HINDI mapakali si Axel. Nanginginig rin ang kanyang buong katawan habang palakad-lakad sa waiting lounge ng operating room. Ilang beses siyang napapikit at gusto na lamang mapasuntok sa pader. Paano kung may mangyaring masama kay Julienne? Buntis ito pero hindi kagaya ng dati, mukhang maselan iyon. Dinugo ito. Ano ang nangyari at bigla na lamang ganoon? Ganoon ba talaga niya pinasama ang loob ni Julienne nang makita muli siya? Pero dapat ay inaasahan na nito iyon. Sinabihan niya ito na kailangan nila na magkita pagkatapos ng isang buwan. Kailangan niya ng confirmation. Pero kailangan ba na maging ganoon talaga maging paraan para malaman niya kung nagbunga nga ang nangyari ng gabing iyon? "Sir?" Namumutla pa rin si Axel nang lumabas ang Doctor mula sa operating room. Kahit maganda ang ng

