"I FEEL it, Axel. I'm dying..." Nanikip ang dibdib ni Axel sa sinabing iyon ng kanyang Lolo Fidel. Sa taong ito ay pangatlong beses na itong na-ospital. Dahil matanda na at na-stroke pa, kung anu-ano ng sakit ang dumapo rito. Nagkaroon ng pneumonia ang Lolo niya ngayon na nakapagpahina nang husto rito. Naisip na rin naman ni Axel na maaari ngang malapit na ang oras ng kanyang Lolo. Pero masakit pa rin pala, lalo na kapag ang mismong tao na ang nagsabi noon sa 'yo. "Lolo..." niyakap niya ang Lolo. Ito na lamang ang kanyang natitirang pamilya. Hindi man sila ganoon kalapit sa isa't isa, napakalaki pa rin ng utang na loob niya rito. "Dahil dito, may gusto sana ako na ipagbilin sa 'yo." "Anything," Matamang tinitigan si Axel ng abuelo. "Gusto ko sana na muling magkaapo." Parang mas lalon

