Kabanata 3
Amy
NANG makapasok ako sa room ay nakita ko agad si Anne na nakaupo sa second row kaya naman doon na lang din ako umupo sa tabi niya. Syempre siya lang naman ang close ko sa school nito gawa ng half sister ko.
"Saan ka nanggaling bruha ka," tanong nito at napanguso naman ako dahil tinawag niya akong bruha. Ang bad n'ya talaga sa akin.
"Sa garden lang," parang bata kong sabi rito kaya naman kinurot nito ang pisnge ko. With her I act differently.
When I am with her, I can really show the real me. She is the only person who knows me very well. And I am very thankful that I have her as my best friend, I am so blessed to have her.
Dahil sa sakit ng pagkakakurot niya ay napahiyaw ako.
"Ouch!!" react ko, habang hawak-hawak ang pisnge ko habang nakanguso. Ang sakit talaga eh.
"Ang cute mo talaga para kang bata," natatawang ani nito, kaya naman napaisip ako. Mukha ba talaga akong baby? Gawa nung lalaki kanina baka kaya tinatawag niya akong baby ay dahil mukha talaga akong bata. Masyado kasi akong assumera kanina eh.
"Mukha ba talaga akong baby?" ma-drama kong tanong dito. Nagooverthink tuloy ako, mukha pa ba akong nagamit ng tsupon? Huhu.
"Oo HAHAHA bakit mo naitanong?" sabi nito habang hinahaplos ang pisnge ko, paniguradong sobrang pula nun dahil sa kurot niya. Napaka mapanakit kasi ng babaeng ito. Pero kahit ganon siya ay love na love ko parin s'ya.
"Kasi kanina may lalaking tumatawag sa aking baby," nakangusong sabi ko rito at agad namang nanlaki ang mga mata nito.
"Omo! Talaga ba? Ano gwapo?" tanong nito sa akin na may kasama pang hampas. Hmp ang sakit kaya gawa ng natamaan niya sugat ko.
"Need ba talaga itanong kung gwapo?" natatawang tanong ko rito. "At sis ang sakit ng hampas mo ha! Alam mo na may bagong sugat na naman ako,"
Bigla naman natigilan si Anne at kita ko ang galit sa mata niya. Ganito lagi ang reaksyon niya kapag sinasabi ko na sinasaktan ako ng step-mother at half sister ko.
"Nakakairita na talaga iyang demonyita mong step-mother at bruha mong half sister!" gigil na sabi nito sa akin kaya naman napatawa na lang ako.
"Chill ka lang, sanay na naman ako," biro ko sa kanya ngunit tumahimik siya at tumingin sa akin ng diretso. Nakakakaba naman ang pagtingin niya.
"Yun nga ang problema eh, hinahayaan mo lang sila na api-apihin at saktan ka," napangiti naman ako ng mapait. "Matuto ka naman lumaban, Amy,"
"Sana nga kaya kong lumaban sa kanila," malungkot na saad ko. Iyon kasi ang katotohanan, hindi ko sila malabanan dahil takot ako na baka pati si papa mawala sa akin.
Kaya titiisin ko lahat ng sakit na dinadanas ko sa kanila huwag lang malayo sa akin si papa. Siya na lang ang pamilya na meron ako.
Tumahimik na naman kaming dalawa at umayos ng upo dahil dumating na ang professor namin. Kailangan kong mag aral ng mabuti dahil malapit na akong matapos.
-----
Nag-ayos naman kami ng gamit sapagkat tapos na ang aming klase. Lunch time na namin kaya naman kakain na kami ng lunch.
Sa cafeteria na lang kami kakain ngayon dahil may naipon naman akong pera at hindi na ako nakapagbalot ng pagkain kaninang umaga gawa nila tita Joan at Jasmine.
"Hoy bruha tara na at gutom na gutom na ako." biglang sabi ni Anne.
Habang naglalakad papunta sa cafeteria ay agad ako dinaldal ng napakagaling kong best friend.
Pagkarating namin sa cafeteria ay nagpresenta na ako na ang bibili ng pagkain namin.
"Ako na lang oorder hanap ka na lang ng upuan natin," sabi ko rito at agad naman itong tumango.
Alam ko na naman ang order niya dahil parehas lang kami ng gusto, ang burger steak with fried rice. Hindi ko alam trip namin ni Anne pero bet na bet namin ang burger steak sa fried rice. Ang weird ng panlasa namin, hindi tama yung combination ng pagkain.
Pumila naman ako kaagad kasi paniguradong matatagalan ako dahil medyo mahaba-haba na ang pila. Sabay-sabay kasi ang lunch time ng mga nasa college department kaya medyo marami talaga.
Habang naka pila ako ay bigla na lamang may sumingit na tatlong lalaki sa harapan ko, kaya naman napanguso ako. Ang eepal naman nitong mga lalaki na ito.
"Kuya sa likod po ang pila," kinulbit ko ito at sinabi iyon. Hindi ata nila alam na bawal maningit, dinaig pa sila ng mga elementary.
"Ano ba! Wala akong pake," sabi nung lalaki sabay alis ng kamay ko. Naramdaman ko ang sakit dahil may sugat ako roon. Dahil sa sakit tila gusto ko na lang maiyak.
Kinagat ko ang pangibabang labi ko upang pigilan ang gustong lumabas na mga luha ko. Ang sakit kasi. Bastos na lalaki kasi ito.
Aawayin ko na sana ng biglang may sumingit na boses ng isang lalaki.
"Parang hindi ka lalaki ah," tumahimik ang buong cafeteria ng may nagsalitang lalaki. Ang lamig ng boses nito at familiar sa akin.
Nakatungo ako kaya hindi ko nakikita ang mukha nito. Natatakot kasi ako baka pagtulungan ako ng tatlong lalaki eh mukhang kahit babae papatulan nila.
"K-Kiro," tila nanginginig na sambit nung lalaking nag alis ng kamay ko.
Agad kong tinunghay ang ulo ko at doon nakita ko ang pagmumukha nung Kiro na sinasabi nila. Nang makita ko naman ang mukha nito ay nagulat ako, ito yung lalaki kanina sa garden.
"Sino ka para saktan ang babaeng ito?" malamig at tila galit na sabi nito habang nakaturo sa akin, kaya naman mas namutla yung lalaki.
"S-Sorry," nanginginig na sabi nung lalaki. Hmp bakit doon siya nag sosorry e sa akin sya may kasalanan.
"Wala kang karapatan para saktan ang babaeng ito," sabi nung Kiro sabay hila sa akin upang makatabi niya. Ano ba itong lalaking ito lagi ng nakahila sa akin. Feeling close lang ang peg.
"Kayong lahat na nandito. Huwag na huwag ninyo hahawakan ang babaeng nasa tabi ko. Dahil kahit dulo ng buhok niya ay hawakan nyo, ako ang makakalaban nyo! Naiintindihan nyo!?" ma-otoridad na sabi n'ya kaya naman tumango na lamang ang mga estudyante.
Ano ba siya rito? Hari? Bakit tila lahat ng estudyante rito ay natatakot sa kanya?
Humarap ito sa akin at biglang naging malambot ang expression nito.
"Anong gusto mong orderin?" malambing na saad nito, at dinig ko naman ang pag singhap ng mga taong nakarinig nun.
At dahil gutom na talaga ako at ayaw ko na mag-inarte at agad ko naman sinabi ang order namin ni Anne at siya na ang bumili nun.
Hays ano ba namang gulo itong napasukan ko.