Buti na lang long socks ang medyas namin kaya natago ang mga pasa ko sa binti. Pumasok ako sa school na walang kagana gana, dahil ang sakit talaga ng katawan ko. Sa p*******t na ginawa nila sa akin tila lambot na lambot ako. Nang makarating ako sa gate ay nakita ko roon si Jin at Kiro. Kaya naman kinabahan ako. Hindi nila dapat ako makita. Dapat hindi ako lumapit sa kanila para hindi na magselos si Jasmine. Dire-diretso akong naglakad upang hindi nila ako makita. Ngunit narinig ko pang tinawag ni Kiro ang pangalan ko pero hindi ko ito pinansin, baka makita ito ni Jasmine at saktan na naman nila ako ni Tita. Kaya naman habang maaga pa kailangan ko na syang iwasan. Hindi ko na kakayanin ang p*******t na ibibigay sa akin ni tita kapag nalaman nila na may interaksyon parin kami ni Kiro. Pumasok na lang muli ako sa classroom namin na tila walang masamang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD