Kabanata 2
Amy
MAAGA akong gumising sapagkat may pasok na kami ngayon. At kailangan kong pumasok ng maaga dahil ayaw na ayaw ko talagang nale-late.
4th year college na ako, at nagaaral ako sa isa sa pinaka sikat na university dito sa buong bansa.
Sa Ford University o mas kilala bilang FU.
Scholar ako roon, sapagkat ang perang dapat ay pang tuition ko ay ginastos ng step-mom ko sa sugal. At hindi alam ni papa na ang perang pang tuition ko ay winawaldas lang ni tita Joan sa sugal. Ang dapat ay panggastos ko ay inaangkin niya. Masyado siyang gahaman sa pera.
Nag ayos na agad ako dahil ayoko na nahuhuli sa klase, habang nakatingin sa salamin kitang kita ko parin ang mga marka ng sugat ko. Kahit ilang araw na ang nakalipas ay naroroon parin iyon.
Hindi ko alam kung paano ko iyon maitatago, hanggang sa makita ko ang pang make up na binili sa akin ni papa. Hindi naman ako pala ayos kaya hindi ko rin yun nagagamit, yung iba pa ay kinukuha sa akin ni Jasmine.
May nakita akong isang tube, isang concealer. Binasa ko naman ang directions nito bago ko ginamit, at ng matapos ay napangiti ako dahil effective nga, natago nito mga pasa at sugat ko. Thankful naman ako na natago nito ang mga bakas ng p*******t ni tita Joan sa akin.
Kinuha ko ang bag ko at bumaba na, at doon nakita ko si Tita Joan at Jasmine na nag aalmusal. Bigla namang kumulo ang tiyan ko, pero kahit gutom ay umalis na lang baka madagdagan pa ang mga pasa ko.
Naglakad ako papunta sa aming eskwelahan dahil hindi ko naman pwedeng gamitin ang kotse dahil iyon ang gagamitin ni Jasmine.
-----
Nang makarating ako sa FU ay nginitian ko agad ang guard.
"Aga mo Amy ah," ngiting bungad ni kuya Joel. Kaya naman binati ko muna ito.
"Syempre naman po," sabi ko pa rito, at tsaka ako pumasok.
Pumunta agad ako sa favorite spot ko which is the garden. Sobrang ganda kasi rito at nakaka relax, nakakabawas isipin ng problema.
Pinikit ko ang mga mata ko habang nilalanghap ang sariwang hangin. Nasa ganung pwesto ako ng marinig kong may nag click kaya agad kong naimulat ang aking mata.
Doon nakita ko ang isang mala adonis na lalaki. Agad akong napatitig sa mata niya, ang ganda nun, meron siyang napakatangos na ilong, mapupulang labi na tila ang sarap halikan. Syempre joke lang lagot ako sa papa ko.
Agad naman akong napatalon ng biglang nagsalita ito.
"Are you done checking me baby?" malambing na saad nito kaya naman napairap ako. Baby? Hays halatang babaero.
"Ahm hindi naman po baby ang name ko," awkward na sabi ko rito, at kita ko naman ang pagtawa nito. Kaya naman muli akong napairap, pasalamat siya gwapo s'ya.
"I know, gusto lang kitang tawaging baby." malambing parin na saad nito. Sanay na sanay ata si kuya sa pambobola ng babae pero pasensya siya kahit gwapo s'ya hindi ako papadala sa pambobola n'ya.
"Hehe huwag po baka ano isipin nila," naiilang na sabi ko rito. Marami pa namang tsismosa rito at sigurado akong makakarating iyon kay Jasmine at tita Joan. At syempre kadiri kaya, tawagin kang baby eh ang tanda ko na kaya. Cringe.
"I don't care, you are my baby."matigas na sabi nito kaya napanganga naman ako. Saan naman nakuha nito ang kakapalan ng mukha niya para angkinin ako?
Mukha pa ba akong baby? Akala naman n'ya makukuha ako sa mga bulok na moves niya. Yuck hindi no!
Umirap muna ako dito bago pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Hoy, Mister na hindi ko kilala! Kanina pa ako naiinis sa iyo ha, hindi mo ako pag aari at huwag na huwag mo akong matatawag na baby!"
Asar na asar talaga ako sa kaniya. At kita ko naman ang gulat sa reaksyon n'ya. Ano akala niya sa akin? Easy to get? Utot niya. Hindi ako ganon na babae no.
Tumawa naman ito ng mababa, omg nakaka-inlove. Joke ayoko sa mga babaero. Eh mukha niya pa lang mukhang sasaktan lang puso ko.
"Mala-tigre naman pala ang tapang ng future asawa ko," mapangasar pa na sabi nito kaya naman tila umusok ang ilong ko dahil sa galit.
"Future asawa mo mukha mo!" inis na sigaw ko rito. Hindi ko ba alam kung bakit pa ako nakikipag-usap sa lalaking ito, sayang oras lang eh.
Tatalikuran ko na sana siya ng bigla naman akong natalisod. Napapikit na lang ako dahil sure na sa lupa ang babagsakan ko ngunit nagulat na lang ako ng tila may sumambot sa akin.
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at doon nakatagpo ang isang napakaganda na pares ng mata. Napakaganda ng mata niya, tila nangungusap. Ang haba ng pilik mata niya at ang kapal ng kilay niya. Ang gwapong lalaki.
"Baka ma-inlove ka nan," bigla akong nabalik sa realidad ng magsalita muli ang lalaki. Agad naman akong umalis sa pagkakahawak niya at inayos ang uniform at buhok.
Namumula ang pisnge ko dahil sa kahihiyaan. Napatagal ata ang titig ko sa kanya. Kasi naman ang attractive ng mata niya, hindi ko napigilan na tumitig.
"Oh, tigre tila tumahimik ka ata?" nangaasar parin ang tono nito kaya naman naiinis na muli ako. "Na-inlove ka na ba sa kagwapuhan ko?" may pakindat pang nalalaman.
"Ang lakas ng tama mo!" hiyaw ko rito ngunit tumawa lang ito.
"Malakas talaga tama ko sayo," biglang banat nito sa akin. Ramdam ko naman ang paginit ng pisngi ko.
"Ewan ko sayo! Hindi naman kita kilala, wala kang kwentang kausap!" mataray na saad ko rito. "Diyan ka na nga!"
Hindi ko na hinintay pa ito na makapag-salita sapagkat nagmamadali akong umalis doon. At nang ramdam ko na malayo layo na ako sa kanya ay tumakbo na ako ng mabilis para dumiretso sa cr.
Pagkarating sa cr ay hingal na hingal ako, kaya naman pinahinga ko muna sarili ko bago humarap sa salamin. Kitang kita ko ang pamumula ng pisnge ko.
"Grr sino ba naman kasi iyong lalaki na iyon? Ang lakas ng trip sa buhay e!" bulong ko sa sarili ko bago inayos ang sarili.
Habang naglalakad ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko habang inaalala ang nangyari sa garden kanina.
Ang weird. Bakit ganito kabilis ang pagtibok ng puso ko?