Kabanata 4

1173 Words
Kabanata 4 Amy NANG mabili na ni Kiro ang order namin ay siya na rin ang nagdala. Sabi ko ako na lang kasi nakakahiya pero nagpumilit siya. Wala na akong nagawa. "Saan ba ang table mo?" malambing na saad nito, kaya napairap na naman ako. Sadya ba na malambing talaga ang boses niya? Tinuro ko na lang ang table kung saan nakaupo si Anne. Habang papunta kami sa table kitang kita ko ang habol tingin ng bawat estudyante na nadadaanan namin. Hmm sikat ba si Kiro? O baka anak siya ng isang mafia boss? Char lang kakanood ko ito ng palabas sa tv. Nang makarating kami sa table ay nakita ko ang nagtatanong na mata ni Anne na para bang sinasabing 'bruha ka explain mo' . "Ahm dito na lang ako, kayo ba?" sabi ko kay Kiro at doon sa kasama nya na hindi ko alam ang name. Syempre kailangan ko rin maging mabait sa kanya kasi kahit inis na inis ako sa kanya at tinulungan niya parin ako. "Pwede bang maki share na lang kami?" singit nung kasama ni Kiro sasagot na dapat ako ay biglang sumabat si Anne. "Sure, sure walang problema. Upo na kayo dyan," kinikilig na saad ni Anne, kaya naman naupo na yung dalawa. Kagaling naman ng babaeng ito basta gwapo mabilis pa sa alas-kwatro. Umupo ako sa tabi ni Anne at nasa tapat ko yung Kiro. "Best mamaya magpaliwanag ka," bulong sa akin ni Anne kaya naman napatango na lang ako. Kasi hindi naman ako titigilan nito hangga't hindi ako nagkekwento sa kanya eh . Tahimik lang kami habang kumakain, habang ako naiilang dahil sa titig sa akin nung Kiro. Para siyang ewan, hindi ko naman siya kilala pero bakit ganon siya makatingin sa akin? Bakit may something? Nang matapos kaming kumain ay biglang nagsalita yung kasama ni Kiro. "So hi girls, ako nga pala si Jin," sabi nung Jin, ang pogi niya mukha syang Koreano dahil may singkit siyang mga mata. Oppa. "Hello, ako naman si Leanne Rosales you can call me Anne pero pwede ring baby." parang kiti kiting kinikilig si Anne habang nakikipag kamay. Ang harot talaga ng kaibigan ko na ito. "Ah ako nga pala si Amethyst Perez, pero Amy na lang," nahihiyang sabi ko dahil hindi ko naman sila ka close. Makikipag kamay na dapat ako ng biglang nagsalita yung Kiro. "Jin," malamig na tawag nito sa kaibigan, agad namang tumingin si Jin at tila nagkaintindihan sila. Ngumiti ng mapang asar si Jin sabay baba sa kamay niya. Ayaw nya bang makipagkamay sa akin? Pero kay Anne nakipag kamay naman siya. Napaka-unfair talaga nila. Ibaba ko na rin sana ang kamay ko ng kinuha iyon nung Kiro. Ramdam ko ang napakalambot niyang kamay na parang pang babae, nakakahiya naman sa kamay ko. "I'm Drake Kiro Ford," maikli ngunit malambing na saad niya, nanglaki agad ang mata ko ng marinig ang apelyido niya. F-Ford? "F-Ford? Kayo ang may ari nito?" gulat na tanong ko. Tumawa naman ito. "Hmm oo," natatawang sagot nito kaya naman namutla ako. Hala paano na lang kapag nalaman niya na scholar ako ng school nila? Tinatarayan ko pa naman siya, baka ipatanggal niya ako sa scholar. Naiiyak na ako hindi ko kaya mawalan ng scholar, bakit kasi natarayan ko pa siya?? "Sis bakit natahimik ka?" tanong sa akin ni Anne. Kita ko rin na nakatingin sa akin sina Kiro at Jin. Agad kong hinawakan ang kamay ni Kiro at ramdam ko ang pagkagulat nito. "Diba hindi mo naman ako papatanggalan ng scholar kahit tinatarayan kita kanina?" naluluha