NAGDAAN pa ang taon. Nanatili sina Axel at Julienne sa set-up. Pero marami na rin ang nagbago sa buhay nila. Bukod sa pag-aalaga kay Julia ay nanabik si Julienne sa mga susunod na mangyayari sa kanya. Sa susunod na semester ay napagdesisyunan na muli ni Julienne na mag-aral. Pero hindi kagaya ng dati, hindi na iyon business course sa kolehiyo na gustong kuhanin ng magulang niya. Nakumbinsi niya si Axel na kung makakapag-aral muli siya, crash course lang iyon at tungkol sa pagsasayaw. Ibinahagi ni Julienne ang pangarap sa lalaki. "Then do it," nakangiti pang wika nito. "I'll support you." Nagliwanag ang mukha ni Julienne. Si Axel na rin kasi ang parang tumatayong guardian niya. Though in contact pa rin naman ang kanyang mga magulang sa kanya, hindi niya maramdaman ang suporta ng mga ito k

