Present, One Month Later NAGING mabagal para kay Julienne ang nagdaan na buwan. Paano ay medyo mahirap rin iyon. Nang makabalik sa Maynila, nagtampo siya sa mga kasamahan. Pero sa halip na mag-sorry, puro panloloko pa ang narinig ni Julienne sa mga staff at kahit sa direktor. "Ayaw mo noon? May nakasama kang hot na lalaki sa isang isla? Pangarap ko 'yun uy!" tudyo pa kay Julienne. "Oo nga. Saka hindi lang guwapo si Mr. Aguillera. Mayaman pa rin siya. Sa kanya kaya ang Isla Azul. Kung ako sa 'yo Juls, inakit at ginapang ko na iyon." Humagikgik pa ang isang babae. Pinaikutan ni Julienne ng mata ang dalawa. Kung alam lang siguro ng mga ito kung anong nangyari, baka puro hampas sa kire ang nakuha niya mula sa mga ito. Tanging ang napala na paliwanag ni Julienne sa mga staff na paliwanag k