na sabi ko rito. "Sorry, hindi ko naman alam na kayo pala ang may ari nito eh." Naiiyak talaga ako ngunit tumawa lang ito. Hinaplos nito ang kamay ko na nakahawak sa kanya, at ang gulat ko ng tila may kuryente na dumaloy sa aming dalawa. Kaya naman nabitawan ko kamay niya. "Bakit naman kita papatanggalan ng scholar?" natatawang tanong nito. "I'm not a bad person, baby." Agad kaming napasinghap ni Anne sa sinabi nito at tumawa naman ng nakakaasar si Jin. Para maiwasan ang awkwardness. Tiningnan ko na lamang ang relo ko. 5 minutes na lang ang natitira para sa susunod naming klase kaya nataranta ako. "Ahm Kiro at Jin, alis na kami malapit na kasi ang susunod na klase. Bye." nagmamadali kong sabi at bineso silang dalawa. Tila nanigas sila sa kinatatayuan nila sa ginawa ko. Anong problema? Beso lang naman yun, sanay na ako roon. Agad kong hinawakan ang braso ni Anne at tumakbo na kami upang hindi mahuli sa klase. Nang makarating kami sa room ay wala pa ang prof. Kaya umupo na kami sa aming upuan. Habang nagkaklase ay wala roon ang atensyon ko, ngunit ang isip ko ay lumilipad kay Kiro. Bakit ganun? Lagi ko siyang naiisip ngayong buong araw? Kaya naman buong klase ay lutang ako dahil nasa iba naman ang isip ko. Nakaka guilty pero hindi ko talaga alam, siya lang talaga naiisip ko eh. "Hoy!" nagulat ako ng biglang magsalita si Anne. "Ano ka ba naman? Nakakagulat ka naman e," nakangusong sabi ko rito. Busy ako sa iniisip ko bigla ba naman akong gulatin. "Aba talagang magugulat ka, best tapos na klase natin!" nagulat naman ako sa sinabi niya. Tapos na pala klase namin hindi ko man lang napansin. "Hehe tapos na pala," "Oo tapos na, hindi mo alam?" nakapameywang na tanong nito sa akin kaya napanguso ako. "Paano iyang isip mo kung saan nalipad," "Sorry naman, may iniisip lang naman ako," sabi ko rito. "Ano iniisip mo?" tanong nito sa akin. "Este sino pala ang iniisip mo?" Uminit naman ang pisngi ko sa tanong niya. Kaya naman mas ngumiti ito ng nakakaasar. "Sino? Si Kiro ba iniisip mo?" hula niya at wala naman akong magagawa kundi sabihin na lang ang totoo. "Oo, kasi ang weird niya sa akin," pagoopen ko rito. At ito namang kaibigan ko ay hindi nagpapahuli sa chismisan ay nagtanong agad. "Bakit naman weird?" curious na tanong nito sa akin. "Diba kanina I told you that someone called me baby, si Kiro iyon," nanlaki ang mata nito sa sinabi ko. "At sinabi nya na ako raw future asawa niya, ang weird lang kasi I don't know him personally," "And also, nahihiya ako kasi siya pa nagbayad ng lunch natin kanina, diba ang weird non kas--" hindi ko pa tapos ang sinasabi ko ng biglang umirit siya at pinaghahampas ako. "Aray ko naman," daing ko ng mahampas niya pati ang sugat ko. Buti na lang tumigil agad ito. "Ay sorry best nadala lang ako sa emosyon," paumanhin nito sa akin. "Kasi naman kinikilig ako sa inyong dalawa!" Agad naman nagunot ang noo ko sa sinabi nito. Anong nakakakilig doon? "Bakit ka naman kikiligin doon?" tanong ko rito. "Sa akin na lang iyon, bahala ka na alamin kung bakit, tara na at hapon na," Tumayo na lang kami at inayos ang gamit namin bago lumabas ng room. Kaming dalawa na lang natira sa room gawa ng nagchismisan pa nga kami. Hays hanggang ngayon naiisip ko parin yung actions ni Kiro kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD